"Salamat sa pag aalaga mo sa akin Ysabelle," hiyang sabi nito. "Sa dami ko ng mga nagawang kasalanan sayo. Nagagawa mo pa din akong tulungan sa kabila ng lahat ng pagmamalupit ko sayo. Napakabuti mo sa akin," walang ligoy na sabi niya. Napasinghap na lang ako at pinipigilan ang bugso ng aking damdamin. Narito lang ako sa tabi mo dahil gusto lang kita alagaan. Pero masakit pa din sa akin Davis. Ginagawa ko lang ito dahil gusto ko lang iparamdam sayo na mahalaga ka sa akin. Sa loob loob ko. "Ahhmm.... kumain ka na. Nang sa ganoon ay makainom ka na din ng gamot. Sana, tuluyan ka ng gumaling pagkadating ni Safhira," sabi ko dahil ayaw ko ng mapag usapan ang nakaraan. Masaya na ko ngayon dahil matatapos ko na din ang mga problemang kinakaharap namin ngayon. Hangga't nasa puso pa din niya si

