Napabuntong hininga si Jay. Nami-miss niya na ng sobra ang babae. Sana ay nasa tabi siya nito ngayong masama ang pakiramdam ng dalaga.
He wants to take care of her.
Babalik na talaga siya ng Maynila bukas na bukas din.
***
Maagang umalis si Kim sa Mansiyon. Nagpaalam siya kay Aling Luz na uuwi muna ng probinsiya saglit dahil may aasikasuhin doon.
Pero narito siya sa Hotel kung saan ang entourage ng kasal ng kaibigan ay dito rin mag sta-stay, nauna lamang siya ng dalawang araw.
Pinalitan niya ang simcard niya upang hindi na makatawag si Jay.
She will put everything to end, Now or Never!
Isusumite na lamang niya ang immediate resignation next week.
Tinawagan niya ang kaibigan pero busy ito kahit papalapit na ang kasal, kasi naman kahit napakayaman ng mapapangasawa nito ay hands on pa rin ito sa paghahanda ng sariling kasal.
Nag pasya na lamang si Kim na magpa whole body massage, spa at magpapa hair treatment mag-isa. She deserve to be pampered today.
She will not do anything today aside from pampering herself and eating her favorites.
Bukas baka mag sho-shopping siya mag -isa.
***
Sa kabilang banda ay kanina pa alalang-alala si Jay kung bakit hindi niya makontak si Kim.
Cannot be reach ito.
Kaya nagpasya na siyang tawagan ang kasambahay nila, si Nanay Luz.
Agad naman itong sumagot sa telepono.
“Nay, nariyan ho ba si Kim? hindi ko siya makontak sa telepono niya, kanina pa”, anas agad ng binata.
“Naku iho! siguradong nasa biyahi pa iyon, umuwi sa probinsiya si Kim iho, maaga ngang gumayak kanina. Hindi ba nagpaalam sa iyo?”, nagtatakang tanong ng Ginang.
“H-hindi ho Nay, walang nabanggit si Kim kagabi na maaga pala siyang uuwi ng probinsiya ngayong araw”, sagot ni Jay.
“Baka na-lowbat lang iyon iho! tatawag din iyon sa iyo mamaya!”, wika ng Ginang.
“Sige ho Nay! subukan ko ulit tawagan mamaya-maya, maraming salamat ho!”, paalam ng binata.
Ngunit maraming katanungan sa isip si Jay.
Supposed to be ay magkasama silang uuwi ng probinsiya ngayong weekend.
May nangyari kaya sa pamilya nito sa probinsiya?
Aalamin niya mamaya.
Nag focus na muna siya sa trabaho upang matapos na siya dito at uuwi na siya pabalik ng Maynila ngayong gabi.
Ngunit sa paglipas ng oras ay lalo lamang nag-alala si Jay, hindi pa rin tumatawag si Kim.
Baka may masama ng nangyari nito. At naalala ni Jay ang unresolve case ng Stalker ni Kim.
Hindi maaari ito, kailangan na talaga niyang umuwi sa Maynila at hanapin ang babae.
At naalala na pwedi pala niyang kontakin si Miguel at tanongin kung naroon nga ba ang dalaga doon!
Kaya ay wala ng patumpik-tumpik pang tinawagan ni Jay si miguel. Nag ring ang telepono pero walang sumasagot.
For Goddamnsake! bakit ngayon pa hindi sumasagot si Migs , kung kailan he needed an assurance na okay lang si Kim para hindi na siya mabaliw dito.
“Sab! ikaw na ang magpatuloy dito ha, kunti naman din ang tatapusing trabaho, the Mangoe shipment from Bohol are in-transit right now kaya makakahabol tayo sa deadline at quantity na kailangan.
“Bakit may nangyayari bang masama, Jay?”, takang tanong ng dalaga.
“Hindi ko na naman makontak si Kim. Ang sabi umuwi daw ito ng probinsiya pero kinakabahan ako”, anas ng binata.
“Oh? okay Jay! you go ahead, bumalik ka na ng Maynila, I know for sure hindi ka rin naman makakapag trabaho kapag ganyan, ako ng bahala dito!”, simpatya ng babae.
“Just keep me posted Sab, okay?”, at nagmamadali ng umalis ni Jay upang mag-impaki at bumalik na ng Maynila.
***
Ilang oras pa ang lumipas at nasa Maynila na si Jay.
Naroon na rin ang Secretary niya para sundu-in siya sa airport.
“Sir! I already initiated an investigation gaya ng utos mo!”, sambit agad ni Sam.
Tumango si Jay. Napaka seryoso ng hitsura ngayon ng lalaki, wala ang dating palakaibigan look nito bagamat may aura parin ng authoridad.
“Thank you Sam. I really just don’t understand Kim why she just suddenly disappear like this!”
“Hindi ba kayo nag away Sir? baka nagtatampo lang sa iyo si Miss Dela Cruz at ayaw ka munang kausapin”, anas ni Sam.
Napa-isip si Jay. Mainit nga ang ulo ni Kim kagabi pero hindi naman sila nag-away.
Is there something happened na ikinagalit ni Kim?
Because Kim will not be like this kapag walang nangyayaring ikagagalit nito o ikasasama ng loob.
He suddenly think of Sabrina, she might had pull another prank to Kim.
Kaya naman ay tinawagan niya ang babae.
“Hello! Nasa Maynila ka na Jay?”, sagot agad ng babae.
“Sab, I am very serious right now about Kim’s disapperance. Did you do anything else aside from answering my phone that night?!”, walang pag-aalinlangang sumbat ng lalaki.
“Are you accusing me right now Jay? I didnot do anything aside from answering that Goddamn call!, ganoon na ba ako kasama sa paningin mo Jay?”, tumaas na rin ang boses ng babae.
“I am sorry Sab! It’s not like that, I just cannot think of a reason why Kim did this to me, she just disappear like a bubble overnight!”, nanghihinang saad ng binata.
“I understood, Jay! your emotions are all valid, galing din ako sa ganyan, remember Lucas? he also leave me without a single word!”, puno ng simpatiyang saad ng babae.
“Nag-aalala pa rin ako kay Kim and all at the same time, I am hurting and wondering why she did this to me. Okay naman kami noong huling nag-usap kami sa telepono kagabi!”.
“She might have really a good reason Jay, why she did this, pasasaan ba ay mahahanap mo rin siya, di ba’t empleyado mo rin siya?”, tanong ng dalaga.
“Yes!”, maikling sagot ni Jay.
“Then, she will show up Jay, baka she just need a breather, and will just come back soon”.
“Ang sa akin lang Sab, makakaintindi naman ako kung kailangan niya ng bakasyon, if she needed a breather I will surely will let her, hindi sana ganitong, mawawala nalang siya bigla without any single word!”, may hinanakit na turan ng lalaki.
“You wont truly understand Jay, only Kim’s can explain it to you why”.anas ng babae.
“Huwag ka ng masyadong mag-alala, I know for sure she will show up and comeback to you soon!”, dagdag pa ni Sab.
“Thank you Sab!”,Paalam ni Jay sa kaibigan pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap.