Yessa POV Grabe talaga si Greg. Halos ipagtabuyan nya na ako nung minsang sunduin ko si Aries sa mansyon nila. Hindi ko alam na nandun pala sila ng fiance nya. Nagpaalam lang saglit ang mommy ni Greg para tawagin si Aries. Nag-apply si Aries bilang agent ng sinalihan ko rin na organisasyon kaya madalas na kaming magkita at magkasama. At ngayon nga ay may misyon na naman kaming pupuntahan. Magaling sa pakikipaglaban si Aries kaya naman marami na rin kaming na resolba na krimen. " Uy Yessa mukhang malalim yang iniisip mo. May problema ba?" si Aries " Ayaw na akong makita ni Greg." sagot ko sa kanya. Ang hirap magpigil ng iyak sa totoo lang mabuti nalang at hindi ito tumulo. Ayokong kaawaan nya ako baka magkaroon pa sila Ng di pagkakaunawaan ni Greg. " Eh ikaw? Ayaw mo na rin siyang m

