Yessa POV 2 years later Ang tagal ng nilagi ko sa ibang bansa. Mas pinili kong samahan si Kier kahit alam kong unfair itong naging desisyon ko kay Greg. At ngayon nga ay kababalik ko lang dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong puntahan si mama ba o si Greg.? But I choose Greg dahil na rin sa sobrang na miss ko sya.. Kaya naman dali-dali akong pumunta sa Opisina nya. Dahil sa kilala naman ako ng guard ay mabilis akong nakapasok sa gusaling pag mamay-ari ng pamilya nya. " Hi Steve!" bati ko sa assistant ni Greg. Sa sobrang gulat nya ata ay matagal syang natulala sa akin bago ako binati pabalik " Hi Captain Yessa ikaw na ba yan? Wow mas lalo kang gumanda ngayon. Tiyak na matutuwa si Sir Greg." papuri nya pa sa akin " Thanks Steve. Nandyan ba sa loob si Greg?" tanon

