Malamig at basang bagay ang gumising sa akin. Hindi ko gustong gumising at manatili na lang sa madilim na sulok ng panaginip ko. Ngunit ang patuloy na pang-iistorbo ng isang malamig na bagay ay pilit pinupukaw ang diwa ko. I slowly opened my eyes and saw the blurry white ceiling facing me. "Athena, anak! Gising ka na!" Kunot noo kong pinakinggan ang boses na naulinigan. It wasn't my mother who called me 'anak'. It was Manang Lupe's voice. Muli akong pumikit nang masilaw sa ilaw na nasa kisame. Ramdam ko kung gaano katuyo ang lalamunan ko na kahit ang sarili kong laway ay hindi ko malunok. "Apo?" Haplos sa aking buhok ang sunod kong naramdaman. "Dumilat siya kanina, Agustin!" Boses ulit ni Manang Lupe. Umawang ang labi ko at marahan na idinilat muli ang mga mata. Wala na ang puting ki

