Chapter 2

2652 Words
"Hi, babe." After hearing those two words, my feet automatically moved. Tumakbo ako papasok ng bahay, pataas sa kwarto ko, papalapit sa bintana kung saan ko siya ngayon sinisilip. Why is he here? How did he know that I live here?! I almost got a heart attack when the door swung open, Mike entered with a glass of milk on his hands. He looked at me innocently, "Are you okay?" "Of course." When I looked out the window, he's already gone. Denise ate dinner here before she left and now, it's already 12 midnight but I'm still up. Busy staring at Eren's portrait. Binigay niya ang address niya kanina. Kung iwan ko nalang kaya 'to sa harap ng gate nila? That would be easier than to be embarrassed right in front of him. Pagod akong tumayo, pumasok sa art room at iniligpit ang mga gamit ko. Itinabi ko rin muna ang portrait ni Eren bago pinatay ang ilaw at lumabas sa kwartong yon. I grabbed my keys and went to garage. Inayos ko muna ang sintas ng sapatos ko bago inilagay sa ulo ang helmet ko. I ride my motorbike then put my keys in the ignition and left the house. The cold air blew harshly making my hair dance with it. Good thing I wore a jacket, I'll surely freeze to death if I didn't. Ilang buwan na rin simula nung huli akong sumakay dito, naalala ko lang ulit dahil sa Eren na 'yon. When I'm already on the top of my favourite hill in this province, I removed my helmet and took a deep breath. Enjoying the fresh air and peaceful night. Sumampa ako sa bakod at umupo, private land ang lugar na 'to pero kahit sino ay pwedeng nag tanim at tumambay. Isa na din ang lugar na 'to sa pinumuntahan ng mga turista dahil sa mga bulaklak na tinatanim ng mga tao na naninirahan sa bayang 'to. Le Hares. Halos mahulog na ako sa bakod nang may lumipad na kwitis sa langit. Sinundan pa iyon nang malakas na sigawan at mga fireworks. My eyebrows narrowed. What's that? Sa pag aakalang mga lasing na kabataan na naman ang nandoon ay iinilapag ko muna sa bakod ang helmet ko bago nag lakad patungo sa lugar kung saan galing ang mga ingay. "Gago, yung grill. Tutumba!" "Teka lang, mainit!" "Yung stand kase hawakan niyo. Paano kayo hindi mapapaso e, halos iyang uling na hawakan niyo!" "Halika, ikaw dito." My lips hung when their grill fell off, nakikita ko palang ang mga nasayang na barbecue ay naawa na ako sa kanila. Aalis na sana ako nang makilala ko kung sino ang mga lalaking nag sisindi ng paputok ay mas lalo akon napa yuko at napako ang mga paa sa lupa. Hanggang dito ay nandito rin sila?! Akala ko ba ay mga taga Graseria ang mga ito? Muli akon sumilip. Mas dumami ata sila? "Ginagawa mo diyan?" My face heated, I screw my eyes shut and let embarrassment eat my system. Isinubsob ko sa mga tuhod ang mukha ko at doon nag mura. "Are you peeing here?" He asked again, the man you named Apollo. Englishero. "No, of course not," nahihiya kong sagot. Tumayo ako, naka takip pa rin ang mga kamay ko sa mukha kong paniguradong namumula na, "I'm sorry. Ugali ko ng tumambay dito kaya nung may narinig akong ingay pinuntahan ko. I thought there's a group of drunk people who's going to set this hill to fire," I explained. I peaked between my fingers, I pouted when he's just looking at me cooly. Di naman siya mukhang galit. "Woi! May nag dala ba sa inyo ng motor? May nakita akong motor doon sa bungad." Kapwa kaming napa lingon ni Apollo sa lalaking sumigaw. He's holding my helmet while scratching his bruised forehead. Si kulas. "May dala si Eren, nandito nga lang. Di satin yon," Pamilyar na lalaki ang sumagot sa kaniya. Hindi ko maiwasang mas mamula nang mag kumpulan sila at i check ang helmet ko. Para silang mga Cave man na nakakita ng apoy. "That's mine," I muttered lowly, not asking Apollo to get it from Kulas. Natuop ako nang sitsitan ni Apollo ang lalaking naka kita ng helmet ko, sa kasamaang palad ay lahat na sila ay napalingon sa gawi namin. Damn. "Sino 'yan?" Tanong sa kaniya ng lalaking mukhang hindi nila kasama nung pumunta sila sa Graseria. "Siya may ari niyang helmet." "Di nga? Sa kaniya yung motor sa bungad?" "It's a gift," tangi kong sagot sa kung sino mang nag tanong para naman hindi nila isipin na ganoon ako kayaman. "Kuya Apollo, baka naman. Promise, akin na 'yun gasolina." "Manahimik ka." Habang nag tatalo ang dalawang ngayon ko lang nakita ay inabot na sa akin ni kulas ang helmet ko. I flashed a sweet smile as he hand it to me, nang mahawakan ko 'yon ay mabilis ko 'yong niyakap. He chuckles, "Relax. Wala akong motor para kunin 'yang helmet mo." "Okay." "Mind me if I'll ask for your name?" "I'm Leira." "Leira, I'm Vitali Nicholas. You can call me Val." "Kulas pwede na." My attention shifted from Val to Eren. He's holding a match and a beer. My mind swirl in haze when our eyes met, those eyes that I almost perfectly sketched were looking at me like I'm a painting of Van De Gogh, curious and amazed. Yeah right, Lei. Mas maganda ka na kay Mona Lisa. Ngingiwi na sana ako nang makitang lumalabas na naman ang dimple ni Eren kahit mukhang sobra na ang pag pipigil niya sa pag ngiti. Napa iwas ako at kay Val nalang tumingin. Bakit parang ang gwapo niya tuwing gabi? Tumikhim ako, "I'll prefer calling you Val." "Ako, pwede mo akong tawaging Eren," he beams. I smiled awkwardly. They all started introducing their self one by one. Hindi ko manlang nahalatang mg kaka mag anak lang sila— I mean, yung iba mag ka mag anak habang yung iba naman ay kaibigan. Nang abutan ako ng barbecue ni Apollo– kuya ni Val ay tinanggap ko kaagad ito. Umurong pa ako pagilid nalang umupo siya sa katawan ng punong matagal ng bumagsak at ginawa na lamang upuan. "You do sketching?" He opened a topic. I nod as I bite on my barbecue, "It's my hobby." I didn't inherited my talent in sketching from my parents. Parehas na hindi gumagawa ng human portrait sila papa, though, engineer si papa pero never ko pa siyang nakitang gumuhit ng mukha. Lagi nalang mga estruktura o kaya'y tanawin. When I was 10 years old, my classmate from fifth grade showed me his artworks. Simple lang guhit lang ang nasa papel nang makita ko 'yon, napa karaming guhit hanggang sa maka gawa na siya ng itsura ng babae. Makalat ang papel, hindi binura ang mga dapat burahin pero ang mga lampas na guhit pa ang nag bigay ng buhay sa isang blankong papel. Inggitera ako noon kaya nag research ako kung paano gumawa ng kagaya ng mga gawa niya. Nagaya ko ang paraan niya, umabot sa puntong natawag niya akong mangongopya sa harap ng mga kaklase namin. Saksaksakin ko na nga sana siya ng lapis nang pumagitan ang adviser namin. From that day, I explored art and my talent. Yes, may talent ako walang makaka alis non. "Seems like you're walking down the memory lain," Apollo's voice ringed in my ears. "Oh," I pushed my hair to back, "I'm sorry. May naalala lang. What I missed?" "I was asking for reasons." "Reasons?" "Why sketching is one of your hobby?" Ilang segund ko muna siyang tinitigan bago mahinang tumawa, "I also love water. Para sa akin at sa mga tenga ko, ang tunog nang lapis na gumuguhit sa isang magaspang na papel ay parehas ng tunog ng tubig ulan na bumabagsak, ganoon rin sa tunog ng tubig na rumaragasa sa ilog, batis at talon. Ang weird 'no?" "Oo, weird talaga 'yon." Napa lunok ako nang umupo si Eren sa pagitan namin ni Apollo. Ngayon mas malapit na siya, amoy niya naman ngayon ang naka agaw ng pansin ko. "Lei," tawag niya. "What?" "Painter 'tong si Apollo. Alam mo kung bakit?" He wiggles his eyebrows. "Kasi gusto niya ang amoy ng pintura?" I joked. "You got it right!" After eating 6 barbecue, Eren snatched my helmet from my hands, "Hatid na muna kita sa motor mo." "What?" I shook my head for sounding so rude, "I mean, hindi na kailangan. May mga ilaw naman–" "I insist. Baka may maka salubong ka pang manyak." I averted my eyes from him when light reflected on his. How could he dominate me like this? "Okay." Ngumiti siya ng malawak bago bumaling sa mga pinsan niyang nag iinumansa tabi, "Hatid ko lang muna si Leira sa motor niya!" "Para namang hahanapin ka namin. Wala kaming pake." They're really harsh. I flinched when he put his arm over my shoulders, he pulled away when he noticed my reaction. "Sorry." I didn't reply. Inunahan ko siya sa pag lalakad. Tahimik lang kaming nag lakad pabalik sa motor ko. Tanging tunog ng kuliglig at naapakan naming bato at kahoy ang maririnig. Tinulungan niya pa akong kayatin ang bakod bago nag salita. "Drive safely." Umangat ang mga balikat ko nang siya mismo ang mag lagay ng helmet sa ulo ko, binaba niyan rin ang barrier non. "Breakfast tayo bukas? Sunduin kita?" When he smiles, I smiled too. Mabuti nalang ay hindi niya nakikita mukha ko dahil sa helmet. "Already got plans for tomorrow, sorry," sinsero kong sabi. Madrama siyang humawak sa dibdib niya at umaktong nasasaktan, "Sakit naman non. Na reject ka agad." "Go see a doctor," I tells him jokingly before driving home. --- "Morning," I greeted my father and my brother Mike when I entered the dining room. Umupo ako sa tabi ni Mike na kumakain na. Hindi pa ako nakakapag sandok ng fried rice ay nag salita na si papa. "When did you got home last night, Leira?" "9 pm po," I answered and placed some food on my plate. "Can I pack some food? I'm going to visit Mago." "Can I sama?" singit ni Mike. saglit kong inalala ang bahay ni Mago. "Nope." Makalat sa bahay ni Mago, di din yon mahilig sa bata kahit si Mike pa ang pag usapan. "How was she by the way?" "Ganon parin, pa." "I see. Be home at 6, we will eat outside with your lolo." Tahimik kaming kumain. Nang matapos ay hinatid na ni Papa si Mike sa school habang ako naman ay pumunta sa bahay ni Mago na nasa ibang bayan pa. --- "You're starving yourself just to finish that. That's a very bad habit," I told Mago as I feed her with chicken. She's holding a stylus pen and finishing her 2nd digital art this morning. Tatayo lang siya para mag banyo tapos ulit uli, harap sa drawing tablet at mag drawing. Kung hindi pa ata ako dumating dito kanina ay hindi pa siya kakain. Correction, hindi ko lang siya dinalhan ng pagkain. Ako pa mismo ang nag susubo sa kaniya ng ulam at kanin. "Masasabi mo pa bang bad habit ang ginawa mo kung iyon lang ang gusto kong gawin maliban sa isabit ang leeg ko diyan sa chandelier?" "Walang chandelier dito." "Bibili." I only rolled my eyes, hiding my irritation due to her words. Her dad died in a car accident 3 years ago. A week after he died, Mago's mom committed suicide by putting a bullet on her head. She didn't realized that her daughter was watching her as she pulled the trigger. Mago watched her mother collapsed and bleed on the floor before finally calling the police. Pag ka punta namin sa bahay nila, naka upo lang si Mago sa tuktok ng hagdanan habang nasa body bag na ang katawan ni Tita Gaia. Mago was staring at the bottom of staircase, barely blinking and not paying attention to her surrounding. By that day, she started ignoring our calls and texts then her maid will call, telling us that Mago was trying to commit suicide. "Mago?" "Yeah?" "Shopping tayo bukas," aya ko sa kaniya, tamad niya naman akong tiningnan. "Ayoko." "Dali na–" she interrupted. "Ayoko pa rin. Nakaka tamad mag lakad." Naka nguso akong nag patuloy sa pag papakain sa kaniya. Bakit kailangan niyang mg pa baby ng ganito? "Gawa mo talaga 'yan?" Mangha kong tanong sa kaniya nang isa isa niyang ipakita sa akin ang mga ginawa niyang digital art ngayong linggo. She looked at me in disbelief, "Mukha bang hindi?" "Sungit mo." "Pangit ka." Mas lalo akong napa nguso. "Picnic daw tayo sa Paritan Falls sabi ni Warren," I said, informing her even tho I know she already know that. Ayoko lang na wala na kaming pag usapan. That's hella boring. "'Ge." "Bili tayo two piece." "Ayoko." "Dali na." "Ayoko." Hanggang tanghali akong nasa bahay niya bago tuluyang umalis. Tumigil ako sa harap ng pedestrian bago inilabas ko anv ibinigay ni Mago sa akin kanina,Tinitigan ko ang hawak kong sira niyang stylus pen na ipinabaon niya pa sa akin. Porke nasira, ibinigay na sa akin. Ano ako? Basurahan niya? Peste. "Kanino 'yan?" "What the f**k!" Bumalas ko sa biglang pag sasalita ng kung sino mang nasa likod ko. Nang lingunin ko kung sino iyon ay bumungad sa akin ang mukha ni Eren. I gulped. "what are you doing here?" Pinanood niya akong ibulsa ang coil pen ni Mago na puno ng kyuryosidad ang mga mata. Kaswal ko lang siyang tiningnan bago inalis ang kamay niya na nakakapit na pala sa bag ko. Mukha kaming mag kuyang nag lalakad dito, siya na hawak ang bag ng nakababata niyang kapatid dahil takot na mawala 'to. Kuya mo talaga siya, gaga. Ilang years ang pagitan niyo. I'm only 18 years old while he's already 24... or 23? I'm not really sure. Mukha kasi siyang 19 lang. Singkit kasi. "Nag lalakad ka mag isa tapos kung ano ano iniisip mo. Baka madisgrasya ka niyan," pangaral niya sa akin, umiling pa talaga siya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa buhok niyang maayos na naka braid, mukhang bagong gupit din siya dahil mas malinis ang ulo niya ngayon. I mean– malinis naman talaga ang ulo niya, lamang lang ngayon. Naka gray lang siyang t-shirt, hindi umabot sa tuhod niyang shorts at rubber shoes. Wala sa sarili akong pa tingin sa pants. Mas mahaba pa ata ng dalawang pulgada ang akin kesa sa shorts niya. "Anong meron?" Tanong niya nang pamansin ang pag tingin ko sa sariling suot. "Wala." I tried to cover my embarrassing act by walking away from him. Sakto na green light na. Humabol naman kaagad siya. Walanya. "Sungit." I didn't responded. "May gagawin ka bukas? Lunes bukas diba? Simba tayo ngayon." That's sweet but no. Uuwi ako para balutin ang portrait niya at hindi para mag simba kasama siya. I mean– gusto kong mag simba pero hindi siya ang kasama. Sa tuwing nasa malapit siya, nakaka gawa ako ng nakaka hiyang pangyayari. "Leira, yoohoo," he tugged my top and tried to cover the exposed skin in my belly, "Grabe, bakit ganito 'tong damit mo? Pambata ata 'to ah." "Short mo nga mas maikli pa sa shorts ko. Di naman ako nag reklamo." I stopped from my track, I covered my face using my hand. I said it loud! Nakaka hiya! "Di ka pa nag rereklamo niyan ha," he taunts me, wiggling his eyebrows with a smile on his lips. Sinamaan ko siya ng tingin bago muling nag lakad, naka yuko na ngayon. Grabeng kahihiyan na 'to. I almost growled when he appeared beside me again. He already got a umbrella, he's also humming a scandalous tune. "Nag research ako," pahayag niya habang nasa daan ang tingin. "Oh?" "Stone pala ang Jacinth," he says, pertaining to the meaning of my second name Jacinth, "Rare pa." He did searched the meaning of my name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD