How time flies.. Masarap alalahanin ang mga panahon kung kelan feel na feel mo na in love ka. Pero pag naiisip mo rin ang panahong naloko ka hindi mo rin mamamalayan na ang luha ay tumutulo na.
"Ano na naman yang ini emote emote mo jan" nakalabing tanong sa kanya ni Amelia.
Simula ng makagraduate sila ng college sa parehong kursong business management ay sabay din silang nag apply at nakapasok na kompanyang pinapasukan.
"Dalhin mo na nga to kay sir Arnold at baka ma high blood na naman yon sa tagal mong tumalima." tukoy nito sa matandang supervisor at may ari ng kompanyang pinapasukan na daig pa ang nagmemenopause sa sobrang sungit.
"Ay oo nga pala. " at nakalimutan pa niya ang inutos ng amo na papeles.
Nakita kasi niya sa mesa ang nakakwadradong larawan niyang kuha noong highschool pa siya and it brought her good and bad memories while looking at it.
"Umayos ka na. Balita ko pa naman me bisita si sir sa office at yon ata ang papapirmahin ng mga papeles na yan."dagdag pa nito.
Mabilis niyang pinunasan ang mukha at inayos ang sarili at mabilis na lumabas ng silid nila at tinungo ang elevator at pinindot ang number 8 sa elevator para puntahan ang amo.
Bago pa lang sila sa kompanya na iyon ay ayaw niyang masabon ng amo. Ayaw niya rin na sabihin nitong palpak siya sa trabaho na madalas banggitin nito sa mga ka officemate niyang matagal ng wala sa kompanya. Prefectionist kasi ito at ayaw nito ang kukupad kupad sa trabaho. Malimit din ito manigaw kaya walang nakakatiis sa ugali nito. Tanging sila Amelia lang ata ang nakatagal rito.
Mahirap din naman kasi maghanap ng trabaho sa ngayon.Kaya kahit ganon ka sungit o magsungit pa ito ay di na niya iindain. Naiintindihan din naman kasi niya ito kung bakit alburoto ito lagi. Malimit ay walang pumapasok na sales sa kompanya at madami pang bayarin kaya mainit lagi ang ulo nito.
Tunog ng elevator ang nagpabalik sa naglalakbay na diwa ni Natalia.Mabilis na katok ang ginawa niya at pumasok na loob ng opisina ng amo.
" Good morning sir! bati niya rito at napansin niya ang lalaking kausap nito na nakatalikod sa kanya.
"O nanjan ka na pala Natalia. Mabuti naman at nahanap mo ang mga papeles na yan."nakangiti pa nitong sabi sa kanya.
"Himala at wala atang regla at sumpong"natatawang sabi ng isang banda ng utak niya.
"Ilagay mo nalang sa lamesa at magtimpla ka ng kape para kay sir Bren mo."tukoy nito sa lalaking kausap.
Mabilis naman siyang tumalima. Kabisado na rin naman niya ang panlasa ng amo na nakailang ulit na rin naman magpatimpla sa kanya ng kape.Mabilis niyang sinalin ang kape galing sa coffee maker at nilagyan ng cream at asukal.
"Wag mo ng lagyan ng asukal yong sakin" lumingon na ang lalaking nakatalikod kanina sa lamesa.
Muntik na niyang mabasag ang basong nabitawan ng makita kung sino ang bisita nito.
"How are you Natalia?Good to see you again!"pormal ang mukha nitong matiim na nakatitig sa kanya.
She was totally shocked at hindi agad makakilos.Hindi rin siya nagsalita kung hindi niya nakita ang mukha ng amo niyang kunot na kunot ang noo sa pagtataka.
"Magkakilala kayo Bren?"tanong nito sa lalaki.
"Yeah, we were schoolmates. Matagal na panahon na. "walang ka emo-emosyong sabi nito.
Why did he sound bitter? tama ba ang narinig ko.
Dinala na rin niya sa lamesa ang kape at inabot sa dalawa.
"Mabuti naman kung ganon at least you can work better dahil kakilala mo pala ang napakahardworking kung employee." pagmamalaki pa ng boss niya.
"Yeah. I think so." bitter na naman ito.
"By the way, Natalia mula sa araw na ito si sir Bren niyo na ang mamamahala sa kompanya.Sa kanya ko naipagbenta ang kompanya but all employees remain in this company. Hindi kayo tatanggalin dahil yon ang kasunduan namin."mahabang paliwanag nito.
"I like the coffee kaso masyadong sweet sa panlasa ko. I like it much bitter. Pwede bang padagdag ng coffee and wag mo na lagyan ng creamer. Salamat."pormal pa rin ito. Agad naman siyang tumalima at kinuha at tasang me kape na hawak nito. Hindi sinasadyang magdikit ang balat at kamay nila at halos mabatukan niya ang sarili dahil halos matapon iyon kung di naagapan ng lalaki.
"My, bakit ba laging mainit ang pakiramdam niya sa balat nito?" lihim niyanng nahamig ang sarili at sinulyapan ang lalaki.
She could not sense any emotion from him besides coldness and professionalism.Nawala na ata ang ngiti nito sa labi.Ngiting lagi niyang nakikita.. noon..
Mabilis niyabg tinungo ang coffee maker at nagsalang ng coffee bean at tinapon na lang ang naatirang kape sa tasa.Nagtimpla siya ng bago ayon sa instruction nito at mabilis na dinala at nilapag sa mesa.
"Masyado naman atang naparami ang coffee bean nitong timpla mo at sobrang pait ng kape pero ok lang sanay na rin naman ako sa pait." komento nito na pormal pa rin ang mukha.
Ewan ba niya pero parang may dating sa kanya ang pagkabanggit ng "pait" nito.
"Sir, Arnold maiiwan ko na po kayo at may gagawin pa ko sa baba."paalam niya sa amo.
"Sure you can go ahead. Salamat."mabilis na niyang tinungo ang pinto. Hindi niya alam kong matatagalan pa niya ang mga pailalim na titig ni Brenan sa kanya.. She could see anger in his eyes.
"Teka nga muna, am I imagining things?" naloloka na naman ata siya. At bakit naman siya magagalit sakin?Pinindot na niya ang button 3 kung nasaan ang room ng department nila.
"Ang tagal mo naman ata.Me regla na naman ba si boss?Tsaka bat parang natuklaw ka ng ahas dyan?" magkasunod na tanong ni Amelia sa kanya.
"Hoy, ano ba bat di ka nagsasalita? Sinesante ka ba? Sabi ko naman kasi sayo tigil tigilan mo na yang kadramahan mo minsan kasi yan ang magpapahamak sayo.O ano, tama ako no? Nasisante ka?" nakataas na anng kilay nito.
"No, hindi po ako nasisante.May nakita lang akong hindi ko inexpect." uminom siya ng tubig at kinalma ang sarili.
"Bakit?Nakita mo na yong ex mo at nagkaganyan ka?" nakalolokong tanong nito.
"Yes." walang gatol na sagot niya.
" What?" naibuga pa nito ang parte ng sandwich galing sa bibig."Di nga?" nanlalaki ang matang tanong nito.
"Yes, totoo. Siya na nga daw ang bagong boss natin dahil sa kanya naipagbili ni sir tong kompanya." paliwanag niya.
"Well then. What a small world. Tsaka siguro panahon na rin para harapin mo siya.Sana lang wag ka na naman magpakatanga." babala pa nito sa kanya.
Hindi nalang niya pinatulan ang sinabi ng kaibigan. Yeah, sana nga ay hindi na naman siya magpakatanga. Nakayanan na niya ang mahabang taong move on kaya naman siguro ay wa effect na ito sa kanya.
"Nag move on ka na nga ba?" parang naririnig na naman niyang tumawata ang subconcious mind niya.
Has she really moved on?
Maayos naman ang turn over na naganap sa kompanyang pinapasukan nila and as promised walang tinanggal sa trabaho gaya ng napagkasunduan.Pero bakit mas gusto na noya atang mag resign ngayong nagpalit na ng may ari ang kompanya.. She fells threatened. Malimit niya kasing mahuli si Brenan na naakatingin sa kanya.At iyon ang tipo ng tingin na parang halos kaluluwa ay binabasa. Lalo na ngayong may bitbit itong kopita na may lamang wine at papalapit sa kanya.Welcome party iyon ng kompanya para sa bagong management at lahat ay mandatory raw na dumalo kaya nandoon sila ni Amelia.
"Hi!" naakangiting bati nito sa kanya. Medyo nakainom na ata ito dahil hindi na tuwid ang lakad.Inilapag nito ang kopita.
" So how are you?" tiningnan na naman siya nito nga matiim na para bang may kung anong inaaninag sa mga mata niya. Bakit ba parang may lungkot sa mga mata nito.
"I'm fine sir.Ok naman ako. Maganda ang party at masaya dahil may band." Sinubukan niyang ilihis ang tingin sa bandang nagpeperform sa stage.Hindi niya kaya ang tingin nito. Magkahalo ang nararamdaman niya sa kasalukuyan. Poot, galit, saya, pananabik..
"Teka, bat nasali ang pananabik?" kinastigo na naman niya ang traydor niyang utak.
"Masaya akong naging ok ka sa kabila ng lahat at you have come a long way dahil ako hindi." walang kagatol gatol na sabi nito.
"If you'll excuse me. Mag papowder lang po ako" Hindi na niya inantay pa ang sagot nito at dali daling umalis sa lugar at tinungo ang powder room.
She needed air.She need to breathe. Tila naninikip ang dibdib niya dahil muli na naman nabuhay ang galit na matagal na niyang kinikimkim.Kung di pa siya napatakbo sa powder room ay malamang nagkalat pa siya sa harapan nito kanina.
How dare him na mangamusta kung ok siya after all these years.. Matagal na niya kinalimutan ang kung ano mang meron sila ng nakaraan and God knows kung gaano kahirap ang ginawa niyang pag move on. Mataman niyang tiningnan ang sarili sa salamin and from there nanariwa na naman ang nakaraan.
Papunta siyang comfort room ng school nila.It was a party made by the campus administrators para sa mga outgoing students ng taon.. Medyo sumasakit na rin ang ulo niya dahil napilitan siyang uminom ng beer na inaalok ng mga kaklase niya kanina.Hindi niya namalayang naparami na pala ang inom niya noon nevertheless matino pa ang utak niya. Behave pa rin siya kabaliktaran ng bff niyang nagwawala na sa dance floor kasama ng iba niyang classmate.. Papasok na sana siya sa loob ng rest room ng maulingan niyang may to sa loob dahil me kaluskos.Curiosity kills ika nga ..Dahan dahan niyang sinilip ang nakabukas na cubicle para masilip ang nasa loob. She saw two figures sa ilalim ng malamlam na ilaw ng rest room and the two were kissing. Parang pinako siya sa kinatatayuan ng cubicle ng malamang si Elaine at Brenan ang nasa loob.
"Brenan.."ngunit mahina lang ang kanyang tinig. Nang ma compose niya ang sarili'y ay dali dali siyang lumayo sa lugar na hilam ng luha ang mga mata. Di na siya bumalik pa sa party at nagpasyang umuwi nalang.
Samantala..
" Please Elaine, tanggapin nalang natin na hindi tayo para sa isat- isa." mahinahon pa rin si Brenan sa harap ng dalaga. Nandoon sila sa rest room ng skwelahan.Maghihilamos sana siya sa mens cubicle ng bigla siyang hatakin nito at papasukin sa rest room ng mga babae. Mabuti nalang at walang tao doon. He could smell alcohol muna rito at basi sa aura nito ay marami na itong nainom.Wala na sa ayos ang damit at buhok nito pati make up at burado na rin. He really pitied Elaine after ng text niya rito. Madalas gumagawa ito ng paraan para magkasama sila at magkausap pero panay iwas niya. Buo na ang loob na sa desisyon niya that night na tinawagan niya ito.. Hindi rin ito makapaniwala ng sabihin niya ritong sila na ni Natalia.
"I know that you still loved me Brenan. I can see it in your eyes. Ako pa rin ang gusto mo at hindi ang hampas lupang si Natalia. Ano ba ang nakita mo sa babaaeng yon at ni kalingkingan ng daliri ko ay di mo maicocompare sa kanya? mapanuyang sabi nito.
"She's nothing but a dumb poor girl in town." Nakita mo ba kung paano siya manamit? God, baduy na baduy and you'd tell me were over?Malamang nagayuman ka lang non. Galing siyang probinsya and I know uso ang witchcraft sa kanila."Please think about it a thousand times. I still love you.Walang iba."itinaas nito ang mga kamay at iniyakap sa likod ng leeg niya and pulled him hard and kissed him.Hindi agad siya nakakilos sa sobrang shock.But he managed to take her arms off him later on.
"Please ayokong maging bastos at ipagtabuyan ka pa. Me pinagsamahan din naman tayo but dont push me to the limit. " I'm sorry i have to go." mabilis noya itong iniwan. Hindi na nita pinansin pa ang pagtawag nito ng pangalan niya.
Bumalik siya sa party pero wala na si Natalia. Umalis na daw ito ayon sa nakakita. Nagtaka siya dahil di man lang ito nagpaalam. Hindi naman nito nakasanayang di magpaalam sa. kanya kapag aalis o may pupuntahan ito.. He asked Amelia about it at ang tanging nasabi nito ay nag rest room daw. "God! Pano kung nakita ni Natalia ang nangyari sa restroom?" mabilis pa sa alas 12 na umalis siya at tinalunton ang daan papunta sa bahay ng dalaga.. Nakausap niya ang tatay nitong si Mang Agustin at sinabing kanina pa raw tulog ang dalaga.. And that was the last time he saw her.Ni hindi na ito umattend ng rehearsal sa graduation at mismong sa graduation ay wala ito.. Kapag bumisita naman siya sa bahay nito ay laging wala ang sagot ng mga magulang.
"Nandito ka lang pala. Bat mo iniwan si prince charming sa labas? " si Amelia ang nagsalita.
"Ikaw pala."lihim siyang nagpunas ng luha.
"Alam mo wala ka na talaga kayang gawin kundi umiyak ng umiyak pagdating kay Brenan. Girl, mahalin mo naman sarili mo.Hindi porke't abot kamay mo na naman siya ay magpapakatanga ka na naman sa kanya. Labanan mo kung anuman ang maaring mamuong damdamin dyan sa sutil mong puso para di ka masaktan.Ipakita mo sa kanya na nag move on ka talaga at wala na siyang epekto pa para sayo.The more na kukunsintihin mo yang puso mo, the more na masasaktan ka lang.Kaya let go and move on." pangaral nito sa kanya.
"Ano ka ba matagal na kung nag move on ano?" pinilit niyang ngumiti.
"Wee, at sinong lolokohin mo? Wag ako ha Natalia. Alam ko kung kelan ka nagsisinungaling.Payong kaibigan at para mo na ring kapatid. Ipakita mo sa kanya na hindi na siya mahalaga sayo at wala ng damdaming nagtatago sa looban ng puso mo. Kahit ano man yan i let go muna." hinagod hagod pa nito ang likod niya.
"Salamat friend." napahikbi niyang niyakap ng mahigpit ang kaibigan.Mahigpit naman siyang niyakap nito.
Sabay silang lumabas ng powder at tinungo abg venue ng party.
"Can I talk to you for a second Natalia" alam niyang si Brenan ang nagsalita. Hindi pa sila umabot sa venue ay sinalubong na siya nito.
"Mauna ka na muna, mew" ang sabi niya sa kaibigan na binigyan siya ng katakot takot na warning look.
"Sure sir." Mabilis siyang iginaya nito sa table na nasa sulok na parte at nakakubli sa malalaafong halaman.
"Sit down."anito at agad naman siyang umupo.Nanginginig na ang tuhod na sa kinikimkim na emosyon pero mas pinili niya kumampante at alalahanin ang bilin ni Amelia.
"I just want yo apolo--"
"Theres nothing to apologize sir. Wala naman ho kayong ginawang masama." she cut him out.Ayaw na niyang mapag usapan pa kung ano ang gusto nitong pag usapan.
"Look, whatever you thought happened years ago ay hindi naman--"
"Again sir, i dont want to talk anything in the past.Hindi na mahalaga sa akin yon.Bahagi nalang yon ng nakaraan at hindi na babaguhin non ang kasalukuyan kahit pa pag usapan natin kaya lets just move away from it.I dont wanna be rude to you but if youll bring it up again ay aalis na ko."pinal na sabi niya.
"Alright then, lets talk about business.Gusto ko na ikaw ang magiging secretary ko simula bukas at ang office mo ay sa office ko." anito.
"What?" nanlaki ang mata niya sa narinig.At bakit niyo naman naisipan na ako ang kuning sekretarya eh nandyan namam ho si Mam Gayle na company secretary ng kompanya.
"Gusto ko ikaw ang magiging sekretarya ko dahil kilala and besides sabi mo nga wala naman sayo ang nakaraan kaya i dont see any problem about that." anitong pormal ang mukha.
"Go on lady tingnan natin kung hanggang san ang kaya mo?" pormal ang mukha ni Brenan pero sa kaloob looban ay ngiting ngiti siya. Alam niyang may pag asa pa at tinitiyak niyang magtatagumpay siya sa plano.
He had been through hell simula ng mawala itong parang bula nong high school sila. He swore, ginawa niya anh lahat para mahanap ito pero wala talaga until