Wika nito sa seryosong tinig, hindi niya inaasahan nasasabihin nito iyon sakanya. Para siyang mabibingi sa bilis ng t***k ng puso niya ng mga sandaling iyon.
“Po?”
Untag niya dito saka ito na tawa dahilan para mapahiya siya.
“Gusto kita, kasi down to earth kang bata. Alam naming dito sa palengke kung gaano kalakas ang nanay mong kumita. Pero hindi mo pinagmalaki iyon.”
Seryoso nitong sabi hindi niya alam kung score ba iyon para mapalapit siya dito o kung ano.
Tumayo ito sa silya saka hinawakan ang balikat niya dahilan para mapatingin siya doon.
“Goods yan”
Wika nito saka ngumiti at kinindatan siya dahilan para mabaliw na naman ang kanyang puso at sistema. Iniwan na siya nito at saka tinakpan ang bibig dahil sa kilig. Agad niyang nilayo ang kape sa harap niya at sinabi sa sarili na hindi na siya iinom non .
SIMULA ng pansinin siya ni Leo sa tindahan sa palengke ay lagi na siyang pinapansin nito tuwing magkakasabay silang mag-kape. Kung minsan naman magkakape lang siya kapag nakita niyang pupunta na ito sa tindahan. Gusto niya lagging napapansin siya nito kaya naman lalo pa siya naging lowkey na bata. Hinubat niya na ang mga ginto niyang hikaw at kwentas. Maging ang rolex na relo niya ay hindi niya na sinosoot para lalo siyang mapansin ni Leo.
Nahihibang siya sa tuwing kakausapin siya ng lalaki. Hindi niya na naiisip na may asawa at anak ito, pero aminado siyang umaasa na sana mahalata nito na may gusto na siya dito.
“Himala hindi na kape ang iniinom mo
ngayon”
Wika ni Leo ng muli silang magkasabay nito sa tindahan. Pero planado na niya iyon.
“Para lumaki ako, sabi mo diba”
Mahinhin niyang sabi saka ito tumango at nailang siya ng bigla itong tumingin sakanya.
“Gumaganda ka ah”
Wika nito saka siya ngumiti dito.
“Matagal na”
Mataray niyang sabi saka ito na tawa.
“Taray naman, maibatayo may boyfriend kana ano?”
Hindi niya alam kung tanong ba iyon o paghihinala.
“Wala pa”
Tipid niyang sabi, bakit naman siya magjojowa kung ito ang gusto niyang maging jowa?
“Ganon? Eh bakit wala bang ng liligaw sayo?”
Luminga-linga siya.
“Hindi naman kasi ako gusto ng gusto ko”
Napakunot ang noo nito sa sinabi niya.
“Ganon? Sino bayang gusto mo?” Hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ang tanong nito pero sa isip niya bakit pa siya magtatago kung obvious naman na ito ang gusto niya.
“Ikaw”
Natigilan ito sa sinabi niya saka tila na wala ang ngiti sa labi.
“Bolero”
Natatawang sabi nito pero alam niyang pilit lang iyon.
“Tatanong tanong ka tapos hindi ka maniniwala”
Mataray niyang sabi saka humigop ng gatas. Sa isip niya saan siya kumukuha ng kapal ng mukha para magtapat dito ng ganon kabilis.
“Ah, kaya pala panay ang tingin mo saakin. sa totoo lang alam ko naman, pero tatapatin na kita hindi ako na patol sa bakla. Isa pa masyado kapang bata para saakin.”
Nasaktan siya sa sinabi nito. Parang sinaksak ng punyal ang ang puso niya ng mga sandaling iyon.
“Pero ikaw ang gusto ko”
Mahina niyang sabi pero may diin doon. Pinilit niyang tumingin sa itaas para hindi malaglag ang pinipigilan niyang luha. “Bata kapa Carlo, humanap ka ng kasing edad mo. At yung papatol sa tulad mo. Hindi ako homophobic na tao pero hindi talaga ako napatol sa bading.”
Muli siyang nasaktan sa mga sinabi nito saka siya tumayo sa silya dahil ano mang oras ay papatak na ang nangingilid niyang luha.