Nakaupo ako sa harapan ng malaking salamin, naka bath robe at ang daming babae na umaasikaso sa akin ngayon. All of them are paying attention at me, naka ayos na ang buhok ko, at ngayon ay nilalagyan na ako ng make up. "Ang suwerte naman ng mister nyo ma'am, ang ganda nyo at mukang masayang masaya kayo." Inabot sa akin ang hikaw matapos na maayos ang make up ko, ngumiti ako at naalala si Draven na nag aayos na rin ngayon, anytime ay mag iisang dibdib na kami. "Mas suwerte ako, kasi ang bait ng asawa ko." Lumakad ako papunta sa gown at inumpisahan na nilang isuot ang gown sa akin, hindi mawala ang ngiti sa labi ko, gusto ko na makita si Draven, pero may pamahiin na bawal mag kita ng ikakasal sa araw ng kasal nila. Sa simbahan na kami dapat magkikita. Kahit nung gabi bago ang araw ng kas

