Chapter 6 – Meeting

1792 Words
"Guys! Idle in two minutes. We have an emergency meeting!" sigaw ng Team Lead namin na si Angie Ayra Shane. Yes, tatlo ang name niya. At ayaw niyang ino-omit ang kahit isa sa name niya kapag tinatawag siya o kinakausap dahil kung hindi ay magagalit siya. Weird and crazy. Mataray siya sa mga babae pero mabait siya sa mga lalaki. That's why I hate her. "TL, Yujin is on a call." sigaw ko. Pero mahina lang. Bakit ba? E mahina ako sumigaw e. Sapat lang para marinig ni TL at hindi ng kausap ni Yujin. Pernes. Arte ko ro’n. E keshe nemen. Mey kel se Yejen. Pakialam ko nga pala kung may call siya? Pero ayun nga. Narinig pa rin naman ni TL e. "Yuki, it's Angie Ayra Shane." yeah right, TL. "Sorry, TL Angie Ayra Shane!" gigil kong sabi. Ang arte niya. Puwede bang pumili na lang siya ng isa lang sa mga ‘yon? Ang haba kaya. Kahingal pa. Walang hingahan. Mamaya tigok na ‘ko kung paulit-ulit kong babanggitin ang name niya. "Thank you for calling Alfonso Airlines. It's my pleasure speaking with you today. Have a nice day!" rinig kong paalam niya sa kausap. Sa wakas ay natapos din siya. Hmm... Sasabihan ko ba siya na may meeting kami? Huwag na kaya? Bahala siya. Kainis lang kung bakit ako pa ang katabi niya. "Hoy!" mahinang tawag ko rito. Aba ayaw lumingon. Pakipot pa. Siya na nga itong tinatawag e. "Yujin!" pag-uulit ko. And this time ay gamit na ang pangalan niya. Agad naman siyang lumingon. Arte much, Kuya? Special ka? "Yown. Akala ko naman ay pusa na ang tingin mo sa akin o aso." kagigil ha. Namimilosopo pa. "Mukha ka namang aso ah." bulong ko pero hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya. "E ‘di cute ako?" wow Kuya. Punta ka na sa mental. May tama ka yata e. "Baka kata-cute ang ibig mong sabihin. May meeting tayo sabi ni TL." feelingero lang, Kuya? Ay daga ka! Buset? Isa pa ‘tong TL namin na feeling pretty. Hindi pala umalis sa harapan ng cubicle namin. "It's TL Angie Ayra Shane, Yuki. TL Angie Ayra Shane." ah ewan ko sa inyo. Kayo na nga ang mag-usap. Tutal pareho naman kayong abnormal. Parehong mayabang. May saltik at may katok. bakit hindi na lang kayo mag-t****k? Ang g**o niyong kausap ni Yujin e. "Okay." sabay tango ko rito para matapos na. Hindi na lang ako magbabanggit ng word na TL. "Proceed to room 101." pagkasabi nito ay saka ito dumikit kay Yujin. Landi, Ate? "Sabay na tayo, Yujin. Sasabihan ko lang sina Taleo at ang iba pang ka-team ni Jeslyn." landi ni madam talaga. Kaunti na lang ay iisipin ko na’ng may relasyon sila. Tumango lang si Yujin at naupo sa puwesto niya. Dumeretso naman si TL sa puwesto nina Taleo, Jeslyn at ng iba pang ka-team nila. Marahil ay tungkol sa kumakalat na virus ang meeting. Marami na kasing canceled flights at stranded passengers sa airport. Naka-lockdown na kasi ang mga cities at barangays. "Team Book One at Team Book Two, since both of your teams got the largest clients in the team then both of you will be staying here at the office for a month. Food will be provided and the sleeping quarters are available at the quiet room.” iyan ang tawag sa sleeping room namin. Sosyal hindi ba? “You can bring enough clothes until the end of the month and you can use the shower room at the gym." sabi pa ng manager for operations namin. Paano ba ako nito? Marami pa naman akong abubot. Alangan namang dalhin ko ang lahat ng iyon dito. Paano na lang ang panty liners ko? Ang napkin ko? Ang b*a ko? Pagka-kapal pa naman ng mga ‘yon. At idagdag mo pa ang mga pantulog ko. Kailangan ko rin magpalit ng damit three times a day. Iba pa ang pantulog ko. "Yuki Misato? Is there any objection? Clarification? Suggestion or opinion?" dinig kong tanong ni Ms. Jamie. "N-none, Ms. Jamie." bakit na-special mention ako? "Good. I wonder if you're daydreaming or what. You're the only one who did not answer earlier." sabi pa nito sa akin. Teka. May tanong ba? At isa pa ay hindi naman ako nagdi-daydreaming. Naisip ko lang naman kung paano ko pagkakasyahin ang gamit ko. "I'm sorry. But I'm not daydreaming." paglilinaw ko. "Okay then. Are we clear, everyone?" sabi niya. Sumagot naman ang lahat. "Kayo rin.” turo niya sa tatlo. “Yujin Hiroshi, Taleo Tanyag at Jeslyn Canaco. Kayo ay maiiwan kasama ng lima niyo pang ka-team. At si Ms. Angie." ang sama nang tingin ng TL namin dahil naputol ang pangalan niya. Ang laki ng problema niya e pangalan lang naman ‘yon. "Yes, Ms. Jaimie." sagot naming lahat. Hindi ko pa rin maisip kung paano ang gagawin ko? Pagkatapos ng meeting namin ay bumalik na kami sa kani-kaniyang trabaho pero dumaan muna ako ng toilet para mag-retouch. "Okay lang. Kaunti na lang ay mapapaamo ko na siya." rinig kong sabi ng isang lalaking may malalim na boses sa toilet ng lalaki. Malamang lalaki ‘yon kasi nasa toilet ng lalaki. Magkatabi lang naman ang toilet ng babae sa lalaki. Hindi ko na lang pinansin ang narinig ko. Pakialam ko ba. After ko mag-retouch ay bumalik na ako sa puwesto ko. "Nasaan na kaya ang lalaking iyon?" teka... Bakit ko ba siya hinahanap? "Hinahanap mo ba ako?" magkakasakit na yata ako sa puso. Ano ba naman ‘to bigla na lang nasulpot? “Ay palaka!” halos tumalon ang puso sa ginawa niya. Papansin ka, Kuya? Nabasa mo ba ang nasa isip ko? Hanep talaga 'tong si Kuya. Kung hindi magyayabang ay mind reader. "Kapal mo naman. Hindi ba puwedeng napalingon lang ako sa glass door? At bakit naman kita hahanapin?" feelingero talaga. Akala mo naman ay guwapo siya. Totoo naman. "Ako lang naman ang puwede mong hanapin na nawawala e. Para sa ‘yo nga pala." abot niya sa sandwich na hawak. "Birthday mo?" napa-kunot ang noo niya sa tanong ko. "Huh? Hindi." simpleng sabi niya. "May pakain kasi kaya akala ko ay birthday mo." grabe ang cute ng dimples niya. Sige ngiti ka lang Kuya para naman masaya ang araw. Wait. Ano na naman ba’ng mga sinasabi ko? "Sandwich lang ‘yan. Sa birthday ko kain tayo sa labas." sabi nito habang nag-unlock ng computer niya. "Talaga?" excited kong sabi. May nakaka-excite ba? "Yep. Sa September." wow ang tagal pa pala. Kala ko naman next month na or this month. Makapagsabi lang na kakain sa labas. Ibang klase rin talaga siya. "Ewan ko sa ‘yo. Makapagtrabaho na nga." inirapan ko siya sa inis. Makapag-yaya akala mo naman ay malapit na e six months’ pa pala. Bawat tapos ko ng calls ay napapansin ko na naman ang seryosong mga titig niya. Pero kapag humaharap naman ako sa kanya ay nakangiti siya. Ang weird lang pero baka inaantok lang siya. Antukin kasi siya. Minsan kapag hindi ko siya nakikita sa coffee shop ay nasa sleeping quarters siya. Kaya kung mag-stay siya dito habang lockdown sa palagay ko ay hindi siya maninibago. Matapos ang trabaho namin ay agad kaming umuwi para kumuha ng gamit. Hindi ko nga alam kung tama ba ang mga na-impake ko pero okay na siguro ito. Sana lang ay hindi ako kulangin. Ayaw ko pa naman ng nakikihiram ng gamit. "Baks, san flight mo?" tanong ni Taleo sa akin habang nanlalaki ang mga mata nang makita ang dala kong maleta. "Sa office. Hindi ba mag-stay tayo ro’n habang lockdown?" nakakunot-noo kong sabi. At bakit niya naman naitanong? E isang maleta lang naman ang dala ko. "Baks, one month lang tayo ro’n. Ang maleta mo ay pang one year na." sabay halakhak habang nagtitipa sa cellphone niya na parang kinikilig pa. May ka-chat na naman yatang lalaki. At pagtawanan ba ako? Malay mo may kailanganin siya sa akin e ‘di may maipahihiram ako. Pero kung ako ang kukulangin ay siguradong wala siyang maipapahiram sa ‘kin. Akala mo naman talaga ay sakto ang dala niya. Sabagay lalaki pa rin siya kahit bakla siya. "Oo na. OA mo naman. Pero hindi ko maiwan ang mga gamit ko.” nakanguso kong sabi. “Paano nga pala tayo pupunta ro’n?" tanong ko rito nang marinig namin ang busina ng sasakyan sa labas. "Ayan na ang sundo natin." napapatili pa na saad ni bakla. Ayos talaga ‘to. May inarkila pang sasakyan. Nag-grab car siguro. Sabagay may gamit kami kaya hindi kami puwede sa jeep at baka makaaway pa namin ang driver. Sabihin pa na dadala-dala kami ng mga gamit pampasikip. Kagigil rin kasi ang nasakyan ko noon. Talagang halos murahin ko siya sa isip ko. Tang inumin mo, Kuya. Sa gigil ko ay nasabi ko ‘yan. Aba malay mo at baka bumait siya kapag uminom siya niyan. Strawberry flavor sana para mabawasan ang pag-bitter niya. Ang pait kasi ng pagmumukha niya. "Hi girls!" bungad ni Kuya nang ibaba niya ang car window. Girls talaga? Ako lang naman ang girl dito. Sige na nga. Si bakla rin. "Anong ginagawa mo rito?" hindi ko talaga maiwasang tarayan ang isang ito ‘pag nakikita ko e. At para malinaw sa lahat ay hindi ko siya crush kaya kung iyon ang iniisip niya ay mali siya. "I'm on my way to the office when Talie messaged me to fetch you guys." wow dinudugo ilong ko. Puwede bang sa labas ay tagalog tayo, Kuya? "Ah..." tatango-tango kong sabi. Wala ako sa mood sumagot ng English sa kanya. "Thanks, Fafs! You're the best. Nambola pa. Ayos din ‘tong si Baks. Kumi-kendeng pa na pumasok sa backseat. As usual ay inilapag niya ang gamit niya sa tabi niya kaya no choice ako kung hindi ay sa harap ulit maupo. "Tulungan na kita." pa-pogi points na naman si Kuya. At siya na ang nagbuhat ng maleta ko para ilagay sa compartment. "Thanks." inalalayan niya ako ulit sa pagsakay. Kaunti na lang talaga mapu-fall na ako. Pero... ‘pag na-fall ba ako ay sasaluhin ba ako ni Kuya? Baka naman nagpapakabait lang 'tong isang ‘to. Pasikat ba. "Baks, sakay na. Baka abutan pa tayo ng ulan. Ito ang panyo, oh. Baka bumaha ng laway sa daan." sabi nito na kanina pa pala ako tulala na nakanganga kay Yujin. "Tse!" kainis si bakla. "Mga Baks! Sandali!" habol ni Jeslyn. Aba naman sasabay pa ang babaita. E saan siya sasakay? "Dito ka na, Jes." offer ni Baks. Talaga naman ‘tong bakla ‘to. Bakit sa bruhang ‘yan in-offer niya ang seat sa tabi niya? Samantalang sa akin ay ayaw niyang paupuan? Kaunti na lang talaga ay iisipin ko na talagang hindi ako ang bff niya. Tinitigan ko siya nang masama sa rear view mirror. Agad naman niya akong napansin at nginitian lang ako saka nag-peace sign. Ewan ko ba kung bakit napaka-selosa ko sa kaibigan. Gusto ko ako ang laging inuuna. Gusto ko na ako ang laging pinapansin. Ang laging inaasikaso. Madali akong magtampo lalo na kung hindi ako naaalala o inaasikaso. At madali rin akong mainis kapag ganoon. Kung hindi ko ang talaga love si Kuya este si Yujin, I mean si Talie. Enebe nemen ‘yen. Mali pa ang nasabi ko. Ah basta. Kung hindi ko lang love si Taleo ay siguradong friendship over na kami sa ginawa niya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD