Napasinghap ako sa lamig ng hangin. Kulang na lang umusok ang bunganga ko. Nakasuot pa naman ako ng manipis na puting dress at umabot lang iyon sa ibabaw ng tuhod ko. Ang kulay puti ko na damit ay halos maging kakulay na ng balat ko. Itinaas ko ang dalawang palad at itinapat iyon sa labi ko para saluhin ang mainit na buga ng aking hininga. Pagkatapos ay pinagkuskos ko ang mga iyon para maibsan ang lamig. My lips are getting redder from the cold. I lick my lips from time to time to prevent it from dryness. Dahil sa lamig ay natutuyo ang labi at lalamunan ko. Ilang minuto na kami na naglalakad sa kakahuyan pero hindi pa sila tumitigil para manguha ng kahoy. Hindi naman malakas ang hangin pero sobrang lamig. Siguro dahil sa mga puno? Mayroon pang araw na sumisilip sa mga dahon pero malamig

