Chapter 9

2504 Words
1 week 2 weeks 3 weeks 4 weeks.. At eto pa din ako.. nakahiga sa kama ko.. tinitingnan ko ung kamay ko na nasisinagan ng araw. Its been a month since we last saw each other. I really missed him alot.. him, Cloud.. Ang daming dumadating saking balita, na may kasama siyang iba.. na iba na sya.. sunod sunod na katok ung narinig ko. Walang gana kong tinayo ung katawan ko.. Pagbukas ko ng pinto.. Bumungad sakin si sky na nakasuot ng red fitted dress, red cap, red shoes and red sun glasses... Eto talgang babaeng to! Mahilig sa terno. Oo nga pla. Guys meet Sky Valentine Sue. Well, she's my friend from school. Since nagkaroon ako ng problema kay cloud.. mas lalo kaming naging close. She is not perfect. Medyo maarte sya, medyo makulit. Spoiled kasi, only child. Wag nyo na tanungin kung mayaman ba siya, obvious naman no! Siya ang nagiisang apo ni Fernard Sue, halos ang pamilyang sue ang mga kasosyo namin sa mga negosyo namin. So dont dare to ask how rich she is. "Ano yang maletang dala mo!!" Napasigaw ako sa laking maletang dala nya.. omg! "Overnight ako dito. Nagsabi na ako kay tita, sabi niya kahit one week pa daw!" Umirap sya bago hirap na hirap ipatong ung maleta nya sa kama ko.. "Wow sa mama ko nagpaalam ka pero sa katabi mo matulog di ka nagpaalam.." ganti ko naman sakanya. "I know you need me.." kumindat sya bago tinali ung buhok nya.. "help me, anong mas magandang profile picture sa facebook.." sabi nya habang pinapakita nya ung mga pictures nya. "Omg! Dont tell me pumunta ka dito pra papiliin lng ako ng mga pictures ha!" Hindi ko tiningnan ung pinapakita nya. Nakakainis kasi eh.. pati ba naman un poproblemahin ko.. "Cheer up, mag club tayo mamaya!!" Nagtititili nyang sabi.. "Err..wala ako sa mood" "Same here.. pero madami daw gwapo ngayon" Nagbingi binginan nalang ako bago umalis.. ayoko din kase mag club. Sa ka stressan ko ngayon walang lalapit dahil susungitan ko lang silang lhat. Umupo ako bago tiningan ung picture ni cloud sa phone. Bakit ba kasi hindi pwede? Ano bang mali sakin? Huminga ako ng malalim bago pinikit ung mata.. Mabilis na lumakad ung araw.. at gaya ng dati wala pa din syang pramdam. Wala na din akong nabalitaan sa kanya. "Sky stop!" Pinahinto ko ung kotse nung may makita akong bakanteng lote. Lot for sale. Nakasabit sa bakod.. "Bakit?" Maang na sabi ni sky na pinipilit din silipin ung sinisilip ko. "I like it." Bulong ko "Ung mga d**o?" Sabay tawa nya. Inirapan ko lng sya bago bumaling ulit sa laki ng lugar. May mga matataas na d**o pero nakikinita ko na maganda ito pag natanggal.. "We should start a business!" "Omg!" Biglang pinaandar ni sky ung kotse.. "Ano ba slow down!!" Sigaw ko bago napahawak sa seatbelt ko. "Dont ever think of that again!" Sabi nya bago sinuot ung sun glasses nya. "Hey. Barya lng sayo tong business sky!" Sabi ko bago tumawa. "Money is not a problem. Pero di ko kayang magseryoso.." umirap sya.. "i mean. Hindi ko pa kayang magtayo ng business. Matagal na commitment yan noh! Pano na lang ako makakarampa sa club kung tinetext ako ng empleyado ko dahil may problema sa work!!! Yayyyykss!! Thinking of it made me cringe!!!!" Sabay tili.. "We're gonna be partners! Hindi lang ikaw. I will help you! Naboboring na kasi ako sa bahay. " pag pi-prisinta ko sa kanya. Its true sobrng boring sa bahay si mom and dad busy sa work. Si kuya naman di mo makausap kasi laging nasa kwrto at kasama ung mga kaibigan or kaya naman nasa labas at nakikipag party. Feeling ko ang boring boring ng buhay. I want to make something different. Mamaya-maya tumunog ung phone ko. From: Kuya Thunder Where you at? Hinahanap ka ni dad. Napaisip ako. Ano bang araw ngayon at bat nasa bahay si dad.. oh tuesday! Off nila ngayon!! May plan nga pla kami ngayon na umuwi sa rest house namin sa tagaytay at mag stay doon for 1 day. Huminga ako ng malalim bago nagreply. On my way. Nakatayo ako sa may harap ng rest house namin habang abalang pinapasok ng mga maid ung mga bagahe namin. "Hay. Makakapag relax din." Sabi ni dad bago umakbay sakin. "You should change. Then sabay sabay na tyong kumain. Balita ko niluto nila ung mga paborito mo." Sabi ni dadi bago naglakad. Ngumiti lang ako at tumango. Nakatyo p din ako sa harap ng rest house. Pinikit ko ung mata ko. "Rain." Narinig ko ung malambot na boses na tumawag sakin. Paglingon ko si tita jame and si tito steve. Naka tayo sila sa harap ng kotse nila. Malaking ngiti ung pinakita nila sakin habang kumakaway si tita. Ku..kung andito sila andito din si... cl..cloud? Kahit sa isip ko lng sabihin pngalan nya prang nauutal pa din ako.. Bago ko pa mabuo ung iniisip ko.. biglang pumarada sa likod ng kotse nila tita ung sasakyang kilalang kilala ko. Prang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Lumabas ung lalakeng sobrang gwapo. Nakasuot sya ng sun glsses. Naka tshirt at faded na pantalon. Nakapamulsa sya bago lumapit kaila tita. Ako naman nakatingin lang sa direksyon nila. "Cloud." Mahinang bulong ko. Prang wala na kong lakas pra masambit ng malakas ung pangalan nya. Alam kong hindi niya ako narinig. Humakbang ako paatrs. Nakita kong lumabas si mama sa bahay. At tuwang tuwang nakita sila tita. Nakita kong nagbeso sila at nagbatian. Pero prang hindi ko naririnig mga pinaguusapan nila. Prang ung sistema ko nakatutok lang kay cloud na nakasandal sa kotse nya habang nakikinig sa headphone nya. Parang gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang kamustahin. Gusto kong tumabi sa kanya. Gustong gusto ko. Imbes na hakbang palapit sa kanya, hakbang palayo ang ginawa ko. Nagkulong ako sa kwrto. Parang may kung ano sa sistema ko na gusto syang makita ng mas matagal. Gabi na, kitang kita ko kung gano kasaya sila mom and dad ksama sila tito and tita na kumakanta sa karaoke. And umiinom ng wine sa tabi ng pool. Sinubukan kong hanapin si cloud pero hindi ko sya makita. Ano namaman bang nangyayari sayo rain! Just leave him alone. Hindi ka niya mahal. Kailangan bang ipagsigawan mo pa un sa sarili mo. Naglalakad ako ng matanawa ko ung lalakeng naka sandal sa pader. Direcho ang tingin nya na para bang may malalim siyang iniisip. Lumapit ako.. nanginginig pa din ung tuhod ko hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas para makalipat sa kanya. "C..loud" da best na un. Un lang ang lumabas sakin. God. Ilang bwan kong hindi nakita tong muka ng lalake na ito. Prang nalulusaw ako sa ka gwapuhan nya. "Sup?" Matumal niyang sinabi. "Cloud. Kamusta ka na?" Sawakas nakapagsalita din ako ng hindi ako nauutal. Pinilit kong pakalmahin ung sarili ko kahit sa loob loob ko gusto ng magwala ng lamang loob ko. "Im good" bago pilit na ngumiti. "Di mo na ba ako mahal?" Sheeeeet di ko alam bat lumabas sa bibig ko yun. Ang bobo mo rain. Nakatitig pa din ako sankanya. Prang anytime gusto ko ng tumakbo. Parang anytime gusto kong higupin ako ng lupa. "Forget everything, rain." Tumingin sya sakin bago tumingin sa malayo. ramdam ko ung lamig ng hangin na humahaplos sa muka ko. Walang maingay, kundi ung mga kulisap na nasa palibot namin. "I.. i cant just forget everything. I love you cloud. Alam mo yan. Binigay ko sayo ung sarili ko. Mahal na mahal kita. " nanginginig na ung boses ko sa sinabi ko sa kanya. Pero nakatingin pa din siya ng diretso. Hinawakan ko ung baba nya bago hinarap sakin. Bago ko siya hinalikan.. "I love you Cloud" sabi ko after nun. Pero merong iba sa tingin niya prang may iba. Parang may nagbago. Ano? Wala na ba? Di niya na ba ako mahal? Or di niya naman talaga ako minahal. Tumayo siya ng maayos. Bago tumingin sakin. "You are too young hindi pa yan love!" "Sino ka pra sabihing hindi pa love to! Edad lng lamang mo sakin cloud. Sabay tayong lumaki. Kaya wag mong sabihing sa tagal natin hindi ko pa nakumpirma kung mahal kita o hindi!" Halos psigaw ko ng sabi kay cloud. Halatang parang nagulat siya sa sinabi ko. "Sana nga hindi na lang kita minahal. Sana hindi ko nalng binigay ung sarili ko sayo. Sana nga hindi nalang close ung pamilya natin. Baka mas mabilis kitang makakalimutan nun.. kaso hindi eh. Wala eh.. mahal kita ng sobra sobra." Tumulo na din ung luha na kanina ko pa pinipigilan. "Forget me. Im gonna leave soon." Prang may kung anong pumitik sa puso ko. "Sa..saan?" Parang wala siya narinig. "Saan.." ulit ko ulit.. "Far away from you..." Nakatulala ako sa paguusap namin na iyon ni cloud. Parang naging iba siya, hindi na siya si ulap. Napahinto ako sa hallway ng makita ko si cloud na naglalakad. Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa locker room. "Cloud.." sabi ko nung maabutan ko siya. "What are you doing here? You have class." Matabang na sabi niya bago nakatingin pa din sa locker niya. "Gusto kitang makausap.." "We dont have anything to talk to. " "Yung.. satin cloud." Padabog niyang sinara ung locker nya bago tumingin sa akin.. "Meet me after class. Hindi ka masusundo ngayon ni tito. He called me." Sabi niya bago umalis... Napaupo ako bago nahilamos ung kamay ko sa akin. "I hate you.." bulong ko sa sarili ko. "Stand up.." narinig kong sabi ng isang lalake ni lingon ko kung san galing ung boses.. nakita ko ung lalakeng naka sandal sa locker, habang pinaglalaruan ung susi na hawak nya.. Kasing tangkad siya ni cloud. Nakapamulsa siya habang nakatingin sakin.. Dahan dahan siyang lumapit sakin. Hinawakan nya ung kamay ko bago inalalayang tumayo. "Who are you.." tulala pa din akong nakatingin sa muka niya. Ngumisi siya bago nilahad ung kamay. "Im river, River Montenegro.." Umupo ako bago pinagpag ung dress ko. "Damn you are so beautiful." Ngumisi siya bago pinahid ung luha na tumutulo sa pisngi ko. "Wag ka ng mambola please." Sabi ko bago patuloy pa din sa pag iyak. Humalakhak siya. "Sinasabi ko lng yung nakikita ko." "Saang block ka? Bat ngayon lang kita nakita dito?" "Im a transferee" kinindatan nya ko bago tinanggal ung ilang hiblang nakatakip sa muka ko. Damn! Habang tumatagal siyang tinititigan mas gumagwapo ung mukha niya. He is really handsome. Ang ganda din ng katawan niya. "Saan ka galing school?" Pguusisa ko habang sabay kaming naglakd palabas ng locker room. "Gusto mo malaman?" Ngumisi siya. "Malayo eh." Ngumuso ako bago tumingin sa kanya. "Saan nga?" "California." "Oh i see. Bakit ka lumipt sa pilipinas." "Kailangan eh." Tumango tango na lang ako bago tiningnan ung orasan ko. "Sige malilate na ako sa klse ko eh." "Okay." Ngumiti siya. Di na ko tumingin sa kanya dahil nagmamadali na akong maglakad. "So bakit ka nga nalate?" Tulalang nakatingin sa akin si sky habang nakasalpak sa bunganga niya ung lollipop. "A..h.. kasi kumain muna ako. Di kasi ako nagalmusal kanina bago umalis eh. Hehe" pagdadahilan ko. Hindi ko masabi sa kanya kse for sure pag nalaman niyang sinundan ko nanaman sicloud pupukpukin na ako nito ng martilyo pra matauhan. "Oh. Kumain din ako sa cafeteria eh. Di kita nakita." Maang niyang sabi bago bumaling sa notes kiya. "Di ako sa cafeteria kumain. Dun sa labas ng uni ako kumain." "Ah okay. Kaya pala.." sabi niya bago huminga ng malalim. Tahimik kaming nakikinig sa prof namin na nagsasalita sa harap. Nakita ko si sky na humihikan hikab na. Antukin talaga to. Haha. Mamaya maya nilapag niya na ung ulo niya sa table. "Pahiram ako ng notes mo mamaya." Bulong niya bago pumikit. Tumawa lang ako ng mahina bago nag take ng notes. After ng klase nagmamadali na akong lumabas. Nagpaalam ako kay sky na may pupuntahan lang. pero totoo ay kakain muna ako. Nagutom kasi ako. Di ako nag almusal. Ts anong oras na. Hawak hawak ko ung tray ng pagkain ko bago umupo sa bakanteng table. Tulala p din ako. Naiisip ko nanamn ksi ung nangyari samin ni cloud. Naksuot ako ng earphone habang kumakain. Ayoko muna siyang maisip. Nagulat ako nung may nagtanggal ng earphone ko. Naplingon ako agad. "Hi." Sabi ni river bago umupo sa harap ko. At nilapag ung pagkain niya. "H..hello?" Tulala pa din ako. "Is it ok to join you?" "Okay lang." sumubo ako ng pagkain ko bago tumingin ulit sa kanya. "Sorry ha. Tell me if im bothering you. Wala pa ksi akong ganong kakilala dito. Ikaw pa lang. yung mga clssmates ko naman may sarili mundo and. Mostly mga babae pa sila. Tumawa siya bago kinain ung burger na hawak niya. Lumingon ako sa paligid ng canteen. Nakatingin sa kanya ung mga babaeng kumakain. Halatang nagagwapuhan sa kaniya. May isang babae pa doon sa gilid na sobra ang pagpapacute sa kanya pero hindi niya iyon pinansin. "If you dont mind. Sino ung lalake na kausap mo kanina? Is he your boyfriend?" Maang niyang tanong habang patuloy p din sa pagkain. "His name is cloud. And nope, hindi kami." Nanghihinayang kong sinabi. "Oh so ano pla kayo?" "We grew up together. Close ung family namin ng sobra sobra. Dalaga pa lng sila mommy kaibigan na niya ung family ni cloud." Huminga ako ng malalim. "Mahal ko na siya noon pa man." Umiling ako. "..kaso biglang nagbago siya." Nakikinig lang siya sa kwento ko. Nilabas ko sa kanya lahat ng nararamdamn ko. Tumutulo na nga ung luha ko eh. Mnsn kasi masarap ding mag open sa taong hindi mo gaanong kakilala kasi nakikinig lang sila sayo. Hindi ka nila sisisihin. Pakikinggan ka nila. Nakita kong nagalala siya ng mas lumalim pa ung iyak ko. Pinunasan niya ng tissue ung muka ko. "Dont cry here." Sabi niya. "Baka anong isipin nilang ginawa ko sayo." He tease. "Sorry ha. Sobrang stress na ako talaga." Bago kumuha pa ulit ng tissue bago pinahid sa mata kong hindi mapigilan ung pagiyak. Mamaya maya tumayo na din kami at umalis doon sabay na kaming pumunta ng parking dahil sabi niya dun din daw siya papunta. "S..sige buks na lang." ngumiti ako sa kanya bago. Inayos ung pagbuhat ko ng bag ko. "See you tomorrow, rain." Napahinto ako sa sinabi niya. "Pano mo nalaman ang pangalan ko." Nagulat ako kasi alam kong hindi ko pa nabanggit sa kanya ung pangalan ko. Tumawa siya bago tinuro ung id ko. "Ah s..sige." Sabi ko bago nagpaalam ulit. Naglakad pa ako saglit bago nakita ung sasakyan ni cloud. Dire-direcho na akong pumasok dun. At sinuot ung seatbelt ko. Pag ka tingin ko kay cloud. Nakakuyom ung panga niya bago direcho ang tingin. "..so who's that guy" dahan dahan siyang lumingon sakin. Boses niya palng halos magtindigan na ung balahibo ko. Naptingin ako sa mata niyang ngayon ay nakatingin ng diretso sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD