Chapter 16 – Still The Same Feelings

1546 Words
Back to normal kami ni Yujin after ng confession niya. Okay na ulit kami. Balik na sa kulitan at asaran. Pero walang kami. Kahit nakita na niya ang lahat sa akin ay hindi naging kami. Wait. Hindi pala lahat. Ang hindi maniwala ay hindi na magkaka-jowa. Pero wala talagang kami dahil ayaw ko rin namang tanggapin ang pagmamahal niya kahit na mahal ko siya. Nakausap ko na rin ang sister ko. She admitted her mistakes. She told me everything. From how they met up to how they end up together. Indeed, she's my ex-boyfriend's girlfriend before me. And the reason why he can't leave her is that they had a baby. Ang pamangkin ko. Ang cutie pa nga e. Akala ko namali lang ako nang tingin. Akala ko na sa kaiisip ko kay Sol ay naging kamukha niya ang pamangkin ko. Si Soledad. I also thought her name was a coincidence. Sinabi ni Yuri sa ‘kin na ‘yon daw ang way nila for me to realized and find out their relationship. Ang tanga ko lang. Legit. Ginagago na pala ako ay hindi ko pa alam. Paano ako makasisiguro na hindi gano’n si Yujin? Masisisi ba nila ‘ko? Ang malas ko nga yata sa pag-ibig. Iibig na lang ako sa forever pa ng sister ko na kakambal ko. Pati ba naman feelings namin ay kambal din? Feeling ko ay nasasaktan din siya dahil ako ang kasama ng mahal niya noong kami pa. Noong hindi ko pa nadi-discover ang relationship nila. Kung hindi pa siguro ako maa-aksidente ay hindi pa maaalog ang utak ko para iwan si Sol. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ‘ko ng tadhana. Imagine that? Umuwi pa si Yujin ng Pilipinas para lang mag-revenge sa taong hindi niya pa kailan man nakilala. Wala naman akong masamang ginawa kung hindi ay ang magmahal. But I guess life is really unfair. You can love anyone you want but not everyone can love you back. You can love back but that doesn't guarantee that no one owns that person you love. It's not about who you will love but it's about who is not owned by anyone. Teka. Tama ba ang English ko? Ang g**o yata. Pero gets ko siya. Syempre ako ang nagsabi e. Kaya ayaw ko mag-emote ng English e. I started to act normal whenever I am with Yujin. But of course, Jes and Yujin's relationship didn't change. Sila pa rin. Waley kami. Bakit ko ba siya ipipilit sa sarili ko? Ano? Pagkatapos nila kami naman? Ayaw ko nga nang tira-tira. Gusto ko buo. Akin lang. Selfish ako pagdating sa pagmamahal. Mali ba ‘yon? Mali bang maging madamot sa pagmamahal? Dapat ba nagshi-share? Tulad ng kambal ko sa ex ko? No way. Not anymore. Never. "Oh, Baks. Tulala ka na naman diyan? Akala ko ba ay okay na kayo ni Yujin? Gusto mo bang bigwasan ko si Jes? Nang mauntog at makalimot na sila ni Fafs Yujin?" bulong ni bakla. Ang dami talagang alam nito ni Baks. Ang taba ng utak. Pero puwede rin. Pakibigwasan nang mawala na sa landas ko. Biro lang syempre. "Wala ‘to. Okay lang ako. Ano nakapag-callback ka na ba sa last client mo kahapon?" tanong ko kay Baks. Isang linggo na rin ang nakalipas nang maging okay kami ni Yujin pero hindi na siya bumalik sa department namin. "Of course. Mani lang ‘yon ‘no." ay Baks? Parang hindi bagay ang sinabi mo. Ano na naman ba ang nasa isip ko? Epekto na naman ni Yujin ‘to sigurado. "Wow ha. Maka-mani ka parang mayroon ka no’n." napalakas yata ang halakhak ko dahil nagtinginan ang mga tao sa floor namin. "Ay mapanglaitn Baks? Kapag ako nagkaro’n niyan. Who you ka sa akin." bastos ‘to at itinuro pa ang ano ko sa baba. Basta ‘yong ano. Talaga ‘tong si Baks walang preno. "Yuks, kape tayo." at pinaiksi na naman niya ang pangalan ko. Kuya ‘wag gano’n. Hindi kita tatanggihan kahit nakatingin si Jes sa ‘kin. Syempre hindi ko ipinahalatang kinikilig ako dahil niyaya niya ‘ko. "May gagawin pa ‘ko e." sagot ko na kinontra naman ng baklang ang sarap talupan ng balat. "Fafs, nako. Huwag kang maniwala riyan. Wala na’ng gagawin ‘yan. Naka-ready na nga kaming mag-lunch. Libre mo ba?" ayon naman pala. Lumabas din ang pakay mong bakla ka. "Makakontra ka sa 'kin. Magpapalibre ka lang pala. Ako na bibili ng kape mo. Nang istorbo ka pa ng iba." kunwaring pigil ko kay Baks pero gusto ko rin talaga ng libre. Lalo na kung galing sa kanya. "Maka-buko naman 'to. Aminin mo na. Gusto mo rin." pang-aasar ni Taleo sa akin. Lakas din naman ng radar. "Baka ikaw ang may gusto kay Yujin." pang-asar ko. Aba si bakla tinablan ng hiya. Nangangamatis. Parang ang sagwa. Iba yata ang nangangamatis. I mean, namula ang cheeks niyang puro bones. Actually mapanga siya. Hindi nga lang umiigting. At kahit umigting pa ay walang may paki. Biro lang. Love ko ‘yan si Baks. "Matagal na. Puwede na ba tayo, Fafs?" ay akala ko nahiya. Nag-blush on pala ang bruha kaya namumula ang cheeks. "Tara na." agad na umangkla si Baks sa braso ni Yujin at sa kabila naman ay si Jes. Hindi ko alam kung hindi lang talaga ito showy pero hindi hinawakan ni Yujin ang kamay nito. Pakialam ko ba? Wala kaya. Wala talaga. Wala naman ‘di ba? Bakit ba kami pa ang magkatabi sa elevator? Hindi ba dapat sila ni Jes? Si Baks talaga. Gumawa na naman ng kalokohan. Habang pumapasok kasi ang mga tao ay paatras siya nang paatras hanggang sa nasa likod na niya si Jes at nasa likod ko naman siya. Si Yujin naman ay nasa tabi ko. Shocks! Ang kilikili ko. Umiiyak. I'm not worried though. Hindi naman mangangamoy ang kilikili ko at hindi rin ako naglalagay ng kahit anong deo. Pero ayaw ko pa rin na wet ito. Kadiri kaya. Tyet na malagkit. Wala bang aircon? Pinagpapawisan akes. Sinubukan kong kumalma. Mabilis lang 'to. Nasa 26th floor lang naman kami at hindi naman siguro lahat sila ay sa coffee shop pupunta. Bakit parang walang nababa? Wait ano 'to? K-kamay? D-daliri ba ‘to? Hindi ako mapakali. Hawak ba niya ang kamay ko? Mainit. Malambot. Siete naman talaga. May sasakay pa? Hindi na kasya. Baka mamaya kalong na ako ni Yujin nito. Hindi ko alam pero sa’n ba talaga papunta 'tong mga taong 'to? Juice ko day. Ang masel niya nararamdaman ko na. "Okay ka lang?" music to my ears. Ang lambing ng boses niya. "Yuks!" siete naman o sabi nang ‘wag paiiksiin ang pangalan ko. Okay na sana e. "Oo. Okay lang ako. Tsaka ang kamay ko pakibitiwan, please." angil ko sa kanya. "Huh?" naguguluhang sabi niya. Aba't nagmamaang-maangan pa ‘tong lalaking 'to. "Yung kamay ko." sabi ko sabay angat ng kamay ko para ipakita at itanong kung bakit niya hawak. "Here." sabay angat niya ng dalawang kamay niya. "K-kaninong kamay ‘to?" sabay hila ko sa kamay na nakahawak sa ‘kin. "Aray, Baks." reklamo ni Taleo. Buwisit na bakla. Kagigil. Nakangiting nakakaloko pa nang ipakita ang kamay niya. Puwede bang lumubog sa kinatatayuan ko? Nakakahiya. He smirked and winked at me at the same time. Tyet. Kikiligin ba ako o maiinis? Bakit ba naghahalo ang emosyon ko kapag kasama ko 'tong gagong ‘to? Nang huminto ang elevator sa pupuntahan namin ay nagsilabasan din ang mga tao. Pero paglabas namin ay nasipasukan sila ulit. ‘Yung totoo? Hinatid niyo ba kami? "Same flavor?" tanong niya. Bakit ba nasa akin ang lahat ng atensyon niya? Puwede ba? Doon na siya sa Jes niya. "Yep." napalingon ako nang sumagot si Jes. Ay, teh? Assuming ako? Ano ba nangyayari sa ‘kin? Syempre girlfriend ang unang tatanungin. "Fafs. Kahit ikaw na lang ang akin. I mean, ikaw na lang ang orderin ko. Ay sorry. Ano bang nangyayari sa ‘kin? Sabay na tayong um-order." ang landi talaga ng baklang 'to. Para-paraan. Pasimpleng bumanat. Teka. At hindi man lang nila tinanong kung anong gusto ko? Papadyak akong naghanap ng mauupuan. Yung pang-dalawahan lang. Naiirita na akong kasama ang mag-jowa at ang balimbing kong bestfriend. Nang makakita ako ng puwesto ay agad kong pabagsak na inilapag ang wallet ko. Pero may kumalabit sa akin. "Do'n na lang tayo, Yuki. Hindi tayo kasya diyan." wow teh? Ang bait ng boses mo ngayon ah. At sinadya ko 'to para hindi ko kayo makatabi. "Ah ganun ba? Kasi ano e –" aba naman hindi pa 'ko tapos magsalita ay pinutol na niya. "Okay lang naman. Gusto namin kayong katabi ni Yujin." puwes sa akin hindi okay. Ayaw ko kayong katabi. Syempre wala naman akong magagawa. "S-sige. Tara?" hindi ko na nagawang tumanggi kahit labag sa nararamdaman ko. Nang matapos um-order ang dalawa ay bumalik na sila sa puwesto namin. "Ako naman ang o-order kung tapos na kayo." baling ko kay Yujin. Tatayo na sana ako nang pigilan ni Yujin ang braso ko. "Ay 'wag na. Okay na." sagot niya. Agad akong napalingon kay Jes. Ayaw kong isipin niyang gusto ko na hinahawakan ako ni Yujin. Oo gusto ko siya pero hindi ko rin naman planong mang-agaw ng hindi sa 'kin. Pa'no nga pala niya nalaman kung ano order ko? At pano niya nasabing gusto ko ang in-order niya? "Ah... kasi iba ang gusto ko." ikaw. bulong ko. Iniabot ko kay Jes ang para sa akin. "Mayro'n na siya. Para sa 'yo talaga 'yan. Ibinili ka na ni Talie." ay ang sakit naman. Nag-assume na naman ako. Akala ko galing talaga sa kanya. "Mag-toilet lang ako." hindi ko na kaya ang pag-iinit ng pisngi ko. Masyado na akong napapahiya. Bakit ba kasi napaka-assuming ko?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD