"Tapos na tayo sa mga samples at sa orders na exclusive, may kulang pa ba?" binaba ni Yhra ang payments para sa mga exclusive buyers at sa ngayon ay exclusive orders ang inaasikaso namin. Nasa coffee shop kami ngayon at may saglit na meeting dahil sinabihan ko na ito, baka sa susunod ay maging busy kami para sa venue ng kasal namin ni Draven. At punta kami sa Paris, si Yhra raw muna ang mag aasikaso habag busy ako. She keeo discussing the other details habang nakatuon ako sa laptop ko, iniisa isa ang mga mails sa akin, galing sa company ni Draven. Kumunot ang noo ko sa isang notice at binuksan ko ito, kumabog ang dibdib ko at ang sabi sa report, nag back out ang isang malaking foreign investors namin sa company, no specific reason. Basta na lang sila nag pull out at binayaran ang danyos

