CHAPTER 2

1101 Words
CHAPTER 2 "Jenny, bilis! Kanina pa naghihintay si Mang Berto," sigaw sa kanya ng kaibigan niyang si Margareth, isang umaga sa kanilang bahay. Ang Mang Berto na tinutukoy nito ay ang tricycle driver na asawa lamang ng kapitbahay nilang si Aling Marissa. Kasalukuyan pa siyang nasa loob ng kanyang maliit na silid at inaayos ang pagkakatirintas ng kanyang mahabang buhok. Ngayon ay ang unang araw ng pagpasok nila sa eskwelahan para sa taon na iyon. Jennifer is now on her junior high school. She is excited for this day, hindi lang dahil sa balik eskwela na sila, kundi dahil mula sa araw na iyon ay sa ibang unibersidad na siya papasok. After finishing her grade 10, Jennifer took up an entrance exam in the most famous university on their town. Kasabay din niyon ay ang pagsubok niya na nakakuha ng scholarship mula sa foundation na ang mismong unibersidad ang namamahala--- ang San Antonio University. San Antonio University is the most popular and expensive school in town. Pag-aari ito ng isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang lugar. Katunayan ay suntok sa buwan lamang ang pagsubok niya na maipasa ang pagsusulit upang nakapag-aral siya sa eskwelahan na iyon. Karamihan sa mga nag-aaral sa paaralan na iyon ay galing sa may-kayang pamilya. At ni sa panaginip ay hindi niya naisip na darating ang isang araw na papasok siya sa SAU. But surprisingly, Jennifer passed the test and the scholarship, dahilan para ngayon ay doon na siya mag-uumpisang mag-aral. Nang umpisa ay hindi pa sana nais ng kanyang ina na doon siya pumasok. Kahit pa sabihin na naipasa niya ang scholarship ay malamang daw na marami pa rin gastusin sa pagpasok niya roon. Ngunit nang makita ng kanyang ina ang determinasyon na mayroon siya upang doon makapag-aral, kalaunan ay sinuportahan na rin siya nito. Actually, her mother always supports her in everything that she wants. Kahit salat man sila sa pinansiyal na aspeto ay lagi nitong ginagawa ang lahat upang maibigay sa kanya ang kanyang mga pangangailangan, lalo pa kung konektado iyon sa kanyang mga pangarap. Katulad na lamang sa pagpasok niya sa SAU. Sa kabila ng pagprotesta nito nang umpisa ay ramdam niya naman ang pagmamalaki para sa kanya ng kanyang ina nang maipasa niya ang entrance test doon. "Jen! Hindi ka pa ba tapos?" sa muli ay narinig niyang tawag sa kanya ni Margareth. Minadali na ni Jennifer ang pag-aayos sa kanyang sarili. Nang matapos ay agad na niyang kinuha ang kanyang mga gamit at lumabas na ng kanyang silid. Tanging bulaklaking kurtina lamang ang nagsisilbing tabing sa kanyang kwarto. Paglabas roon ay agad na bubungad ang maliit nilang sala at naroon na ang kanyang kaibigan. Nakaupo si Margareth sa mahabang upuan na gawa sa kawayan at naiinip na naghihintay sa kanya. Nang makita nitong lumabas na siya mula sa kanyang silid ay agad na rin itong tumayo at nagsalita. "Sa wakas ay lumabas ka na rin," eksaherada nitong saad sa kanya. Jennifer almost rolled her eyes upwardly. Lagi naman ganoon ang kaibigan niya. Napakadaldal nito at madalas ay hindi nauubusan ng sasabihin. Ngunit sa kabila niyon ay labis silang malapit sa isa't isa ni Margareth. Mula pa noong elementarya ay kaklase niya na ito hanggang sa tumuntong sila ng sekondarya. Ngayon lamang sila nito magkakahiwalay ng eskwelahan na papasukan. Jennifer will go to San Antonio University, samantalang ito ay sa isang pampublikong paaralan papasok. "'Nay, alis na ho kami." Sa halip na sagutin pa ang kanyang kaibigan ay binalingan na niya ang kanyang ina na nasa may kusina at nangingiti na lamang na nakamasid sa kanila. Mula sa kanyang kinatatayuan ay ilang hakbang lamang patungo sa kanilang kusina. Doon ay may isang maliit na lababo kung saan naroon na rin ang kanilang lutuan. May maliit din na mesa na napapalibutan ng apat na silya at doon ay nakaupo ang kanyang ina--- si Nerissa. Tumayo na ito at naglakad palapit sa kanya. Masuyo itong ngumiti sa kanilang dalawa ni Margareth bago nagsalita. "Mag-iingat kayo. At good luck sa unang araw mo sa SAU, anak," baling nito sa kanya. Jennifer smiled softly at her mom. Simula nang bata pa man siya ay ito na lamang ang kasama niya hanggang sa edad niyang iyon. Hindi na niya nagisnan pa ang kanyang ama na ayon kay Nerissa ay naghiwalay na nito bago pa man siya isilang. Nang una ay madalas siyang magtanong sa kanyang ina ng tungkol sa kanyang ama. Ngunit lahat ng tanong niya ay disimulado lamang na sagutin nito. Hanggang sa kalaunan ay tumigil na rin siya at mas pinagtuunan na lamang ang kasalukuyan nilang buhay, lalong-lalo na ang kanyang pag-aaral. Tanging ang kanyang ina lamang ang sumusuporta sa lahat ng pangangailangan nila. Sa isang maliit na pwesto nito sa palengke nila kinukuha ang panustos sa kanilang pang-araw-araw. Kaya naman nakatatak na sa isip ni Jennifer na magtatapos siya ng pag-aaral upang balang-araw ay siya naman ang susuporta sa kanyang ina. Nang tuluyang makapagpaalam kay Nerissa ay magkapanabay na silang naglakad ni Margareth palapit sa naghihintay na tricycle sa harap ng kanilang bahay. Mas unang madadaanan ni Mang Berto ang San Antonio University kaya naman ay siya ang unang bababa kaysa kay Margareth. Pagkatapos ng ilang minutong pagbiyahe ay narating din nila ang unibersidad. Ipinarada ni Mang Berto sa gilid ng daan ng tricycle nito at mula roon ay bumaba na si Jennifer. Kasabayang tumigil ng tricycle ang ilang magagarang kotse na naghatid din ng ibang estudyante sa SAU. Bukod tanging si Jennifer lamang ang dumating na sakay ng tricycle. Some of the students turned to face her. Some have curiosity on their faces. Ngunit balewala lamang na tumayo nang tuwid si Jennifer at nagpaalam na kina Mang Berto at Margareth. "Bye, Jenny!" sigaw pa sa kanya ng kanyang kaibigan na sinuklian niya lamang ng isang pagkaway. Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa gate at binalewala ang ilang pares ng mga matang sa kanya nakasunod. Alam niya na bihira sa mga estudyante ng eskwelahan na iyon ang galing sa payak na pamilya at wala siyang pakialam kung ano man ang iniisip ng mga ito sa kanya ngayon. Ang mahalaga sa kanya ay ang pag-aaral niya. Dire-diretso siya sa kanyang paglalakad. Alam na niya kung saang silid siya tutuloy at doon na ang tungo niya. She was so excited. Ngunit sa pagliko niya sa isang pasilyo kung saan matatagpuan ang kanyang silid ay biglang nahinto si Jennifer sa paglalakad. She accidentally bumped to a tall figure. Akmang paliko din ito sa pasilyo na pinanggalingan niya. "Damn!" she heard him hissed. Ano mang isasagot ni Jennifer dito ay nabitin nang tumingala siya at makita ang mukha nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD