Nakalipas ang isang araw, punong puno ng messages at ang attorney ni Draven ay parting na sa bahay namin, hindi ako makalabas sa kwarto namin, ayoko makipag usap kahit kanino, hindi ko kaya makakita ng ibang tao bukod sa nanay at anak ko. Mas kumakalma ako sa katahimikan ng kwarto, ayoko sana na manatili sa lugar kung saan naalala ko ang asawa ko, pero hindi ko kayang hindi sya isipin at hindi ko kaya na umakto na parang wala lang ang lahat. "Kourtney, please don't lock the door. But I will knock if I will come in," Mama said at binalot ko ang sarili ko sa kumot, hinugot ko ang mga linya ng telephone at pinatay ang phone ko. Ayoko na makarinig ng tawag at miyat miya nila akong ginugulo, bakit hindi nila ako hayaang mag dalamhati sa pag kawala ng asawa ko. Pakiramdaman ko ay masaya sila

