KABANATA 13

2023 Words
Doble ang kaba ko ng lumabas na ang isa sa kablock mate ko na nagpasa ng kulang nya sa sem, ako na ang sunod at kakausapin ang prof ko. Ito na ang last na kausap ko. Pakiramdaman ko ay mawawala ako sa dean's lister dahil hindi ako on time na nakapag pasa. Pumasok ako sa loob ng opisina at ngumiti, yakap ang folder at ang laptop ko ngayon. Umupo sa harao nito. May presentation ako na kailangan gawin para mabawi ang kulang ko noong nawala ako at mga nalampasan ko. "Good afternoon Sir Homer," pagbati ko at binigay ang folder. He is the youngest prof here, kaedaran nito yung prof na nakabuntis ng estudyante sa ibang course at ang alam ko ay talamak ito sa pakikipag relasyon sa mga estudyante nya. "Kourtney, hindi na ako mag papaligoy pa. Hindi ko alam kung mababawi mo pa ang grades na dapat mo makuha kung nag pasa ka ng maaga. This presentation is useless, I am being honest now." Nilapag nya ang folder sa lamesa. Pinag puyatan ko ito, kaya bakit naman ganon. "I will present what I have now. Kahit na hindi ganoong kataasan ang grade na makuha Sir. Basta may makuha po ako na grade," determinado ko na paliwanag ngayon. "There is other way that I can offer, kung papayag ka?" he asked at pinatay nito ang ilaw, bumilis ang kabog ng dibdib ko ngayon at parang hindi ko gusto ang pinaparating nya ngayon. Bago pa ito makalapit sa akin ay tumayo agad ako at sinet up ang laptop ko at kinuha ang notes na binaon ko. "I will present what I have now, and the other way that you are saying Sir Homer. I am not interested, I am fine with the grade that I will have and you will give," may diin ang bawat salita na sinasabi ko ngayon. . Napahawak ito sa buhok nya at bumalik sa upuan nya, nag kibit balikay pero ang tingin sa katawan ko ay hindi pa rin nag babago. Binuksan ko ang ilaw at nag umpisa na mag introduce at pinaliwanag ang mga nasa PowerPoint presentation ko ngayon. .... After fifteen minutes ay may isa pa akong blockmates na nasa loob at kasama namin sa loob, tatlo na kami sa loob at nag papaliwanag ako sa huling slide sa presentation, nakinig naman ng mabuti si Sir at yung kaklase ko na babae ay mukang kabado rin ngayon. "Well, congratulations Miss Kourtney. I will be considerate since you explained it well," saad nito at naka ngiti ngayon, nakipag kamay ako at pinatay ang laptop ko. Nag bow muna ako bago lumabas sa opisina ni Sir. Pagkalabas ko sa opisina ay andoon si Navi sa tabi, may hawak na bouquet ng roses at ang laki ng ngiti sa akin. Instantly, my heart beat went wild and I hug him tight. He is one of my strength why I am working hard on my studies, kung bakit sinisikap ko na matapos ang lahat ng kailangan ko. "Wow, what a nice surprise," ani ko habang tinitignan ang bulaklak na tinaggap ko matapos ko itong yakapin ng mahigpit. Inamoy ang rosas at ngumiti lalo ng may letter pa na nakasingit doon. "I want to congratulate my baby, and you deserve to have a nice dinner with me." Kinindatan ako nito at hiwakan ang kamay ko, intertwined his hands to my hand. Magkawaka kamay kaming nag lalakad papunta sa open field at umupo sa ilalim ng puno, hindi ganon kainit ngayon. Mahangin doon, binaba ko ang bag ko ay sumandal sa puno, may nilabas naman na inumin at pagkain si Navi ngayon. Navi is taking his masteral, at next year matatapos nya na ito. Two years ang kinuha nya at ako naman ay malapit na rin grumaduate, I am excited for the next journey na tatahakin namin dalawa na mag kasama. "I will be busy on the next week baby, may inaasikaso kasi kami ni Mama and she need me too." Inabot ni Navi ang chocolate sa akin at tinanggap ko ito. "I understand naman, baka busy din ako. May tinanggap kasi akong part time pinasok ngayon." I chewed the chocolate after ko buksan, Navi smile at pinapanood akong kumain ng binigay nya. "Ano naman ang part time mo na gagawin?" tanong ni Navi, binuksan ko ang tubig at lumagok, sabi ni Papa ay sumama ako sa kanya sa weekends sa grocery store para mag supervise ng mga empleyado doon, kasi baka umalis si Papa, hindi nya maasahan si Mama doon dahil wala itong balak na mag handle ng grocery store namin. "I will take care of the store, baka mag leave si Papa at mag bakasyon." Nilapag ko ang bote, may pinahid si Navi sa gilid ng labi ko ngayon, chocolate siguro. Nanlaki ang mata ko ng isubo nya ang nang galing sa gilid ng labi ko, nag init ang pisngi ko nagulat at hindi makapaniwala sa nakita ko. I know that Navi and I kissed each other pero nakakahiya, baka may makakita sa ginawa nya! "What the f**k, ang bastos mo!" reklamo ko at tinalikuran si Navi. Holding my chest and taking a deep breath, kung ano anong senaryo na naman ang pumasok sa isipan ko. I want to have a peaceful talk with Navi, ayoko na mag isip ng kung ano. "Why, I already taste that lips of yours. And I almost take you-" Napatili ako at tinakpan ang bibig ni Navi, para hindi matuloy ang sasabihin nya, ang dami nakatingin sa amin at inismiran ko si Navi, natawa ng lumayo akobsa kanya at inismiran ko ito. Patuloy na kumain ng chocolate. Maybe later may meeting kami para sa sports festival sa campus at may kailangan na sumali sa amin. Ako ang tinuturo nila, hindi ako papayag hanggang wala pang meeting na napag uusapan. Hindi naman sa ayaw ko pero ayoko na mag claim agad hanggang wala napag uusapan. "Anyways, any plan for sports festival?" Tinigan ko si Navi at nag kibit balikat, kung hindi ako kasali ay baka mag ikot lang ako aa school. One week ito at may concert kapag tapos ng festival, may parade din kami. "Baka sa kasama ako sa organizer, kaya mas busy ako." Pinahid ko na ng panyo ang labi ko, baka mamaya ay kung ano na naman ang gawin ni Navi, ayoko umabot na dilaan nya ang labi ko. Siguro si Papa ay saka aalis kapag okay na, may manager din naman sa shop, kaya konti lang ang trabaho na gagawin ko doon. "Well, balita daw ay mag concert ang mga sikat na artist, they contact my mom para sa sponsor." Inakbayan ako ni Navi at ngumiti sa akin ngayon. "Mama agreed, kung sasali ka sa sports festival. So expect that they will push you na mag participate sa Ms. Sports Festival," saad ni Navi at natulala ako sa sinabi niya. "What the f**k?" usal ko at nakatulala sa muka ni Navi na ang laki ng ngisi ngayon at para bang inaasar ako sa sinabi nya. "What?" he asked at tumayo agad ng habulin ko ng hampas sa balikat. He laugh hard while looking at my face. "I am looking forward to see you walk on the stage with your chosen costume." Tumakbo ito ng habulin ko. "Ayoko, at bakit ako. Ang daming mas puwede na isali ano. At ako ang isa sa organizer!" sigaw ko dahil ang layo na ni Navi sa akin ngayon. "Trust me, pipilitin ka nila." Tumigil ito at sumandal sa puno. Tumakbo ako papalapit kay Navi at imbis na mahampas ko ito sa braso ay nahuli nya ang kamay ko, kinulong ako sa braso nya at humahalakhak. I burried my face to his arm and dance slowly, this scene is so precious and pure. Wala akong pakialam kung may nakatingin ba sa amin ngayon, ang mahalaga ay masaya ako sa ginawa namin ni Navi. "My baby, so soft and delicate." Tumingala ako at tinignan si Navi sa mga mata nito. He smile and kiss my forehead while hugging me tight. "I will protect you no matter what, because you are the most precious and priceless gem that I treasure the most," he said and his eyes was like talking to me. Hindi ko maiwasan na napangiti at kiligin sa tuwing may sinabi si Navi sa akin. "I will protect you too, papantayan ko ang pag mamahal na binibigay mo sa akin, because you deserve the love and all happy moments with me," saad ko at hinaplos ang pisngi ni Navi, ng haplusin ko ito ay pumikit ito. This man, so rare. "Baby, you don't know how lucky I am to have you. I can't imagine to live without your love and touch." Hinawi ni Navi ang buhok ko na takas at humaharang sa muka ko, dahil sa lakas ng hangin ngayon sa open field. "I love you!" Niyakap ko ng sobrang higpit si Navi, inangat ako ni Navi habang yakap ako ng mahigpit, binaba ng ilang sandali. His face are getting closer to me now. "Hoy, makita kayo ng prof dyan!" Bigla akonh napalingon at kita ko si Sheen na nakapamewang sa gilid at may hawak na folder. Lumapit ito sa amin at hinatak ang kamay ko, palayo kay Navi at napakamot si Navi sa batok nya, dahil siguro sa hiya at may sumita sa landian namin ngayon. "Kukunin ko muna si Kourtney ha, hinahanap kasi si Mayora sa committee. May meeting kami tapos nakikipag harutan sa jowa!" Kinurot ako nito sa tagiliran. I pout and roll my eyes. "Sana all talaga ano, sorry sa abala. Ipag patuloy nyo na lang mamaya after ng meeting namin, salamat Navi!" Hiniklat na ako ni Sheen at nanakbo kami papunta sa gymnasium ng campus at ang tingin nito sa akin at mapang husga. "Kayo ha, hanggang school nilalanggam kayo!" biro ni Sheen at hinawi ko ang buhok ko, nag ayos ng buhok at inipit ito. "Sabi kasi ni Navi I should celebrate my success, at sana ikaw din may jowa," pang aasar ko at sumigaw si Sheen. Nanakbo ako at naunang pumasok sa gymnasium, ang dami nang tao doon. Halos lahat ng andoon ay kablockmates ko. "Ayan, andito na ang kailangan natin sa meeting. Finally makakapag umpisa na tayo!" paliwanag ng president at naupo ako sa harapan. "Kasi naman, nakikipag date kay Navi ang aga pa." Umupo si Sheen sa tabi ko at inabot sa akin ang folder, yung ibang kasamahan namin sa committee ay galing sa ibang course, at yung iba at galit pa rin sa akin. "Akala ko naman kasi after class pa ang start!" pahabol ko at sumenyas na ang president na mag uumpisa na ang meeting, nag lapag na sila ng plano at mga program para sa isang linggong program, lalaban din kasi ang mga varsity player namin at sa school naman ang venue. "On the first day, we will held a Mr and Ms Sporta festival, at ang mananalo ang lalaban sa ibang campus, so kada department ay mag meeting na para dito, at sa closing natin para sa last day ay may banda nang kukunin ang school, alam nyo naman ang tradition ng school when it comes to last day." Nilapag nito ang folder at nag bigay na ng gagawin at pinag hati ang mga kailangang gawin. "Kourtney Alexandra," tawag nito sa pangalan ko at nakapamewang. I laugh awkwardly, I am dead. Ito na ang kinakatakutan ko. Lumapit ako dito at iniwan si Sheen na nakikipag usap sa isang kasamahan namin. "Kourtney, kailangan ka ng BSBA. All of them agreed that you will be the representative-" I cut her off but she also cut me off when I try to explain. "Kasi naman pres-" "And I am not accepting no Kourtney, ikaw ang bagay para sa representative namin. Sino gusto mo maging representative namin bukod sa iyo?" she questioned me at kabado ako. "Si Nila, she is popular!" Kinunutan at tinaasan aki nito ng kilay. "No, hindi ka kasama sa mag aayos ng program. Sa ayaw at gusto mo ay sasali ka, utos yon at hindi pakiusap." Tinalukuran ako nito at sumama sa mga nag uusap, iniwan akong nakatayo sa gilid. I am dead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD