"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko. Nasa isang restaurant kasi kami at kung titingnan ko naman ang oras ay masyado pang maaga para sa pananghalian. Nilibot ko ng tingin ang loob at masasabi kong it tells something when it comes to design and ambiance. Very friendly kasi lalo na yung kulay blue, green and pink sa palibot nito na parang lumalangoy ang pagkapinta sa pader. May mga halaman din sa paligid samahan pa ng woody chairs and tables kaya very homey ang dating. Siguro ay mga special menus din nila ang mga pictures ng pagkain sa mga walls nila kaya hindi ka na mahihirapan mamili and they seems all delicious. "Andito tayo sa restaurant ng tita ko, kapatid ng papa ko. Kahapon lang kasi nagbukas kaya sinama kita dito para matikman mo mga specialities nila dito. Masarap at healthy

