Pagdating namin kung saan naghihintay sila mommy nakita kong nandoon rin sila Jairus at Sarah na magkasama sa iisang kotse, at sila mommy, daddy, Mrs. hudson at ang iba pa. “Wag kana bumaba masyadong maalikabok.” pigil ni Liam sakin na sinunod ko naman. Saktong pagkababa niya ay tumunog na naman ang phone niya na agad ko tinignan at na confused ako dahil number lang ang lumabas at pagbukas ko ng message halos manginig ang kamay ko. “Sumipot ka sa abandonadong bahay dahil kung hindi mawawala ang buong pamilya mo na iniingatan, pati na si Ava ang kakambal ni Eva at sa palagay mo patutulugin ka kaya ng konsensya mo kung pati ang kambal niya ay mamatay? Pag isipan mo mabuti baka dalawin ka bigla ng ex wife mo dahil bukod sa pinagpalit mo siya ay hindi mo pa nagawang iligtas ang pinakamam

