Chapter 7 – Can We Talk?

1771 Words
Hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya. Ang singkit at mapupungay niyang mga mata. Ang matangos niyang ilong. Ang labi niyang mapang-akit. Para bang laging nag-aanyayang halikan ko ito. Wait Yuki. Baliw ka na. Nag-iimagine ka na naman. Mabuti na lang at naka-pokus si Yujin sa pagmamaneho niya. Hindi ko alam sa sarili ko pero alam kong attracted ako sa kanya. Ngunit parang may pumipigil sa naradamdaman ko. "Bakit?" tanong niya nang mapansin niyang kanina pa ako nakatitig sa kanya. "Huh? Wala ah." angil ko. Akala ko naka-focus siya sa pagda-drive. Lakas naman ng pakiramdam niya. Inilihis ko ang mga mata ko papunta sa harapan ng kotse para tumingin sa kalsada. "Akala ko ay may dumi ang mukha ko. Kanina mo pa kasi tinititigan." sinabi pa talaga. Hindi nga siya naka-focus. Mabuti at hindi kami nababangga. "Feeling mo naman crush kita." pero sa loob ko tinatraydor ako. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko na parang lalabas na. Huwag lang sanang umabot sa kanya at baka hindi ko na makuha. Oo na. Aaminin ko na. Crush ko siya. Nang unang beses pa lang na makita ko siya sa office. Crush ko na siya. Deny pa more lang si ako. "Oo." wow! Ang lakas naman ng apog nito. Hindi naman nakaligtas sa dalawang tsismosa ang sagot ni Yujin at kinantiyawan ako. "Uy... Diyan nagkatuluyan ang mga lolo’t lola namin." pang-aasar ni Taleo. Nakiki-asar naman din si Jes kahit na alam kong crush niya rin si Yujin. "Baka magselos kayo ha. Uunahan ko na kayo. Hindi ko siya type. Uulitin ko. Hindi. Ko. Siya. Type." paglilinaw ko sa bawat salita para mabigyang diin na hindi ko siya gusto. Hindi na mahalaga kung alam nila o hindi na crush ko siya. Sa akin na lang iyon. Nang makarating kami sa office ay tinulungan pa rin ako ni Yujin na dalhin ang luggage ko hanggang quiet room. Tahimik na lang ako at baka may mang-asar na namang mga asungot na nakabuntot. Iisa lang naman din kasi ang pupuntahan namin. "Sa’n ka pupuwesto?" tanong niya. Itinuro ko ang pinakadulong bed. Nanlaki ang mga mata ko nang doon din siya sa katabing bed naglagay ng gamit. "Diyan ka?" naguguluhang tanong ko. "Yep. Bakit bawal?" pang-asar din naman talaga ang tanong niya e no? "Hindi naman. Naitanong ko lang." sa totoo lang ay masaya akong magkatabi kami sa bed. I mean ng bed. Dahil makikita ko siya habang natutulog. Mapag-mamasdan. Matititigan. "Baks, tara kain muna tayo." aya ni Taleo. Doon naman siya sa tabing bed ni Yujin sa left side. At si Jes naman ang katabi ni bakla. "Mamaya na. Aayusin ko pa ang gamit ko." basta ko lang kasing inilagay lahat ng gamit ko. Kamamadali sa akin ni Taleo kaya wala na akong time na magtupi pa. "Ikaw, Fafs Yujin? Sama ka?" tanong niya kay Kuya. Wala naman talaga akong pakialam sa usapan nila pero tila hinahatak ang tainga ko para makinig sa kanila. "Gusto ko muna sanang magpahinga. Kayo na lang muna." rinig kong sabi niya. Sabagay nakakapagod din naman ang pagmamaneho. Nang umalis sina Taleo at Jes ay isa-isang nagdatingan ang mga ka-team nila at si TL. Pero umalis din sila agad. Nakahiga naman si Yujin habang ako naman ay ingat na ingat sa pagbuklat ng mga gamit ko. Mahirap na at baka malaglag pa. Baka makita pa niya ang panty ko habang inaayos ko. "Ay siete!" bulalas ko. Agad naman siyang napalingon. "Bakit?" nanlaki ang mga mata niya sa nakita paglingon nito. Agad ko namang itinago ang panty na hawak ko. Bakit ba kasi iyon pa ang nadala ko? "Huwag ka ngang tumingin!” agad na sigaw ko. Nataranta rin naman siya at niglang napatalikod. “Nakita mo?" nag-aalangang tanong ko. Feeling ko ang init ng magkabilang pisngi ko na pulang-pula sa sobrang pagkapahiya. Dahan-dahan siyang lumingon saka nagsalita. "Alin? Yung panty na butas?" buwisit! Oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko! Bakit kailangan pa niyang sabihin? "Hindi butas 'yon ‘no!" nakangusong sabi ko. Kainis. Napakataklesa. Hindi na lang nagsinungaling at sabihing hindi niya nakita. O kaya ay hindi na niya dapat sinabi pa butas ‘yon kahit totoo. Agad kong isinara ang maleta ko. Akmang tatayo na ako nang pigilan niya ang braso ko. "Wait." agad na pigil niya. Napatulala ako sa kamay niya na nakahawak sa akin. Hindi ako ready. Sa pelikula ko lang napapanood ang ganito na ang ending ay hahalikan ng lalaki ang bidang babae. "B-bakit?" nauutal kong tanong. Kinakabahan ako. Baka masampal ko siya kapag hinalikan niya ako. Advance ako mag-isip e. "Ano kasi…" ayan na naman siya sa guessing game. Huhulaan ko na naman kung ano ang sunod niyang sasabihin. "A-ano?" bakit ba hindi magkasundo ang puso at isip ko? Naiinis ako pero nauutal ang pagsasalita ko. "Y-yung panty mo... Nalaglag." bastos! paano malalaglag ang panty ko e masikip naman ang suot ko? Napaisip din naman ako agad dahil seryoso pa rin ang mukha niya. I don't know kung ayaw niya akong ma-offend or what. Pero bakit deretsahan siyang magsalita ng panty?! "Siete!" bulalas ko sabay dampot ng panty ko. Ano ba naman yan? Ingat na ingat na nga ako kanina tapos may nahulog pa rin. Akala ko pa naman ay hahalikan na niya ‘ko. Wait. Nag-expect ba ‘ko? Ah ewan. Sa hiya ko ay hindi ko siya tiningnan simula nang magsimula ang shift namin hanggang sa matapos. Nagpaka-busy ako. Hindi ko rin siya binigyan ng chance na makausap ako. Kahit alam kong nakatitig siya ay hindi ko pa rin siya sinita. After shift ay iniwasan ko rin siya. Nagtulug-tulugan din ako para lang hindi ko siya makita at makausap. Pakiramdam ko ay sobrang nayurakan ang pagkatao ko. Echos lang. Pero hindi pa ako ready na harapin siya. Nakakahiya ang nangyari. For sure ay aasarin niya ako. Halos tatlong araw na ang nakalilipas simula nang iniwasan ko siya. Nahihiya ako sa nangyari at wala na akong mukhang maihaharap pa. Kinagabihan ng ikatlong araw ay hindi ako makatulog. Pang-umaga kasi ang shift namin ni Yujin ko. Taray, Yujin ko. Alangan namang Yujin ni Talie o ni Jes? Sina Talie, Jes at ang iba pa nilang ka-team ay pang-gabi naman. Ang iba naman ay busy sa diner at nagco-computer kaya wala akong ibang maka-usap. "Ang bango..." hindi ko alam kung bakit parang ang bango-bango sa pang-amoy ko ang sabon na gamit ni Yujin. Kababalik lang niya sa quiet room. Nag-shower siguro after mag-gym. Nagpanggap akong tulog para hindi niya ako kausapin. Ayaw kong makita ang mukha niya. Hindi ko rin naman talaga makikita dahil madilim dito sa quiet room. Pang-lalaki at babae ang room na ito. Walang maghihinala na may masama kaming ginagawa kung kami lang ang nandito. Napalingon si Kuya nang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot nang makita niyang tulog ako pero lumayo siya nang bahagya. "Ilang araw na lang. Makagaganti rin tayo." sabi niya sa kausap. Bakit parang familiar ang tono niya? Hindi kaya… siya iyong nasa banyo na may kausap no’ng nakaraan. Ah ewan. Baka hindi. Pero bakit gaganti at kanino? Na-curious ako ro’n pero syempre, ma at pa. Malay ko at pakialam ko ulit. Matapos ang tawag ay bumalik na siya sa tabi ko. Of course, hindi literal na sa tabi ko kung hindi ay sa higaan niya na katabi ng higaan ko. Explain pa more, Yuki. Kainis at may nakapasok pa yatang lamok. Hindi ko natiis na hindi kamutin ang makating part sa paa ko. "Gising ka pa pala?" panandalian akong natulala sa kaniya. Ramdam ko ang pagkagulat niya base sa tono ng boses niya. "Ah… e… oo." alangan namang magsinungaling pa ako e huling-huli na ako. "Iniiwasan mo ba ‘ko?" ay? deretsahan talaga, Kuya? Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Alam kong naramdaman niyang iniiwasan ko siya. Noon pa man ay malinaw sa kanya na ayaw ko sa kanya. "Hindi a. Paano mo naman nasabi?" para naman hindi mahalatang iniiwasan ko nga talaga siya. Sa halip na sumagot ay lumapit siya sa akin. Napatayo naman ako sa pagkabigla nang paglapit niya. Pakiramdam ko ay may nagtatakbuhang langgam sa loob ng dibdib ko dahil sa kaba lalo na nang isalya niya ang likod ko nang marahan sa pader. "B-bakit?" maang ko pero sa totoo ay puno nang kaba ang dibdib ko. Kung hindi ko siguro narinig ang salitang paghihiganti ay kikiligin ako sa ginagawa at plano niyang gawin pero hindi e. Sa halip na kilig ay kaba ang nararamdaman ko. Ano nga ba’ng plano niya? "Ayaw mo ba talaga sa 'kin? Hindi mo ba ako gusto? Wala ka bang nararamdaman kahit na katiting man lang?" seryosong tanong niya. Hay. Akala ko naman kung ano na. Magpo-propose na ba ’tong si Kuya? Ay grabe naman at bakit dito pa talaga sa quiet room? Wala man lang siyang ka-sense sense of romance. Sana sa isang romantic place man lang. O kaya ay sa roof top. Mukhang romantic naman do’n. "Ah... eh..." hindi pa man ako nakasasagot nang maayos ay lalong inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko. Halos isang pulgada na lang ang layo ng mga labi namin sa isa't isa. Langhap na langhap ko ang amoy ng toothpaste niya. Kung hindi ako nagkakamali ay 'so close' ang brand nito. Ang minty at ang cool ng feeling habang nanunuot sa ilong ko. Tyet hindi pa pala ako nagtu-toothbrush. Baka mahimatay 'to pagnagsalita ako. Agad ko siyang itinulak at dali-dali kong dinampot ang toiletries ko at tumakbo papuntang banyo. "Ay pusa ka!" sambit ko sa pagkabigla. Napatutup ako sa dibdib ko nang makita ko siya ulit. Hindi ko namalayan na sumunod pala siya sa akin. Hindi ko inaasahan na susundan niya ako. Syempre confident na 'kong magsalita. Same kaya kami ng brand ng toothpaste. "A-anong ginagawa mo r-rito?" nauutal pa rin ako sa kaba. Ikaw ba naman ay isalya sa pader. Ewan na lang kung ano ang maramdaman mo. Wala pang gumagawa sa akin nang ganoon sa tanang buhay ko. And again, sa mga korean drama ko lang napapanood ang mga gano’n. "Hinihintay ka. Puwede ba tayong mag-usap?" bakit hindi na siya nauutal sa pakikipag-usap sa ‘kin? Nawala na ba ang pagkagusto niya sa ‘kin? Tyet. Baka natauhan na siya. Oh my juice. Paano kung… paano kung ako ang na-fall? Paano kung gusto ko na siya? Paano kung handa na 'kong bigyan siya nang chance? Paano kung ayaw na niya? Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko? Kalma girl. Si Yujin lang ‘yan hindi si Park Seo Joon at lalong hindi si Toma Ikuta. "A-ano pa ba’ng ginagawa natin? Nag-uusap na tayo ‘di ba?" pamimilosopo ko para lang maalis ang kaba sa dibdib ko. "What I mean is, can we talk somewhere private?" tyet talaga. Private raw oh. So do’n ba ulit sa quiet room? Or dito sa banyo? Oh my juice! Kuya, ‘wag po. Bakit ba ‘ko kinikilig? Para na akong shunga sa mga naiisip ko. "P-private? D-dito? Or d-do’n?" seryoso ba ‘ko? Nag-suggest talaga ‘ko? Ang hapdi na ng pisngi ko na parang napaso ng plantsa sa init.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD