Sobrang guilt ang naramdaman ko. Is it really my fault? Masama bang hindi ko ipinadama sa kanya ang pagmamahal ko? After the confession and the truth ay nanatiling bingi ang mga pandinig ko. Hindi ang puso ko. Parang sinaksak ng sampung beses na halos wala nang pag-asang maghilom ang puso ko.
It's been two years nang mag-resign si Yujin sa company. And a year ago ay ikinasal sina Yuri at Solomon. Double kill. At triple kill nang malaman kong buntis si Jes. And that hurts more than a wound that you've cleaned with alcohol. Torturing more yourself for rubbing it with cotton buds. Wow. English ‘yon!
A month after Yujin resigned, nagtapat si Jes na buntis siya. Hindi niya sinabi na si Yujin ang father pero kailangan pa bang aminin ‘yon? Sa pagpapanggap nilang sila ay hindi malabo na may mangyari sa kanila.
Magkapatid nga sila ni Solomon. Pareho sila ng dugong dumadaloy sa katawan. Umiiwas din naman si Jes sa chismis kaya nag-resign din siya after finding out na buntis siya. Magsama sila. Hindi masyadong masakit. Slight lang, promise.
"Yuks, idle na. Today ang meeting natin with the CEO." kalabit ni Taleo sa ‘kin. Matagal na nang nagpakilala ang CEO na ‘yan sa digital news namin pero hindi matuloy-tuloy na magpakita sa personal.
At baka joke na naman ang pag-visit niyan dito.
"Wait lang. Mag-notes lang ako." agad kong tinipa ang pangalan ng client ko sa notes. Wait... Pamilyar ang pangalan na 'to. Y-Yujin? Agad kong binisita ang profile niya. Two years ago nang lumipad siya papuntang Italy. And today is exactly 2 years from the time he left.
"Baks, can you help me check this out?" baling ko kay Baks na busy sa pagre-retouch ng nguso niyang parang kumain ng lechon sa kintab.
"Ano ba ‘yang inilagay mo, Baks? Mantika?" napapailing ko pang sabi. Lalo siyang napanguso na ikinainis ko. Kadiri.
"Ano ba ‘yan?" may pagkayamot niyang tanong sa akin nang makita ang reaksyon ko sa nguso niya.
"Look. This name looks familiar." itinutok ko pa ang daliri ko sa monitor ng computer.
"Ah, may client din akong Yujin noon. I think hindi siya ‘yan." naalala ko kasi na Yujin nga rin pala ang name ng client ni Taleo dahil nagandahan si Baks sa pangalan nito ay sinabi niya kaagad sa akin. Ang weird lang that day ay ang araw rin ng pagdating ni Yujin sa company namin.
"Sure ka, Baks? Hindi ba ‘yan din ang araw na nagpa-confirm ang client ng next flight niya then Yujin arrived. Hindi kaya siya ‘yan?" hindi ko maintindihan kung ano ang ipinaglalaban ko. Bakit ko ba ini-insist na si Yujin ‘yan. Bukod sa flight details ay private na ang lahat ang info niya. And this guy belongs to our so called VIP clients.
"Nako, Baks. Maraming nagngangalang Yujin sa mundo. Hindi pa lang natin nami-meet lahat. And I don't have plans of meeting all of them. Imagine ilang bansa mayro’n sa mundo at ilang tao mayro’n ang bawat country." may punto naman si Taleo.
"Naalala mo lang siya. Hayaan mo na siya. Hindi na kayo magkikita no’n. Try to move on, girl. Isa pa ay magkaka-baby na sila ni Jes. There's no reason para umasa pa sa pagbabalik niya." oo nga naman.
Wait, Baks. Ang sakit ah. Walang preno-preno?
Pero bakit parang ikaw ang nasasaktan sa nangyari? Mukhang naiiyak ka pa sa sinasabi mo. Napailing na lang ako. I guess it's time to move on nga. Tama si Baks. Wala na ngang rason para isipin ko pa siya. Totoo naman na minahal ko siya nang todo. Tipong akala ko ay masusuklian niya ang pagmamahal na ibinigay ko but I was wrong.
Not everyone can love you back. And not all love story ends with a happy ending. Kaya ayaw kong nanonood ng kdrama at nagsusulat ng love story. Super affected ako. Tipong I’m applying those to myself. Nakakainis lang.
"Tara, Baks. I'm done." I'm done loving him.
Charaught.
I'm done writing my notes. Curious din talaga ako sa CEO namin. Feeling ko nga na scam na dumating ‘yon at scam na dadalaw siya rito kahit kailan. Paano naman kasi ay wala siyang photos anywhere. Kahit sa website namin ay hindi siya nag-eexist.
Sabay kaming naglakad papunta sa function hall kung saan ginaganap ang yearly Townhall namin. Minsan OA tlga sila mag-decorate sa hall. Puwede namang mukha na lang ng CEO ang ilagay do’n para makilala namin pero bakit mukha pa ng best agents ang nando’n. Speaking of best agents. Hindi naman sa pagyayabang pero ipagyayabang ko na rin. Nakabalandra lang naman ang mukha ko.
Sabi ko sa kanila na kapag magpo-post sila ng photos ko ay humingi muna ng approval sa ‘kin pero walang pakundangan silang nag-crop ng photo ko sa nakaraang family day. Kasama ko pa naman ang kambal ko ro’n at ang pamangkin ko. Ayan tuloy ay mukha ni Yuri ang nasa photo.
Napatitig naman si Taleo sa ‘kin. Alam niyang may mali sa photo ko. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya noon na may kakambal ako. Alam niya kasi na mag-isa lang ako sa buhay pero no’ng nagkaalaman tungkol sa paghihiganti ni Yujin ay nalaman niyang may kakambal ako.
"Baks, nasa’n yung nunal mo sa noo? Bakit nawala?" pigil ang tawang saad ni Taleo habang nakahawak pa sa braso ko at nakatakip ang isang palad sa bibig.
"Oo na. Si Yuri ‘yan hindi ako. Abnormal kasi ang nag-organized ng event na ‘to." angil ko. Palibhasa na identical kami ay hindi na napansin ang mumunti kong nunal sa noo.
"Everyone, listen up. Our CEO came and visited us to thank us in regards to our hard work and all our front-liners who stayed at work during the so-called virus that has ended two years ago." binalot ng bulung-bulungan ang function hall.
Wow talaga si Mr. CEO. After two years? Seriously? Ngayon niya lang naisipan na magpasalamat at magpakita?
"I know that everyone is wondering why the CEO only visited us after two years. The truth is... He's actually been here from the time that the virus has spread. He stayed here for a few months. Well, almost a year and since the country where he supposed to go back is also under quarantine. He's unable to go back to his country of residence." nanlaki ang mga mata ng lahat kasabay ang panlalaki ng bibig namin.
May balita kasi na gwapo raw ang CEO pero wala naman akong nakitang gwapo na pakalat-kalat. Kung mayroon man, I'm sure na isa na siya sa mga crushes ko. Kung nag-stay siya rito ay bakit hindi namin alam? Marami pang sinabi ang emcee pero hindi ko na narinig. Busy ang utak ko sa kaiisip kung bakit hindi ko nakita ang gwapong CEO.
Ilang minuto pa ay tahimik na ang paligid. Kasabay niyon ay ang paglitaw ng isang pamilyar na mukha sa stage namin. Pamilyar na pakiramdam ang idinulot nito sa ‘kin. Pakiramdam na tila kahapon lang nangyari ang lahat. Napatitig ako sa lalaking nakatayo sa harapan. Maayos ang buhok na parang dinilaan ng kabayo.
Malaki ang pinagbago niya. Hindi na siya mukhang empleyado lang ng kumpanya na laging bitbit ang shades at wallet niya. Napakakisig niya sa suit na suot niya. Pilit kong ipinikit at muling ibinukas ang aking mga mata. Ginigising ang aking sarili sa pagdududa na hindi totoo ang aking nakikita.
"Baks, okay ka lang ba?" kalabit sa akin ni Taleo.
"Nakikita mo ba ang nakikita ko?" tanong ko kay Baks habang niyuyugyog ko siya. Halos magusot na ang polong suot niya. Required mag-formal attire kapag townhall dahil kasama namin ang mga bosses sa ganitong okasyon.
"Oo, Baks. Nakikita ko pero puwede ba? Huwag mo ‘ko yugyugin. Ang sakit e." sabi niya.
"S-si –" bastos na bakla pinutol ang sasabihin ko.
"Sino na naman? Si Yujin? Baks, okay ka lang ba? Gutom ka na ‘no? O nagha-hallucinate ka na? Oo. Gwapo ang CEO natin pero napakatanda niyan para maging si Fafs." kinusot ko ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Baks. Nalimutan ko nag-mascara nga pala ‘ko.
"Kainis naman!" iritang sabi ko nang makita ko ang daliri ko na pinangkusot ko sa mga mata ko.
"Baks, gusto mo mag-toilet?" nakangising saad ni Taleo sa ‘kin. Baklush ka talaga. Pagtingin ko sa stage ay isang may katandaan na lalaki ang nasa harapan namin. Nagha-hallucinate na nga yata ako. Napapadyak ako sa inis. Agad akong nagpaalam kay TL para mag-toilet.
"Siete. Mukha na akong panda." inis kong pinahid ng binasang tissue ang mascara sa mata ko.
Kung bakit ko ba naman kasi kinusot-kusot pa. Pero ano ba kasi nangyayari sa akin? So mali rin ang narinig ko kanina? Isang pahid pa ng tissue at muli akong natulala. Itong magaspang na tissue. Pinaalala na naman niya si Kuya. Si Kuya na mahal ko. Si Kuya na makulit. Si Kuya na papansin. Si Kuya na walang ibang nakikita kung hindi ay ako.
Si Kuya na... Ah ewan.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa inis. Ilang taon na ba akong ganito? One time nga tinawag kong Yujin si Baks nang may itatanong ako sa kanya. Sinakop na ni Yujin ang buong sistema ko. Para siyang kape na nagpapahina sa akin kapag hindi ako nakakainom. Matagal nang wala si Yujin sa buhay ko pero bakit hindi pa rin siya nilulubayan ng puso ko?
Bakit pilit pa rin siyang naaalala nito?