Hinatak ako ni Silas palabas. Si Grandpa at Manang Lupe ay sumilip din para alamin kung ano ang nangyayari. Mabilis kong nakalimutan ang iniiyakan ko kanina. Hindi ko pa tuluyang nakikita'y kinabahan na ako sa mga sigawan at putok ng baril. Malakas akong napasinghap nang makita ang mga duguan at nakahandusay na mga tauhan. Kumapit ako sa braso ni Silas at hindi makapaniwala sa nasasaksihan. Muling uminit ang mga mata ko at mabilis namalibis ang mga luha. Hindi ko kayang panuorin ito! Masiyadong brutal! Pumikit ako ng mariin. Ako na naman ba ang dahilan nito? Dumilat ako at halos manginig ako sa takot. Ang mga trabahador na nagkakasiyahan kanina ay nagsisigawan na ngayon at nagtatakbuhan. They are running for their lives! They are running because they are scared to die! Nakabakas ang p

