Layana Annika POV:
' Kahit late na akong natulog maaga pa din ang gising ko dahil nga naghanda ako for going to school at sasamahan pa ako ng isang maangas na lalaking kapatid ng kaibigan ko.'
" Mabuti at gising kana. Halika na dito at kanina pa nag aantay si Jobari Calum sayo." Bakit naman ako aantayin ng isang lalaki na hambog at maangas pa. Nakakapagtaka nga at gwapo pa siya kay Dash Magnu. Ano ba itong naiisip ko kahit gwapo siya hindi nalang ako magpahalata na may paghanga ako sa kanya baka mamihasa. " Maaga po akong nagising dahil ngayon po ang punta ko sa university kung saan po ako nag aaral. Ang sabi kasi ni Dash Magnu sa akin na ililipat daw niya ako sa bagong school nila." Ngumiti naman ito at tinuro na sa akin ang kusina. Habang naglalakad kami ay nagpasalamat na ako sa kanya dahil sa pagpapatuloy niya sa akin. " Why you take so long to come at the dining area? Do you like me to carry you from your room up to here huh baby?" Pambihira, hindi ako bata para tawagin niya akong baby. " Hoy, kung sino ka man na hindi kita kilala kung makapagsalita ka sa akin akala mo naman pinuwersa kitang pinapunta dito at sabihang samahan ako sa pupuntahan ko. Bakit ka nagagalit dyan, hindi ko naman dala ang kaldero. Pwede ka kumain anytime. Nakikikain na nga lang tayo dito tapos ganyan ka pa." Naintindihan naman siguro niya ang mga salitan yun. " Whatever, let's eat already I don't want arguement right now." Sino ba kasi ang nagsabi na nakikipag argue ako sa kanya. Nakakaloka ang isang Williams na to. " Kumain na tayo at may pupuntahan pa akong trabaho. Ahm, Annika, sasama ka kay Jobari mamaya dahil may bahay siyang ibibigay sayo malapit sa school mo. Siya na ang bahala sayo dahil siya ang magpapaaral sayo. Pero mag iingat ka dito dahil matinik ito sa babae kahit bata pa sa kanya ng ilang taon." Ang ibig sabihin kahit bata pa sa kanya wala siyang patawad. Nakakatakot naman pala siya. " Don't look at me like that. I won't bite you until you say so okay?" Napakabastos pa ng bibig. Nakakaturn off ang ugali niya. Grrrr, bakit ko ba iniisip ang bagay na yun. Natapos na ang aming kainan at nagligpit na kami ang isang tao nasa sala nag aantay sa amin.
" Saan ba tayo pupunta at hindi naman ito ang daan papauntang university huh Williams?" Tumingin siya sa akin at pinisil ang kamay ko. " Just trust me baby, akong bahala sayo. Besides, you don't want to go to school with that looks. If you dont want somebody to laugh at you then you should make your face more beautiful." Hindi na ako nakaangal pa sa gusto niya. Ang daan pala na tinatahak namin ay papuntang mall. " I don't anyone allow to laugh at you or they may be regret it." Ano ba ang pinagsasabi nitong taong ito? Parang boyfriend lang kung umasta ah. Bakit ba yan ang naisip ko. Dumating na kami sa mall at dumiretso kami sa parlor ng mall. " Hello sir Jobari? Ang gwapo mo talaga." Gwapo daw saan naman banda. " Make her beautiful." Ang sakit naman yata na pagandahin ako dahil ano pangit ako? Bweset talaga itong mokong na ito.
" Is she your sister sir Jobari o new girlfriend?" Ako sister niya? At tsaka may girlfriend ba siya dati na dinala dito? Parang niyamokus ang puso ko sa narinig ko ah? Ngayon ko lang ito naramdaman. " Do what I say, stop questioning me or papaalisin kita dito." Bigla naman nataranta ang parlorista sa inasta ng hinayupak na ito. " Right away sir. Halika na at galit na ang leon sa akin." Bulong naman ng bakla sa akin kaya napatawa ako na siya namang paglingon niya at nagtama naman ang mga mata namin. Ang pudo ko lakas ng kabog at yung paruparo nagtakbuhan sa tiyan ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Matanda siya sa akin at para ko lang siyang kuya bakit ganito ang puso ko.
" Ang gwapo talaga ni sir Jobari noh? Boyfriend mo ba siya? Naku, swerte ka talaga dyan kapag siya ang nakuha mo. Elegante yan at tsaka mapagmahal pa. Ganyan lang yan umasta dahil sa nangyari sa kanya na niloko siya ng girlfriend niya dati. Ngayon, naging babaero na siya." Baklang ito chismosa pala. Pero na hurt naman ako sa sinabi niya. " Paano po siya niloko?" Ayaw kong manghimasok sa buhay pag-ibig niya dati pero curious lang ako. " Karibal niya ang kapatid niya na si Dash Magnu. Tinuhog ng babae ang dalawang Williams pero iniwan din niya ito at luhaan ang magkapatid. Kaya ang nangyari naging babaero siya." Paano naman kaya nalaman ng baklang ito ang nangyari sa Jobari na yun? " Wow, ang ganda mo girl kamangha mangha ang ganda mo. Rare beauty ka talaga. Halika na baka mapagalitan ako dito na matagal ka natapos. Ingatan mo yang mukha mo dahil yan ang asset mo. Huwag ka na pasampal huh.? " Loko talaga itong bakla na ito. " Sir Jobari she's done na po. Tingnan niyo na siya." Jobari was sitting on the chair while waiting for me. I don't know what happened pero he's not blinking his eyes ng nakita niya ako. Feeling ko ang ganda ganda ko sa paningin niya. " P-perfect, thank you so much. This is your tip. Keep the change see you next time." Kinilig naman ang bakla na nagfying kiss ito sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa isang magandang boutique na puro damit na mamahalin. " Cuz, find me a dress that can fit to her." Napatingin sa akin ang babae na tinawag niyang cuz. Magpinsan kaya sila nito? " Wow, kuya she's really beautiful huh? Saan mo naman siya nakita at nakajackpot ka ngayon?" Sabay hagikhik niya. Kuya ang tawag niya ibig sabihin they are relative. " I found her at the Solomon's party. Hindi ko na siya pakawalan pa at siya na ang pakakasalan ko." Marunong naman pala siya magtagalog tapos kung may kausap English ng English. " Seriously kuya? She's too young for you don't you know that? Baka makasuhan ka pa ng child abuse." Ano ba ang pinagsasabi nila tungkol sa akin. " Ito, isukat mo maganda yan sayo dahil matangkad ka at payat. I think it will fit on you. Try it and if you like tell me si kuya ang magbabayad niyan." Ang bait naman niya. Kaya sinukat ko ito at sakto nga talaga sa akin. Ang ganda ko tingnan dito. Lumabas na ako at nagpunta sa pinsan niya. " Wooow, this is impossible. Look kuya she's in a beauty." Yung Jobari naman ay hindi na nagblink ng eyes. " Kuya stop staring at her. If she's an ice cream she already melted sa mga titig mo sa kanya. Saan ba kasi kayo pupunta at pinaganda mo ito." Baliw lang talaga siya sa university lang kami pupunta ginawa pa niya akong model ng school. " Ipapakita ko lang how worthy she is to others. That she's capable to be rich and can afford what she want. From now on you are my girl already. No one will touch you except me. Even my brother Dash Magnu." Baliw na nga talaga siya dahil sa mga pinagsasabi niya. " Finally, you found a right girl for you kuya. Ingatan mo ang kuya ko huh? Masarap yan magmahal kapag hindi yan lolokohin. Tanggapin mo ang offer niya at makikita mo kung paano ka niya iingatan at aalagaan. By the way I am his cousin Amilie Ellery nice meeting you and hope you will both happy." Niyakap niya ako at tuwang tuwa sa sinabi ng kanyang kuya. Hindi ako nakapalag na sinabi niyang I am her girl already. Nakalutang sa ulap ang mga paa ko sa tuwa. May boyfriend na ako pero matanda naman sa akin. Pero kahit papaano ay may taong nagpahalaga sa akin ngayon. " Let's go my love. Cuz, aalis na kami. Marami pa kaming gagawin sa school." Nagwave naman siya sa amin habang nakangiti.