"Ano ngang kailangan mo? May lakad pa ‘ko after this and Taleo is waiting for me. So please lang pakibilisan ang sasabihin mo –" hindi pa ako tapos magsalita ay agad niyang hinawakan ang palad ko.
"I love you." natigalgal ako sa narinig ko with matching awang ng labi. Literal. What? Again? I love you ba ang sinabi niya? Wait lang ha. Hindi ko ma-absorb. Hindi yata absorbent ang tissue rito. Namamasa na ang kilikili ko.
"Ano? I love you? Pagkatapos ano? Maghihiganti ka na naman? Pagkatapos pahihirapan mo 'ko? Tapos mawawala ka nang ilang taon? Nako, Yujin. Tigil-tigilan mo ang pang-iimbyerna sa ‘kin." sunod-sunod kong sabi na ikinahalakhak niya. At kitang-kita pa ang ngala-ngala.
"Anong nakakatawa?" hindi ma-process ng utak ko kung bakit siya natawa. May nakakatawa ba sa mga sinabi ko? Ito pa naman ang ikinaiinis ko. Tipong nagagalit na ako o nagtatampo tapos bigla akong pagtatawanan. Ka-high blood!
"Wala naman. Maliban sa advanced ka mag-isip. Gusto lang naman kitang makausap." ang kaninang nakangiting mga mata niya ay sumeryoso na.
Aaminin ko. Sa isip ko lang ang lahat ng ‘yon. Hindi totoo na hinawakan niya ang palad ko. Pero sure ako sa narinig ko. I love you. Sure nga ba ‘ko? Sobra ko kasi siyang na-miss. Tipong pagkakita ko sa kanya ay gustong-gusto ko na siyang yakapin. Kahit isang saglit lang. Kahit hindi na kami. Mali. Hindi nga pala naging kami.
"Ganitong-ganito tayo noong unang araw na maglakas ako ng loob na lapitan ka. Ayaw mo ‘kong paupuin sa vacant seat kahit wala namang naka-occupy." traydor na labi ko. Sumiwang ang maliit na ngiti kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko. Bakit parang kahapon lang nangyari ang mga ‘yon?
"Pa’no ko ba aaminin sa 'yo? Paano ba ‘ko magsisimula?" hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya pero parang may gusto siyang linawin na hindi ko maintindihan.
"Blackspade..." napaawang ang labi ko sa sinambitla niyang salita. A-ako ‘y-yon ah? B-bakit niya alam? K-kilala n-niya ‘ko? I mean, yes he knows me personally. But how did he know my pen name?
"S-sino si Blackspade?" maang ko. Hindi puwede. Hindi ako dapat umamin. Hindi. No. I cannot.
"Shuffle." mas lalo akong natigalgal sa narinig ko. Shuffle? As in si Shuffle ng w*****d? Seriously? Siya?
"Anong bang pinagsasasabi mo? Wala akong ma-gets." ayaw kong magpahalata pero alam ko na magaling siyang magbasa nang iniisip lalo na kapag babae. Alam kong alam niya na nakuha ko ang mga hint na ibinibigay niya.
Let's recall a bit. "A Secret Love Story" is written by me. Ako ang bidang lalaki ro’n. Yes. Ginawa kong lalaki ang sarili ko. Ayaw kong magduda ang kapatid ko na love story ko ang isinusulat ko. Hindi ko akalain na maisasa-pelikula iyon. At hango kay Blackspade ang personality ng boy doon na writer.
Naging close kami and naging friend kami sa f*******: pero ang mga nangyari ro’n na panloloko ay base sa ex-boyfriend ko. Never kong nakita ang mukha ni Shuffle. At never ko ring nalaman kung nasaan siyang lupalop ng mundo. Basta ang alam ko ay nasa overseas siya. But he knows me. He's good in stalking. But I never expected na si Yujin ay si Shuffle.
"You are Blackspade and I'm shuffle. Please don't deny it. I knew it from the start. Pero nadala ako sa past ng Kuya ko. All along ang akala ko ay niloko mo siya. Lalo na nang magka-chat tayo before." Oo na. Wala na akong ma-idi-deny pa.
"Okay? So ano naman kung alam mong ako si Blackspade? Matagal ka na’ng tumigil sa pagsusulat hindi ba? At matagal ka na ring nawala. Bakit bumalik ka pa?" pero ang gusto kong itanong ay bakit nandito pa siya kahit na may Jes na siya at may anak pa sila. Pero hindi na kaya nang bigat na nararamdaman ko.
"I want you. I love you. Ever since nakilala kita sa f*******: ay crush na kita. At unti-unti na kitang minahal. And I love you even more." balik na naman ba tayo sa simula, Yujin?
"I'm tired. Pagod na ako, Yujin. You never know how much I missed you. You don't know how many times I had wish na sana ay hindi mo kapatid si Sol. Sana rin hindi na lang ikaw si Shuffle. Dahil mahal din kita." ang OA ko na yata. But this is what I feel.
"Please, Yuki… Don't get tired. Please, don't." sumiwang ang mga likidong kanina pa nagbabadya sa gilid ng mga mata ko. Noong mga panahong naghiwalay kami ni Sol ay siya lang ang naging takbuhan ko. Siya lang ang nagpapasaya sa mga lungkot na nararamdaman ko.
Siya lang. Si Shuffle. Hanggang sa naglaho siyang parang bula. Nag-message ako sa f*******:, Twitter at pati na rin sa w*****d niya pero wala siyang reply. Hanggang sa nakilala ko si Yujin. Si Yujin na unti-unting sumalo sa feelings ko para kay Shuffle. Not knowing that I fell in love with the same person.
Noong inamin niyang nagkamali siya sa paghihiganti sa akin at naikuwento niyang mahal na niya ako noon pa ay medyo puzzled ako but I ignored it. Now I know why he said that. Sana lang nilinaw na niya noon pa.
"Nakakapagod na, Yujin. Here you go again. Confessing your feelings, yet I don't know what will happen next." bakit ba ‘yon ang nasabi ko?
"Paano kayo ni Jes? Ang anak niyo? I mean, I've been in this exact same situation. My twin sister Yuri and Sol. May anak sila. I don't want to ruin any family or relationship. I don’t want to be a mistress either…" binawi ko na ang palad kong kanina pa niya pinipisil-pisil. Oo na-miss ko siya. Feeling ko gano’n din naman siya sa ‘kin. But our feelings are not important anymore. What matters most is his child and wife.
"I'm confused. Pareho kayo nang sinasabi ni Talie. Bakit ba lagi niyo na lang isinisingit si Jeslyn sa usapan? And I have what? A child? Sino ba nagsabi sa inyo niyan?" kunot-noo na sabi niya.
"Why don't you tell us the truth? Tanggap ko naman na hindi tayo puwede. Hindi ako ang nagmamay-ari ng puso mo." ang drama ko dito ha. But kidding aside, I'm really amazed how he's handling the situation. He acts like he never had a child nor a wife.
"What truth?" he replied.
"Truth about your wife and child. Truth na may anak na kayo ni Jes. She resigned upon knowing that she's having a baby. Lagi kayong magkasama before. And it’s impossible naman na walang nangyari sa inyo." he neither denied nor agreed to it. But his face turned red and close his eyes in anger.
"Ang baba naman nang tingin mo sa ‘kin. Do you think na papatol ako sa hindi ko ka-relasyon? Oo nagpanggap kaming couple to hurt you. Before. But that doesn't give me a go signal to do whatever you think I would do. But only to the person I love." kitang-kita ko ang sakit na dulot ng mga sinabi ko sa mga mata niya.
“I even did not ask you to be mine before dahil ayaw ko sa long distance relationship. But now that you’re near me yet you seemed so far.” lumihis siya nang tingin.
"I'm sorry." nabagbag naman ang puso ko sa hitsura niya. Masama ba ang tingin ko? May point siya pero siguro dala na rin ng past ko. And knowing na naging gano’n ang brother niya kaya ko naisip ‘yon.
"It's fine. But that doesn't change the fact that I love you." napaka-traydor talaga ng bagay na tumitibok sa loob ng dibdib ko. Kaunting pa-sweet… Okay fine. Paawa lang ni Kuya ay hindi na mapakali ang tambol sa loob nito.
"And to clear everything... may ka-relasyon si Jes while she agreed to my arrangement before.
She's a lesbian and she likes women too. But there was this suitor of her na sobrang kulit kaya pinagbigyan niya. Gusto rin naman niyang magka-baby and the couple agreed." hindi lang basta nanlaki ang mga mata ko sa nalaman ko. Kung hindi ay napabuka nang napakalaki ang bibig ko sa pagka-shock sa sinabi ni Yujin.
"L-lesbian si J-jes?" pag-uulit ko.
"Yep. Kaya impossibleng maging kami. At kaya gano’n ko siya kabilis mapapayag sa arrangement namin." hindi ako maka-moved on sa nalaman ko. As in talagang shookt ako.
"So puwede na ba akong manligaw sa ‘yo?" at umarangkada na naman ang killer smile at kindat ng Yujin na ‘to with matching dimples pa.
"Luh! Bilis mo ah. Magdusa ka." pigil ang ngiti kong sabi. Ewan ko ba. Simple lang ang tanong niya pero parang espesyal na sa puso ko.
"Of course! Iba pa rin ang mabilis. So tayo na?" hanep! Matindi! Kanina ligaw lang. Ngayon kami na agad.
"Pag-iisipan ko." muli niyang kinuha ang dalawang palad ko at pinisil-pisil.
"I may not be your first. But I'll never get tired to try my best to be your last..." that's the sweetest thing I ever heard in my life.
And so I gave him a chance to prove himself. He courted me and did everything. Pero hindi pa talaga ako handa sa relationship kaya nanatili kaming friends. He respected my decisions. Both of us continue our journey.
And if ever we'll meet again... I want him to be my last. A loving husband to me and a good father to our children.
The End.
***
Hi Gorgeous Dreamers!
Maraming salamat po sa pagbabasa ng story na ito. Soon to be publish na po ito. By september ay magiging libro na siya at mahahawakan niyo na si Yujin at Yuki. Sana po ay mag-avail kayo ng book. May nakapaloob na special chapter po doon at freebies
Just follow me on my page for further details. And don't forget to save this in your library and follow me here on Dreame.
My page is Author Gorgeousjourney page.
Luvlots,
Gorgeous Journey
Ps.
Sinong gusto ng cash? Tulungang ipromote si Gorgeous Journey at manalo ng P100 cash. Ipadala lang ang proof ng promotion sa pesbuk account ko. At manalo. Paramihan ng promotion. Ang mas marami ang mananalo.
Sundan ako sa pesbuk dito: Gorj Journey
O sa page ko: Author Gorgeous Journey