"Wala." sabi ko na lang. Pinipigilan kong magalit dahil wala akong karapatan. Gusto ko lang muna siyang iwasan. Ayaw ko muna siyang kausapin. Ayaw kong saktan siya ng mga salita kong bibitiwan. Pero mukhang mapilit siya.
"Wala? E bakit parang mayro’n?" sabi niya. Gago ba siya? Manhid ba siya? O nagmamaang-maangan lang. Sino naman kayang tanga ang matutuwa na ang ka-date mo ay iba ang katawanan?
Oo. Inaamin ko na. Mahal ko na siya. Mahal na mahal na nga yata. Pero mukhang siya ang nagbago ng feelings. O baka naman ako lang ang nag-assume na mayro’n siyang feelings for me pero wala naman talaga. Wala naman siguro talaga siyang feelings at joke lang ang lahat. Katulad ng lagi niyang pagpapatawa.
"Wala nga." giit ko. Baka isa pang pilit nito ay sasabog na ‘ko. Parang may tumutusok-tusok sa puso ko na kung ano. OA ba ‘ko? Sine lang naman ‘yon. Hindi ko naman siya boyfriend. Hindi nga rin siya nanliligaw. Oo umamin siya pero hanggang doon lang.
"Tell me naman kung may problema. Ang hirap manghula at hindi rin naman ako manghuhula. I'm not even good in analyzing someone's feelings lalo na kapag alam kong wala akong ginagawang masama." nice speech. Wala naman nga siyang ginagawang masama. Yes, to that.
Manhid nga.
Sa inis ko ay hindi ko na napigilang umiyak. Naglandas ang mga luha sa magkabilang pisngi ko. Hindi na nagpaawat. Nasasaktan ako. I guess nag ipon-ipon na. Kasama ang gabi-gabing paalam niyang matutulog na siya pero nakikita ko pang magkausap sila ni Jes sa comment box sa f*******:.
"Bakit ka ba umiiyak? Sabi mo ‘di ba wala lang." ang kulit niya. Hindi ba talaga siya makaramdam?
"Manhid ka! Masakit, Yujin!" sigaw ko nang makarating kami sa parking lot.
Nakunot ang noo niya. Nag iba na rin ang timpla niya. Parang may bahid ng ngisi na animo'y nagtagumpay siya sa kung ano man ang nasa isip niya. Hinayaan niya lang akong magsalita. Bakas ang awa sa mukha niya pero mas lamang ang kakaibang expression niya.
"Alam mo ang masakit? Ang ipinaramdam mo sa ‘kin... na gusto mo ‘ko... na mahal mo ‘ko... na ako ang gusto mong makausap... na ako ang gusto mo. Pero hindi pala. Hindi pala dahil si Jes ang gusto mo. Siya ang kausap mo gabi-gabi. Nasasabayan niya ang mga trip mo. Pero ako? Maarte kasi ako. Perfect kasi ako. Maganda kasi ako." teka. Nagda-drama ako. Bakit iyon ang nasabi ko? Pero... maganda naman talaga ‘ko.
Hindi siya makaimik. Lugmok ang balikat niyang nakatalikod sa akin. Alam kong nasasaktan siya pero nagulat ako sa mga sinabi niya nang humarap siya sa akin.
"Akala mo ba gusto kita? Akala mo ba mahal kita? ‘Yan ang ipinaramdam ko. Kasi iyon ang tama. Ang mahalin mo ‘ko. Ang mahulog ka sa mga panunuyo ko. Ang mapamahal ka sa ‘kin. Para maghiganti!" parang bubog ng isang boteng basag ang tumusok sa puso ko sa mga narinig ko.
Maghiganti? Si Yujin? Bakit? Para saan? May nagawa ba ‘ko? Pamaang ko siyang tinitigan. Humihingi ako nang sagot sa mga sinabi niya. Humihingi ako ng malalim na paliwanag kung mayroon man. At sana nga ay mayroon.
"M-maghiganti? B-Bakit?" nagsusumamo ang mga matang tinitigan ko siya. Nagbabaka-sakaling sagutin niya ‘ko. Sa halip na magdahilan at sumagot ay iniwan niya ‘ko sa parking lot. Tinalikuran niya ako. Hindi man lang siya lumingon muli para aluhin ako.
"Yujin! Bumalik ka! Yujin!" sigaw ko pero tila naging bingi siya sa mga pagtawag ko sa kanya.
Sinubukan ko siyang tawagan at i-message pero hindi siya nagre-reply. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko. Tapos na kami. Hindi pa man kami nagsisimula ay tinapos na niya ang kung ano mang hindi niya dapat sinimulan. Ang sakit lang. Iyong tipo ng sakit na alam mong isang sorry niya lang ay okay na ulit.
Ang ipinagtataka ko ay bakit siya maghihiganti? Sa tanang buhay ko ay wala akong maalalang nagawa ko.
Ilang days, weeks at months kaming hindi nagkausap ni Yujin. The next day na nag-sine kami ay nagpalipat siya ng department. Magkaiba na rin ang schedule namin. Nagpalipat siya sa department ni Jes. At dahil nga type siya ni TL ay inilipat kaagad siya nito.
"Okay lang. Totoo. Okay lang talaga ako." sambit ko kay Taleo. Ibinalik na siya sa Japanese Queue nang umalis sa queue si Yujin. Bakas sa mukha ni Talie ang pag-aalala. Mukha na yata akong panda dahil sa itim sa palibot ng mga mata ko. Ilang buwan na rin kasing hindi maayos ang tulog ko.
"Ang mga mata mo, Baks. Kitang-kita kong hindi ka okay. Ano ba kasing nangyari? Nag-away ba kayo?” tanong ni Talie. Sana nga lang talaga ay alam ko ang dahilan.
“Bigla mo kaming iniwan no’ng nanood tayo ng sine.” usisa ni Taleo.
"Sobrang okay ako. Mabuti nga ‘yan at wala na ang laging nangungulit sa ‘kin. At napuwing ako kahapon kaya kakukusot ko sa mga mata ko ay namula’t namaga." kitang-kita ko sa mga mata ni bakla kung gaano siya naaawa sa akin.
Hindi naman talaga ako dapat kaawaan. Ako ang nagpatangay sa mga matatamis na salita ni Yujin. Naniwalang gusto niya ako. Pero hindi pala. At sinong girlfriend niya ngayon? Si Jeslyn.
"Mukha ngang okay ka." alam kong pilit ang pagsang-ayon ni Baks. Alam din niya kung kailan ako okay at kailan hindi.
Hindi ko alam kung paano aayusin ang spiel ko. Palagi akong nagkakamali ng sagot sa client. Mabuti na lang at nandiyan si Baks para saluhin ako. Alam mo ang masakit? Iyong pina-fall ka. Pinaasa ka tapos ikaw naman 'tong si tanga at umasa. Nagpa-fall siya. Na-fall ka naman. Ayun pala ay hindi ka naman sasaluhin.
"O, umiiyak ka na naman..." haplos ni Baks sa likod ko. Hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko. Kung puwede lang silang singhutin katulad ng sipon para bumalik ulit sa loob ay gagawin ko. Pero hindi e. Kahit tumingala na ako ay lumalabas pa rin sila sa mga mata ko.
"Iyong customer kasi ang kulit. Sinabi na ngang canceled ang flight. Ayaw pang maniwala. Umasa raw siya. Ako rin naman umasa e." hikbi ko kay Baks. Napatulala siya sa akin at pilit ina-absorb ang sinabi ko. Saka niya na-realized na iba ang ibig kong sabihin.
"Ako rin naman, Baks... Umasa. Akala ko ako." patawa ‘tong baklang ‘to. Naiiyak na nga ako nakuha pang mag-joke.
"Hoy, Baks. Bakit ka naman aasa?" nakataas ang kilay na tanong ko dahil sa inis.
"Ito naman. Akala ko ako na. Ako na ang pinakamasayang bestfriend sa buong mundo dahil magiging happy na ang bestfriend ko. Hindi pa nga ako tapos e. Akala ko magkaiba kayo ng kapalaran ng sister mo." parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Oo nga pala. Ganyang-ganyan din ang nangyari sa sister ko.
Hindi ko na mapigilan ang iyak ko kaya nagpaalam ako kay Baks na mag-break. Nagmadali akong pumunta sa toilet para ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Napahagulgol ako sa loob ng cubicle. Ilang minuto rin siguro ‘yon. Balde-baldeng luha ang inilabas ko sa pagkakataong iyon.
Bakit ba nangyayari ‘to?
Hindi ko mapigilang maitanong ang bagay na iyan sa sarili ko. Pero isa lang ang sagot na naiisip ko. Ang tanga ko. Ang tanga ng isang Yuki Misato para magpaloko. Magpa-uto sa isang YUjin Hiroshi na alam ko naman noon una pa lang ay parang nang-aasar lang siya. Pero bakit ang feelings ko ay tunay? At sa kanya ay joke lang?
Nang alam kong wala nang ilalabas na luha ang mga mata ko ay lumabas na ako sa cubicle. Nag-flush na lang ako kunwari para hindi naman nila masabing nag-emote lang ako sa loob. Baka may nakapila sa labas at awayin pa ako.
"Ikaw pala ‘yan." kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino ang nagsalita.
Ang kinaiinisan ko.
Syempre kita ko siya sa salamin na malapad sa harapan ko. Natawa ako nang pagak sa tinuran niya. Dati-rati ay papansinin niya lang ako kapag kausap o kasama namin si Taleo at Yujin. Pero ngayon ay kinakausap na niya ‘ko.
Is it because she's thinking that she won?
Teka nga. At bakit ba nag-e-English ako. Si Jes lang ‘to. Hindi customer.
"Naiintidihan ko kung ayaw mo akong kausap. Wala naman akong magagawa ro’n. Advice ko lang sa ‘yo at para sa ikabubuti mo rin." sabi niya. Bakit naman siya mag-a-advice at ano naman kaya iyon?
"Hindi lahat ng nakikita ng mga mata ay totoo." tss. Sige na. Oo na. Panalo ka na. Huwag mo na ipangalandakan na naloko ako at ikaw ang nanalo sa puso niya. Hindi mo kailangan sabihin sa akin nang harap-harapan na loser ako.
"Okay". tipid kong sagot. Syempre kahit na naiinis ako at sasabog na ang galit sa puso ko ay may delikadesa naman ako. Hindi ko kayang mang-away ng ibang tao dahil lang sa lalaki. Lalo pa at mahal ng mahal ko. Inihatid ko siya nga mga mata ko sa may pinto nang talikuran niya ‘ko. Naiiyak na naman ako pero hindi puwede. Naubos ko na ang fifteen-minute break ko na dapat ay gagamitin ko pa mamaya.
Magpapakuha na lang ako ng coffee kay Taleo. Pagbalik ko sa desk ay may kausap si Taleo. May nakapatong na kape naman sa table ko. Hmm... Ang bango. Talaga ‘tong si Baks nag-abala pa. Sweet mo talagang preny. Alam na alam ang paborito ko at happy pill ko. Mamaya na ako magpapasalamat sa kanya pagkatapos ng call niya.
Pero mauubos ko na ang kape ko ay hindi pa rin tapos sa call si Taleo. Marami kasing irate callers ngayon. Dahil sa delayed flights. Ngayon pa lang kasi nakaka-recover ang airlines at airports dahil katatapos lang na pandemya. Kung makapag-demand pa naman ang mga client na ‘to ang akala mo ay nabayaran na nila ang sweldo mo hanggang kamatayan mo.
Naubos ko na ang kape nang pasukan ako ng calls kaya naman hindi na ako nakapagpasalamat kay Baks. Kasalukuyang nasa calls ako nang mapansin kong nagsisilipatan ng mga puwesto sina Jes at ang buong team nila sa cubicle namin.
Syempre kasama na si Yujin do’n. Tila nananadya ang pagkakataon. Sa harapan ko pa talaga ang desk ni Yujin at sa harapan naman ni Taleo si Jes. Natatakpan lang ng kaunting harang ang mukha namin kapag nakaupo pero kapag tumingala o tumayo ay kitang-kita ng isa’t isa kung sino-sino ang nasa harapan.
Pansamantala lang naman daw sila pupuwesto ro’n sabi ng team lead nila. Nasira raw kasi ang mga computer sa puwesto na iyon.
Ano na-virus din?
Kung kanina ay hindi na ako makapagtrabaho nang maayos ay lalo akong hindi makapag-isip nang sa harapan ko sila maupo. Nang-iinis talaga ang tadhana. Hindi naman pala kami itinadhana. Sana lang huwag niyang gagawin kay Jes ang ginawa niya sa akin. Mukha namang masaya sila at imposibleng gawin niya kay Jes ‘yon. Sana nga lang hindi. Hindi naman ako ganoon kasama para maghangad ng masama sa aking kapwa.