Ito ang pinaka matindi na atake ng panic attack at anxiety ko ngayon, it's been four hours matapos umalis ni Navi, gabi na at may emergency sa company, dumaan s'ya za kwarto ko at sinabi na aalis s'ya, at hindi nya alam kung anong oras s'ya makakauwi. Kaya nakaupo ako sa gilid ng pool, dala ang wine, para sana makatulong sa akin na kumalma ngayon, sigarilyo at ang lamig ng tubig sa pool. Hinubad ko ang robe na suot ko at bumaba sa pool, lumagok muna sa baso bago lumangoy, para sana kumalma ako saglit. Ilang araw na at nagiging maayos naman ang lahat, pero hindi ako tinitigilan ng anxiety attack ko. Maayos naman kasi talaga, pero dahil sa ginawa ni Nila sa akin, at sa mga banta na ginawa n'ya sa buhay ko. Nag-umpisa na lumala ang lahat. Dati rati ay kaya ko na ihandle ang sitwasyon na g

