Yessa POV " Anak palagi nalang masama ang pakiramdam mo. Gusto mo bang mag pa check up?" nag-aalalang mukha ni mama ang bumungad sa akin isang umaga. Katatapos ko lang kasing magsuka sa banyo. Isang buwan na mula ng lumayo kami kay Greg. " Sa totoo lang anak, yang mga nararamdaman mo eh senyales yan ng pag bubuntis pero mukhang malabo naman dahil di naman kayo nagsama ni Greg." si mama ulit " Ma may nangyari sa amin ni Greg!" pagtatapat ko sa kanya. Pero sa totoo lang di ko rin alam dahil nga sa kalasingan ko di ko matandaan pero pagkagising ko naramdaman ko namang may nangyari nga base na rin sa katawan ko na pinuno nya talaga ng kiss mark. " Ha??? Anak paano na? Ibig bang sabihin na mahal ka pa rin ni Greg?" tanong ni mama " Ang sabi ni Althea sa akin hinahanap daw kami ni Greg. Ar

