"Bakit ganyan ang itsura mo? Ano ang nangyari sa 'yo?" Salubong sa akin ni Gineth pagkapasok ko sa loob. "Hindi ka nakita ni Ate Elle? Pinapatawag ka at si Kuya Silas ni Lola dahil kakain na." Sinuklay ko ng mga daliri ang buhok ko at mariin na kinagat ang ibabang labi. Bakit ba pagdating kay Silas ang bilis ko magalit. Hindi naman ako ganito, ngayon lang. Siguro dahil ngayon ko lang din naman kasi naranasan ang makipagsagutan at makipagsigawan. Baka ganito talaga ako magalit at hindi ko lang alam. "Kuya!" Napapikit ako ng mariin nang marinig si Neth na tinawag ang kuya niya. Sa likod ko siya nakatingin at mukhang nasa loob na rin sina Silas at Elle. Narinig ko ang mahina na tawa ni Elle nang lagpasan kami ni Silas. Kahit ang kapatid niya'y hindi niya pinansin. Walang lingon likod siyan

