DAVIS POV Apat na araw na simula nang hindi niya na itinutuloy ang pag inom ng gamot pero pakiramdam nito ay nanghihina naman ang kan'yang katawan na hindi na sumasakit ang kan'yang ulo. Mabigat ang kan'yang katawan nang siya'y magising at tinanghali na itong magising. Wala si Safhira ngayon dahil maaga itong umalis ng mansion. Hindi alam ni Davis na makikipagkita ito kay Charisse at wala pa itong kaalam alam sa nangyayari sa kan'ya dahil ngayon pa lang siya mismo kikilos. Kinontak niya muna ang family Doktor ng mga Ellison para suriin ang lagay niya at kung bakit bigla na lang siya nanghina simula noong hindi na ito umiinom ng gamot. Ang lahat na naipon niyang mga gamot ay kan'yang inabot sa kan'yang kuya para masuri kung anong klase ng gamot na kan'yang naiinom 3x a day. Bago pa man

