Chapter 8 – I Like You

1536 Words
"Sa coffee shop." tipid niyang sagot pagkatapos ay naglakad na siya papuntang elevator. Susundan ko ba siya? Ewan ko. Pero pakiramdam ko ay may mali. Ah ewan. Basta kung ano man ang pag-uusapan namin ay bahala na si kupido. Este si batman. Habang nasa elevator kami ay walang kumikibo sa amin pero ang puso ko ay apaka-kulit. Kalabog nang kalabog. Daig pa ang tambol sa lakas nang pagrambol. Hindi ko alam sa sarili ko pero hindi naman kasi ganoon ang mga tipo kong lalaki. Pero bakit iba ang sinasabi ng puso ko? Nang makarating sa coffee shop ay tatlo na lang ang tao. Ang iba ay sa pantry at kumakain. In-allow rin pansamantala ang pagluluto ng mga instant at fried like eggs and hotdogs. At ang free food ay luto na rin naman. "Go." saad niya sabay kumpas ng kamay senyales na ako ang maunang pumasok sa loob. Taas noo naman akong pumasok. Pagbuksan ba naman ako ng pinto ng isang cute at gentleman na lalaki sa buong building kaya dapat ma-proud ako. "What did I just think? Cute at gentleman? Nah. Never mind." bulong ko sa sarili. I know na hindi niya narinig iyon pero bakit naka-smirk siya pagtingin niya sa akin? Napalakas ba? "Upo ka." baling niya sa akin sabay hatak ng upuan at kumpas ng kamay nang makahanap kami ng puwesto sa tabi ng glass wall. Overlooking ang skygarden dito. Nandito kasi sa third floor ang coffee shop at nasa 26th floor naman ang office namin. I wonder kung ganito siya sa lahat ng babae na nakaka-salamuha at nakaka-date niya. Wait lang. Para malinaw ay hindi kami nagdi-date. May sasabihin lang siya self. Kalma lang. Kung ano-ano na naman ang iniisip mo e. "So ano ‘yong sasabihin mo? Anong pag-uusapan natin?" tanong ko agad para wala nang paligoy-ligoy pa. Mas okay na malaman ko kaagad bago pa maubos ang oorderin kong kape. Tumungo siya saglit na tila ba may malalim na iniisip. Ngunit tila nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niya ang pakay niya o hindi. Nang makapag-decide ay nakangiting tumitig siya sa akin. Labas ang pamatay niyang dimples. Kinikilig ako. Slight lang. Para hindi obvious na gusto ko na rin siya. "Yuki..." panimula niya. Ewan ko ba pero sa pagtawag niya pa lang sa pangalan ko ay parang kung ano-ano na ang nararamdaman ko. Nagbubutil na rin ang pawis sa noo ko. Naka-on naman ang AC pero parang naiinitan ako. Feeling ko ay baskil na rin ako. Pero share ko lang ha. Kahit basa ang kilikili ko ay never akong nangamoy pawis at anghit. I don't even put any deo sa armpit ko. "P-puwedeng mag-toilet?" pakiramdam ko ay naiihi ako bago pa man niya muling ibuka ang bibig niya. Tumango lang siya. Agad akong tumayo at dumeretso sa toilet ng shop. Buti na lang at may sariling toilet dito. "Ano kayang sasabihin niya... magtatapat na ba siya sa ‘kin? O baka naman mangungutang lang. Mukha naman siyang may pera. Baka nagipit. Pero... tyet! Ang baho." napatakip agad ako ng ilong sa sobrang baho nang naamoy ko. Kung bakit ba naman may nagpasabog ng masamang amoy. Tss. Nakakainis. Nagmadali tuloy ako sa pag-ihi at agad na naghugas ng kamay pagkatapos. Pagsilip ko kay Yujin ay may kausap na siya sa telepono. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nang ibaba niya ang cellphone niya ay agad akong lumapit. Tila nagulat din siya nang makita akong bigla. "Ang tagal ko ba? Sorry ha." pilit na ngiti ang ibinato ko sa kanya. Awkward kasi nang pagbalik ko ay nakakunot pa ang noo niya. "Kanina ka pa ba diyan? O-ok lang. Hindi naman ako nainip." halata naman. May kausap ka sa cellphone mo e. Dapat lang din na hindi ka mainip. Ikaw ang may kailangan kaya dapat magtiyaga ka. Bakit ‘pag ngumingiti siya e parang matutunaw ako. Self kalma please. Kalma. Si Yujin lang ‘yan. "Ok." tipid na sagot ko. Baka kung ano pa ang masabi ko e. Dahan-dahan niyang ipinatong ang mga kamay niya sa mesa. Napansin ko na lang na hawak na niya ang mga palad ko. Feeling ko kasing pula na ng mansanas ang pisngi ko. Pero bakit parang hindi ko kayang alisin ang mga kamay ko? "Yuki..." sambit niya ulit sa pangalan ko. Ang sarap pakinggan. Parang ang lambing nang pagkakasabi niya. "Puwede ka bang –" "Oo. Oo, Yujin. Oo." pero bakit parang nalilito siya sa sagot ko? Oo na nga e. "Wala pa naman akong sinasabi e." shunga, Yuki. Shunga ka. Hindi pa nagsasabi ‘yong tao. Anong oo ka riyan? Parang napahiya ako ro’n nang slight. Kaya ngumiti na lang ako. "W-wala pa ba? Ano ba ‘yon?" pilit na ngiti kong sabi. "Puwede ka bang... maiwan saglit. Magto-toilet din kasi ako." gigil mo ‘ko, Kuya? Pa’nong ‘di ka mapapa-toilet e kalahati na ang kape mo. "S-sige." binitiwan niya nang dahan-dahan ang mga kamay ko saka ako iniwan. Mga ilang minuto rin akong naghintay sa pagbabalik niya. Naubos ko na nga ang in-order kong kape pero wala pa rin siya. Baka mayamaya rin ay dumating na ‘yon. Makalipas ang twenty minutes ay saka lang siya bumalik. Syempre um-order ulit ako ng kape. Kapareho ng kung hanggang saan ang kape ko mula nung umalis siya hanggang sa pagbalik niya. "S-sorry. Sumakit kasi ang tiyan ko. Hindi talaga siguro ako masasanay sa kape." e bakit ba naman kasi umorder pa siya? Wala namang pumipilit sa kanya. Habang tinititigan ko ang mga mata niya ay nakikita ko ang pag-aalinlangan. Alam mo yung pagtingin mo sa mata na may gustong sabihin pero ayaw sabihin. Ang g**o ko ‘no? Basta ganoon ang nakikita ko. "A-ano nga ulit ang sasabihin mo?" ‘yon naman talaga ang pakay namin. Kaya kami nasa coffee shop ngayon ay para mag-usap kaya dapat malaman ko kung anong kailangan niya sa akin. "Okay... ano kasi... I... l-like... y-you." parang lumabas ang puso ko sa sinabi niya. Hindi pa I love you ‘yon pero ang puso ko ang OA. Pakiramdam ko ay ang init sa paligid. Feeling ko nga ay ‘sing pula na ng apple ang pisngi kong rosy kanina. Or baka nga ng cherries. "Y-you l-like m-me? A-ako? Seriously? B-bakit? P-pano?" syempre kunwari lang na hindi ko alam na gusto niya ako. Sa ilang buwan naming pagsasama sa office at ilang buwan niyang pagpapapansin sa akin lalo na sa pagbuntot-buntot niya ay alam kong gusto niya ako. "Y-yes." nauutal pa rin niyang sabi. Matapos niyang magtapat ay hindi na nasundan pa ng mga salita. Inubos ko lang ang coffee ko at bumalik na kami sa taas na parang walang nangyari. May kaunting ilangan lang. Pero hindi naman gano’n ang mga napapanood kong kdrama. After nila magtapat ay dapat may mangyayari. Like kiss, hug or s-s*x. Tyet ano ba’ng naiisip ko? "Goodnight." sabi niya sa akin nang nahiga na ako sa bed ko. Pagkatapos ay lumabas na siya ulit. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero hindi ako makatulog. Ilang minuto akong nakatulala sa kisame. Totoo ba ang sinabi niya? Gusto niya ako? Dahil hindi ako makatulog ay pumunta na lang ako sa rooftop ng building para makalanghap ng hangin. Hindi ko masabing fresh kasi nasa city ang building at hindi na fresh ang hangin pero saktong masarap sa pakiramdam dahil malamig. Palakad na sana ako papunta sa isa sa mga bench doon nang marinig kong may nagsalita. Pamilyar ang boses. P-parang si Yujin. "Nasabi ko na. Alam kong may gusto rin siya sa akin. Ramdam ko. Anong next na plano?" hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya pero alam kong siya ‘yon. Makikinig pa sana ako nang may humawak sa balikat ko. "Hoy, Baks! Anong ginagawa mo rito?" napatutop ako sa dibdib ko nang wala sa oras. "Ay pusa ka! Ano ka ba naman, Baks! Pag-inatake ako sa puso ay kasalanan mo." sabi ko rito pero wala naman din akong sakit sa puso. Joke ko lang kay Taleo ‘yon. "E bakit kasi hindi ka lumabas at umupo? Bakit nandito ka sa pinto?" hindi ko na sinagot pa ang tanong niya at naglakad na ako papuntang bench. Sa pagkakataong ito ay tapos na si Yujin makipag-usap. "Hi Fafs! Nandiyan ka pala." pagpapa-cute ni Baks kay Yujin. Sorry ka bakla dahil sa 'kin siya may gusto. Palihim akong nangingiti. “K-kanina p-pa ba k-kayo d’yan?” ako lang ‘to Yujin. Bakit nauutal ka? Hindi ko mapigilang mapangiti sa pagkautal niya nang makita niya kami. “Ngayon lang naman. Anong ginagawa mo rito, Fafs? Hinihintay mo ba ‘ko?” baklang ‘to nagpi-pretty eyes pa. Tse! "A... May kausap lang ako. Tapos na kayo mag-dinner ni Jes?” sumakit ang dibdib kong bigla sa pangalang binanggit niya kahit na wala akong dibdib. Sa pagkakaalam ko ay wala pero mukha namang mayro’n. Ah ewan. Ang sakit ha. Ako ang nandito tapos si Jes ang hahanapin? Kung sabagay kasama ko siya kanina. Bakit nga naman niya ’ko hahanapin? "Fafs, dito ka muna." sabay yakap ni Taleo sa braso ni Yujin. Hoy! Bakla nanta-tyansing ka na ha. Pasimple ka pa. Paano ba naman kasi ay aalis na si Yujin. Matutulog na siguro. Pero nag-stay pa siyang saglit. Pagkatapos ay nagpaalam na rin. Bago siya lumampas sa akin ay kinindatan niya ‘ko. Promise hindi ako kinilig do’n. Slight lang. Mabuti at hindi napansin ni Baks ang ginawa niya. Kung hindi ay paniguradong kakantiyawan na naman niya ‘ko. Sinamahan ko si Bakla na tumambay saglit sa rooftop. Pagkatapos ng oras ng break niya ay pumunta na ako kaagad sa quiet room para matulog. Nakita kong nahihimbing na kaagad siya. Gusto ko pa sana siyang kausapin. Wait. Seriously? Gusto ko nga ba talaga siyang kausapin?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD