Chapter 15 – Making Things Right

1541 Words
"S-sorry. Anong ngang sabi mo ulit?" pilit na ngiti ang itinapon ko rito. Mukhang wala namang balak sumaklolo si Yujin. Tulog na nga yata siya. Pero bakit parang may kumikislap sa magkabilang pisngi niya? Teka? Butas ba ang bubong ng kotse nila? O kung tama ang iniisip ko ay umiiyak siya. Hindi ko gaano maaninag sa salamin kung luha nga ba ‘yon o tubig. Ipinaliwanag ulit ni Sol ang sinabi niya kanina. Pero isa lang ang na-absorb ko. Pero ayaw kong ding i-absorb. Ayaw kasing tanggapin ng puso at isip ko ang sinabi niya. Mahal niya pa rin daw ako. Handa raw niya akong pakasalan kung papayag daw ako. What? Gano’n na lang ‘yon? Walang ligaw? Walang paghingi ng tawad? Walang pagkaklaro sa totoong ginawa niya sa ‘kin? Kaya ba umiiyak si Yujin? Pero bakit? Natuwa ba siya dahil mahal ako ng Kuya niya? Para malinis na ang konsensya niya sa ginawa niya? "No way!" tyet. Napalakas yata ang pagsabi ko. "Naiintindihan kita sa desisyon mo, Yuki. Alam kong wala ka nang natitirang pagmamahal sa ‘kin." drama nito. Kasalanan mo naman. Tama lang palang narinig mo ang sagot ko. "Sige na. Uuwi na ako. Pahiram ng payong. Isasauli ko na lang kay Yujin bukas." walang alinlangang kinuha ko ang payong sa gilid ng kotse at agad na bumaba. Mahina na rin naman ang ulan kaya keri na. Wala akong narinig na pagpigil mula sa kanila kaya naman agad kong isinara ang pinto ng kotse. Tanging pagharurot ng sasakyan na lang ang narinig ko. "Tss. Magkapatid nga sila. Hindi man lang marunong manuyo? Dahil lang ayaw ko ay hindi na ako pinilit? Juice ko day. Kaka-highblood sila." hahakbang na sana ako papasok ng gate nang may humawak sa braso ko. Ramdam ko ang init ng palad nito. Hahakbang pa sana ako nang bigla na lang niya akong hinatak paharap sa kanya na alam kong siya lang ang gagawa niyon sa akin. Dama ko ang init ng katawan niya nang bigla niyang balutin ng mga bisig niya ang balingkinitan kong katawan. Ramdam ko ang bilis nang pagtibok ng puso niya. Rinig ko ang bawat paghikbi niya. Hindi nga ako nagkamali kanina. Umiiyak siya. Wala na akong pakialam kung mabasa kami ng ulan. Kahit ngayon lang. Kahit sa pagkakataong ito lang. Mayakap ko siya. Mayakap niya ako. Bukod sa himig ng mga patak ng ulan ay maririnig ang hikbi namin dalawa. Oo na. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Kahit paghihiganti ang pakay niya. Mahal ko siya. Bawat pagpatak ng ulan ay siyang patak din ng mga luha ko. Mahigpit ang yakap namin sa isa't isa. Mayamaya pa ay bumitiw na siya. Akala ko ay tapos na. Pero agad na sinakop ng mga palad niya ang magkabilang pisngi ko. Langhap na langhap ko ang hininga niyang tila pabango na sa aking ilong. Sa tuwing naaamoy ko ay naaadik ako na parang ayaw ko nang mawala sa pang-amoy ko. Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na pagyayari. Naramdaman ko na lang ang pagkilos ng labi niya sa labi ko. He brushes his lips thru mine and pressed it gently. I let him maneuver my every movement. He slid his tongue inside my mouth and deepened the kiss. I feel like this is my first time experiencing this thing and it gives me the urge to feel his lips more. I don’t know and I don’t care what was that kiss for. I like it. It’s totally a different feeling from the first time he kissed me in the basement. Matapos ang ilang minutong pagmamani-obra niya sa labi ko ay hindi ko na napigilang tugunin ang bawat halik na iyon. Masarap. Matamis. Nakaka-adik. Parang unang halik. Puno nang pagkasabik na gumanti ako sa bawat paggalaw ng labi niya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nabuksan na namin ang gate at nakapasok na kami sa loob ng bahay. Dala nang init na nararamdaman namin ay agad naming inalis ang suot ng isa't isa. Ramdam namin ang pagdaiti ng aming mga balat. Nang maramdaman kong kasuotang panloob na lang ang suot namin ay saka ako natigilan. Ramdam ko rin ang hangin na nanggagaling sa bintana. Malamig. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Pero bumalik ang mga mata ko sa boxer shorts niya. Hindi para titigan ang sawang nagngangalit kung hindi ay para tingnang mabuti kung tama ba ang nakikita ko. Hanggang sa hindi ko na napigilang mapahalakhak. "S-seriously? You're wearing that?" tanong ko habang nakahawak sa tiyan kong sumasakit na katatawa. "What's wrong with this?" sagot niya na halata namang namumula sa pagkapahiya. Who would have thought na mangyayari ‘to? We both didn't expect it. He was wearing a snake print boxer. And what's funnier is that the print of the snake's head is in front of his thing. Hagalpak pa rin ako sa katatawa nang ma-realized kong nakahubad pala ‘ko. Siya naman ang tumawa nang tumawa dahil namumula ang magkabilang pisngi ko. Binalot ko ng mga braso ko ang dibdib ko para matakpan pati na rin ang ibabang parte ng katawan ko. Parang ako yata ang napahiya ro’n. Nanakbo ako sa kwarto para kumuha ng towel at mag-shower. Baka magkasakit pa ako dahil sa pagpapaulan. Hinayaan ko lang siya sa sala habang naliligo ako. Halos tatlumpung minuto rin akong naligo bago ko siya binalikan dala ang extra towel ko para sa kanya. At isang pares ng damit pang ibaba at itaas. "Oh.” sabay tapon ko sa kanya ng towel at ng mga damit. “Wear those." nasalo naman niya ito at saka pumunta sa banyo. Hindi ako makapaniwalang umabot kami sa ganito. Wala naman akong pinagsisisihan. "Tapos ka na?" nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko sa kanya. Five minutes’ pa lang ang nakalilipas ay tapos na siya agad at nakabihis na. Hindi ko mapigilang matawa. "In fairness bagay sa ‘yo. Sure ka ba na tapos ka na? Nagsabon ka ba?" hindi ko mapigilang maitanong. Hindi ko maisip kung paano nagagawa ng mga lalaki na maligo ng not more than five minutes. "Oo naman. Kahit hindi ako maligo o magsabon ng isang linggo ay mabango pa rin ako." sabay kindat. Loko ‘to dinadaan ako sa pagkindat at pa-dimples niya. "E ‘di ikaw na." in fairness, ang cute niya sa shorts at hanging blouse ko. Paglingon ko ay nakaupo na siya sa sofa at seryoso. "Coffee?" alok ko rito. "No thanks. Can we talk?" e nag-uusap na kami. Bakit laging gano’n ang bungad ng mga tao? Kidding aside, umupo ako sa kabilang single sofa. "What is it about?" kasi naman sana magtagalog siya. Baka kailanganin ko ng tissue kaya kinuha ko ito mula sa center table at itinabi sa akin. "I'm sorry..." ayan na nga ba ang sinasabi ko duduguin ako. I'm sorry pa lang ‘yan. Agad akong kumuwa isang pirasong tissue at ipinahid sa ilong ako. "Anong ginagawa mo?" naguguluhang tanong niya. "Ayan sa wakas. Nag-tagalog ka rin." nangiti siya at the same time ay nailing sa sinabi ko matapos ay muling sumeryoso. "Patawarin mo 'ko. Alam kong masakit ang mga salitang binitiwan ko sa ‘yo noon. I hurt you. Alam kong mali ang ginawa ko at sana ay mapatawad mo ‘ko." sabi niya. Ine-expect ko na ‘to. Ang gusto kong malaman ay kung nalinaw na ba ang lahat sa kanya. "Bakit ka nagso-sorry? Ano ba’ng maling nagawa mo?" maang ko. Ayaw kong manggaling sa akin ang detalye kung hindi ay sa kanya mismo. "Kuya Sol explained everything to me. Sorry kung nasaktan kita para maghiganti." okay. So anong pinaliwanag ni Sol sa iyo? Iyan sana ang itatanong ko nang magsalita siya ulit at ipaliwanag ang ibig niyang sabihin. "I know that Kuya hurt you. Sorry kung nasaktan din kita. He cheated on you and I feel sorry about that." please, Yujin. Don't tell me that you love me because you feel sorry for what he did to me. Please. Don't say what I am thinking right now. Ayaw kong pampalubag-loob lang ang pagmamahal niya sa akin dahil nasaktan ako ng kapatid niya. "Sinabi sa ‘kin ni Kuya na nagka-amnesia ka. And when you get treated ay itinapon mo na lang siyang parang basura. Sinabi mo raw na hindi mo siya mahal. At may iba ka na’ng mahal. Pero nilinaw na niya na siya ang nagloko. Ikinuwento niya ang detalye ng pag-uusap nila ni Sol. "Kuya, why did you lie to me? Alam mo namang mahal ko si Yuki. Alam mong gusto ko na siya noon pa. Ipinaubaya ko siya sa ‘yo. Sa pag-aakalang sa iyo siya sasaya. But I was wrong. Niloko mo siya. Sinaktan mo siya!" naluluha siya habang ikinukuwento ang lahat sa akin. "I'm sorry, bro. Mahal ko talaga si Yuki. Pero mahal ko rin si Yuri. May anak kami. I'm her daughter’s father." hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Tila ilog na patuloy lang sa pagdaloy. Bakit hindi sinabi ng kakambal ko na sila ni Sol? Kaya ba ayaw niyang hanapin ang ama ng bata? Hinaplos ni Yujin ang likod ko. Masakit malaman ang katotohanan. Bakit pa niya ‘ko inalok ng kasal? Bakit sabi niya mahal niya ‘ko? "Patawarin mo kami, Yuki. Pareho ka naming nasaktan. But now I know na hindi lang paghihiganti ang nararamdaman ko para sa ‘yo.” saglit siyang napahinto sa pagsasalita at tinitigan ng seryoso ang mga mata ko. “I love you. I love you so much, Yuki..." niyakap ko siya nang mahigpit habang patuloy ang paghagulgol namin. Paano ko tatanggapin ang pagmamahal niya? Kung ang mismong kakambal ko ay kinamumuhian ko nang dahil sa ginawa ng kapatid niya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD