Chapter 13 – Dumb and Numb

1648 Words
"Manhid ka ba?" seryoso at matalim na titig ang ipinukol niya sa akin habang nakaharang siya sa harapan ko. Nakatukod pa rin ang palad niya sa pader. Ako manhid? Kung manhid ako ay iiyak ba ako nang balde-baldeng luha? Mamamaga ba ang mga mata ko at lalaki ang eyebags ko na puwede nang sabitan ng hikaw sa laki? Magmumukha bang panda ang palibot ng mga mata ko nang dahil sa hindi ko pagtulog nang maayos kahit na gustuhin ko mang makatulog? "What are you talking about?" gusto ko mag-English para sosyal naman ang away namin. Bakit ba? Napanood ko ‘to sa mga kdrama at tagalog movies. Kidding aside… hindi ko alam ang pinupunto niya. "You don't know what I'm talking about? Nakita mo na naman siguro kung sino ang kasama ko kanina sa quick bites." naiinis ako sa paligoy-ligoy niya. Pero anong ire-react ko? "Oh? Sino ba ‘yon?" kailangang panindigan kong hindi ko kilala si Sol. May amnesia ako ngayon, bukas at sa mga susunod pang araw na pagtatanong niya kung sakali. "s**t!" mura niya sabay suntok sa pader. Alam kong nagasgas ang kamao niya at dumugo pa nga yata sa lakas nang ginawa niya pero ayaw kong maawa. Sinaktan niya ako. Hindi pa sapat ‘yan para matakpan ang sakit na idinulot niya. Malay ko ba sa ipinaghihiganti niya. "Yuki, hindi ka ba naawa sa kapatid ko? Oo kapatid ko siya. Hindi na siya nag-asawa pa kahihintay sa 'yo. Si Solomon. Ang lalaking pinaasa mo. Niloko mo." sigaw niya. Halos mag-unahan ang bilis nang pagtibok ng puso ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Isang pulgada na lang ang layo ng labi niya sa labi ko. Nalalanghap ko pa rin ang minty na hininga niya kahit na kumain na siya. At hindi nga ako nagkamali sa gagawin niya. Inilapat niya ang labi niya sa labi ko. Mapusok. Puno ng galit. Mariin. Halos mapunit ang labi ko sa ginawa niya. Bumitiw lang siya nang may nalalasahan na akong dugo. Pakiramdam ko ay napunit ang labi ko sa ginawa niya. "Bullshit, Yuki! s**t!" mura niya habang naglalandas ang luha sa mga pisngi niya. Tila sinaniban ako ng isang malaking katawan na wrestler nang buong lakas ko siyang maitulak. Agad akong tumakbo papunta sa hagdan. Wala akong pakialam kung 26th floor pa ang aakyatin ko. Makalayo lang sa gagong lalaking iyon. "I hate you, Yujin! I hate you!" parang tinutusok-tusok ng karayom ang puso ko habang humahakbang paakyat ng floor namin. Nakaka-limang floors na ako nang bumigay ang mga binti ko. Napasalampak na lang ako sa hagdan dahil sa pagod. Ang sakit para sabihin niyang manhid ako at ako ang nanloko. Ako pa ang may kasalanan kung bakit hindi nakapag-asawa si Sol? Nagpanggap akong nakalimot pero hinding-hindi ko malilimutan ang araw na dinalaw ko siya sa apartment niya. Sabi niya wala lang iyong babaeng nag-message sa kanya. Pero mas nauna pa pala ang babaeng iyon sa akin. At hindi niya magawang iwan. Hindi ko rin naman nakita kung sino ang babaeng umahas sa boyfriend ko. Ay mali pala. Nauna pala ang babaeng iyon at ako ang nagmukhang third party. Hindi ko naramdaman ang pagbukas ng exit door malapit sa elevator. Wala akong pakialam sa kanya kaya hindi ko siya nilingon. Nagtangka siyang lumapit at hinayaan ko lang siya. Nasaktan na niya ako ano pang magagawa ko? Tanga e. Mahal ko siya. Mahal na mahal. "I'm sorry..." sambit niya. Sorry saan? Para sa’n pa? Sa pagpapaasa niya? Pagpapa-fall? Sa pagpapa-iyak sa akin o sa pagsugat niya sa labi ko. Agad kong tinabig ang kamay niya nang tangkang itatayo niya ‘ko. "Kaya ko ang sarili ko." sigaw ko matapos ay iniwan ko siya. Hindi na niya ako sinundan pa nang sumakay ako sa elevator. Dumeretso ako sa banyo at naghilamos. Pagkatapos ay bumalik sa station ko. Busy sa call si Taleo kaya hindi niya napansin ang namamangang labi ko. Sinamantala kong uminom nang malamig na tubig para mawala ang maga kahit na alam kong mamamaos ako. Huhupa rin ang pamamaga nito paglipas ng ilang oras. Pasalamat na rin ako at queueing kami. Panandalian kong isinantabi sina Yujin at Solomon. Hindi rin nagkaro’n nang pagkakataon si Taleo na tanungin ako. Nang matapos ang shift namin ay balak ko sanang mag-overtime. Ayaw ko kasing makasabay sa paglabas ng opisina si Yujin. Masakit pa ang labi ko at ayaw kong mangyari ulit ‘yon sa akin. Well, gusto ko ang kiss pero ang sugat ay hindi. Masakit. Halos iilang ahente na lang ang natitira sa floor namin. Nakita ko ring pinauna na ni Yujin si Jes. Nginitian naman ako ng bruha at nagpaalam pa. Mapait naman na ngiti ang ibinato ni Taleo sa kanya. Hindi na rin sila masyadong nagkakasama. Alam kong ayaw ni Baks sa ahas na katulad ni Jes. Parang bigla na lang mananakmal at agad magkakalat ng kamandag sa katawan mo. "Ano, Baks? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Taleo sa akin. Ayaw ko talagang makasabay si Yujin. Kahit kasama ko si Taleo ay hindi ‘yon iiwas dahil alam niyang kaya niyang paamuhin si bakla. Napansin kong pasilip-silip siya sa desk ko. Ilang minuto na mula nang umalis si bakla. May callback kasi ako at kailangan kong tapusin. "Puwede ba tayong mag-usap, Yuki?" rinig kong tanong niya pero dahil naka-headset ako ay ni-deadma ko na lang siya. Kunwari ay hindi ko siya narinig. Malay ko kung anong usap ang gusto niya. Isa na naman bang kasinungalingan? Paaamuhin niya ako tapos ano? Sasaktan ulit? Tama na’ng niloko niya ako tulad ng ginawa ni Sol. Tama na’ng hindi kami okay. Kaysa okay kami at ako ang nasasaktan. Nang akala niyang hindi ko narinig ang sinabi niya ay umikot siya sa desk ko at lumapit. Doon sa dati niyang puwesto kung saan si Taleo na ang naka-assign. "Yuki..." kita ko sa mga mata niya ang pagsusumamo pero… no. Isa na naman itong patibong. Pagod na ako sa kapapaniwala sa kanya. Hindi ko siya pinakinggan at nag-dial ako ng contact number ni customer. Nanlaki ang mga mata ko nang i-drop niya ang call. "Ano ba’ng kailangan mo? Nagtatrabaho ako?" pigil sa inis na sabi ko dahil baka may makarinig sa amin. Lalo pa’t may mangilan-ngilan pa kaming kasamang agent sa floor. "Ikaw. Ikaw ang kailangan ko. Kailangan kitang makausap." wow! Kailangan niya ‘ko dahil kailangang magkausap kami? Akala ko pa naman ay kailangan niya ako dahil mahal niya ‘ko. Nag-assume na naman ako. "Ano ba ‘yon? Bilisan mo at may client na naghihintay ng tawag ko. "Puwede bang mag-usap tayo pagkatapos mong mag-callback mamaya pag-uwi. Ako na’ng maghahatid sa ‘yo." offer niya. Nako, Yuki… Huwag kang padadala. Isa na naman ‘yang patibong. Paaasahin ka. Paiibigin. Pero sa huli ikaw ang kawawa. Paano ako magtitiwala e sinira na niya ang tiwala ko. "No. Kung gusto mong mag-usap tayo. Ngayon na. Right here. Right now. Speak!" maawtoridad kong sabi. Hindi na niya ‘ko mapapa-ikot. "I love you." saglit akong natameme sa sinabi niya pero agad din namang nakabawi. "Ah talaga? ‘Yan din ba ang sinabi mo kay Jes?" napatawa ako nang pagak. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. "Ayan lang ba ang sasabihin mo? Puwes. Hindi na bebenta sa akin ‘yan. May iba ka pa bang sasabihin? Kasi kung wala na ay magtatrabaho na ‘ko." tatalikod na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Please... Hear me out once more. Pagkatapos kong magpaliwanag ay saka ka magdesisyon kung kakausapin mo pa ‘ko o hindi na." ‘yan ang huling sinabi niya matapos ay nag-iwan siya ng note sa desk ko at umalis. Akala ko ba mag-uusap kami? Kung hindi lang tambak ang call out ko ay kinausap ko na siya. Inilagay ko sa likod ng cellphone ko sa loob ng case ang note. Manipis lang naman iyong pulang sticky notes pagkatapos ay ibinalik ko na sa drawer. Nang matapos ang callback ko ay nagligpit na ako ng mga gamit ko. Pagkatapos ay nagpalinga-linga para silipin kung nasa’n ang magaling na Yujin na iyon. Pero wala akong nakita kahit anino niya. "Sa’n kaya nagpunta ‘yon." palinga-linga ako nang tingin pero wala naman akong nakita. Lalong nadagdagan ang inis ko sa ginawa niya. Mag-uusap pala ha? Magpapaliwanag? Pero nawala? Habang ang nguso ko ay sumasayad na sa lupa ay nag-book ako ng grab car. In three minutes ay darating na si Manong driver. Naupo muna ako sa bench na malapit sa quickbites kung saan ako nag-book nga service ko. Habang nag i-scroll ako sa f*******: ay may sasakyang huminto sa harapan ko. I'm sure na hindi si Manong ‘yon dahil walang logo ng grab car. "S-solomon?" anang ko nang bumaba ito sa pamilyar na sasakyang nag-iwan ng maraming memories sa akin na pilit kong kinakalimutan. Pati ang sarili kong damdamin na pilit kong pinipigilan nang dahil sa taong kaharap ko. "I know that you don't want to see my face and that you don't want to talk to me either. But I have some important things to tell you." saad niya. Well, I don't care. I... don't... fucking... care... I'm done with him. I'm done with his bullshit dirt. I'm done with our relationship ten years ago! Instead of answering him, I immediately hop into the grab car. Just in time before any scandalous thing happens. Tama na'ng nasaktan ako once. Nasaktan ako ng kapatid niyang si Yujin. Nasaktan ako ng dalawang lalaking minahal ko. At magkapatid pala. Fuck this life. I just want a happy life pero parang nananadya ang tadhana para gawin niya sa akin ‘to. I hate it! I hate my life! Sana namatay na lang ako sa accident. Sana hindi na lang ako nabuhay pa. Sana hindi ko na lang sila parehong nakilala. Sana… Habang binabagtas namin Manong ang daan pauwi ay biglang lumakas ang ulan. Pero OA ako ro’n sa binabagtas dahil hindi pa naman kami gaanong nakalalayo. At sa kamalas-malasang pagkakataon ay nawalan pa ng gas si Manong. Tumirik ang sasakyan namin sa daan. Mabuti nga at naitabi pa niya ito. "M-Manong anong n-nangyari? B-bakit po tayo huminto?" kumakabog ang dibdib ko't puno ng katanungan sa isip ko. Mukhang mabait naman si Manong. Wala naman sigurong mangyayari sa akin. Wala naman sigurong itinatago ang mabait na pagmumukha ni Manong Driver.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD