Nasa harapan ko si Pietho at inaayos ang suot na damit ng anak ko, pupungas pungas pa ito at inaantok pa hanggang ngayon. "Anak, you have to be careful, okay. Dapat laging katabi ang phone para mabilis kitang matawagan, in case of emergency." Tumango naman ang anak ko at kinusot ang mata nito. "Mama, it's too early and I'm still sleepy po." Naawa ako sa saad ng anak ko, kaso ito ang usapan namin, maybe he can sleep when he already meet his father now. "You can sleep when you're there anak, at saka makikita mo na ang Papa mo, so you should be happy and excited, okay?" Nakangiti ko na saad at nakasimangot si Pietho sa akin. "I want you there Mama, huwag mo ako iwanan doon ng wala ka po, I will be sad and I thought you won't leave me this time?" Natulala ako at napanganga sa sinabi ng ana

