A Secret Admirer

1605 Words
Pagkatapos ng nangyari sa Pool kanina ay parang naging awkward tuloy ang dalawa. Ipinangako ni Kim na iiwasan na ang mga ganoong eksena at pagkakataon. Tumulong na lamang si Kim sa kusina sa paghahanda ng haponan. Habang si Jay ay may ginagawa sa study nito. Wala namang gaanong kailangang gawin o tatapusin si Jay. Nag rereply lamang siya sa mga emails. Parang nahihiya kasi siya sa babae. Muntik na siyang madala sa init ng katawan kanina sa pool. Paano ba naman kasi ang ganda at seksi ni Kim at napakalapit ng katawan nila. Nang yakapin niya ito ay damang-dama niya ang malambot at mainit nitong katawan. Halos mabaliw siya dito. Mabuti na lamang talaga at nakokontrol niya ang sarili. One of these days, baka kung mangyari pa ang ganoong eksena baka tuluyan na siyang madala. Kaya lalakasan niya ang loob at magtatapat sa dalaga, kahit iisipin nitong tinitake advantage niya ang sitwasyon nila. Papatunayan niya ang tunay na saloobin dito. Narinig niya ang mahinang katok sa pinto bago inilugwa doon si Kim. “Jay? tara na kain na tayo!”, malambing na wika ng babae. “Sige!”, at isinarado na niya ang laptop. At naglakad patungo sa babae na nasa pintoan lamang. Hinawakan niya ang kamay nito at nagpatiunang naglakad pababa ng hagdanan. Napangiti naman Si Kim. At hinayaang tangayin siya ng binata. Nawala na ang awkward sa dalawa, bumalik na ang dating masigla at sweet ng dalawa. At least sa paningin at harapan ng matandang Don. *** Kinabukasan. Maagang nagising si Kim dahil may pasok na siya. Si Jay ay mahimbing pa sa tabi niya. Yakap na naman nito ang unan sa pagitan nila. Alas 6 pa ng umaga. Maingat siyang bumaba ng kama at nagtungo na sa banyo para maligo. Pinatuyo na niya ang buhok gamit ang blower na nakita niya sa banyo. Doon na siya nag blower para hindi niya madisturbo si Jay. Pagkatapos ay lumabas na siya ng banyo. Tulog pa rin ang binata. Naupo na siya sa Vanity mirror ng binata na naroon din ang kanyang mga skin care at nag apply na. Nakapagbihis na siya para pumasok sa trabaho. Pagkababa niya ay naroon na rin si Don Franco sa sala, at his usual coffee at newspaper. “Magandang umaga ho Lolo!” bati niya dito. “Magandang umaga naman iha!” anas nito. “Papasok kana? ang aga naman!” dagdag pa nito ng mapansing naka corporate attire na siya. “Maaga po talaga ako lolo, at mukhang malayo po itong mansiyon sa work kaya I need to get ready early”. “Naku! huwag mong alalahanin ang transpo iha, may driver tayo! ihahatid ka ng driver. O di kaya’y may kotse diyan kung gusto mong gamitin”. wika ng matanda. Magsasalita na sana si Kim pero si Jay ang nagsalita, pababa na ito ng hagdanan. “We’ll go to the office together!” wika nito. “Pero, maaga pa Jay. You don’t have schedule until 9 or 10 in the morning.” “It’s okay, atleast I have time now to check ng mga bagay-bagay na nakakaligtaan kung kumustahin”. anas pa ng binata. “Wait for me, okay?” “Sige, tutulong na rin akong maghanda ng agahan”, anas ni Kim. Ang ehersisyo ni Jay na parti na ng araw-araw niya ay ginawa at tinapos lamang niya sa loob ng 20 mins. Pagkatapos ay naligo at nagbihis na rin. Tamang-tama rin na nakahanda na ang mesa pagkababa niya. Simple lang ang agahan nila ngayon. Bacon and eggs, may nilagang manok din. May toasted bread at kanin, at hindi mawala-wala ang coffee. “Jay, I will go back sa probinsiya bukas makalawa, kung wala kayong trabaho sa weekend pwedi kayong sumama sa akin!”, anas ng matanda. “Ay oo nga pala! nakalimutan ko ngang itanong ito sa iyo, Jay!, natanong na ako ni Lolo about visiting province, nakalimutan ko lang!” anas ni Kim. “Wala naman akong importanting trabaho sa sabado. Oo, pwedi tayong bumisita sa province then balik nalang tayo Linggo ng gabi!”, anas ng binata. “Yep! at para mabisita ko rin ang Family ko kahit saglit!” wika ni Kim! “Deal!” anas ng binata. Pagkatapos nilang kumain ay umalis na sina Jay at Kim papasok sa trabaho. At habang nasa biyahi pa ay nakatanggap ng tawag si Kim galing sa police station. May lead na sila kung sino ang stalker ni Kim. Pero nakaalis na raw ito ng lugar kaya hinahanap na ng mga police. Nagpromise naman ang officer na balitaan kaagad ang dalaga kung may progress na. Nagpasalamat si Kim sa officer at ibinaba na ang tawag. Atleast may lead na sila. Hinawakan ni Jay ang kamay ni Kim at pinisil iyon. Wari’y nagsasabing He is always there for her. Ilang minuto pa ay narating na nila ang opisina. Dumiritso sa Parking area ang kotse. Hindi sila sumakay sa pang empleyadong elevator na ikinasiya ni Kim dahil hindi niya alam kung anong paliwanag ang gawin niya kung sakaling may makakita sa kanyang kasama ang boss nila. Doon sila sumakay sa private elevator para sa VIP at Boss lamang. Pinindot na ni Jay ang 18 floor - Top floor kung saan ang Opisina ng CEO. Si Kim ay para sa 12 floor sana ngunit na realize niyang baka kung bababa siya doon at makita siyang doon siya sumakay sa private elevator ay ganoon din naman iyon. Ma ku-kwestyon siya ng malala. Kaya sasama siya ni Jay sa Top floor and from there ay bababa siya gamit ang employees elevator. Kung may magtatanong kung bakit pababa siya imbis na galing sa ibaba ay mag kunyari na lamang siyang namali ng pindot o may dinaanan sa ibang floor. Pagkadating sa Top floor ay nagpaalam na rin siya kay Jay. “See you sa lunch!” sabi pa nito. “Ha? baka may makakita sa atin?”, anas pa ni Kim. “Doon tayo sa malayo mag lulunch. Taya ko! okay?” anas pa ng binata. “Okay!” payag niya dito at nagpaalam na. Pagdating niya sa 12 floor ay kaunti pa naman ang mga tao. Maaga pa rin siyang nakarating. Kinumusta agad siya ng mga chismosang katrabaho bakit leave siya kahapon. Nagdahilan na lamang siyang may sakit para hindi na masyadong pag fiestahan ang nangyaring panlo-loob sa bahay niya. Maganang nag trabaho si Kim sa buong umaga. Hanggang nakatanggap siya ng DM sa office teams. Si Jay! ‘Lunch Break! hintayin kita sa parking area!’ Nagreply na rin siya dito. ‘Okay! I’ll be there in 10mins’ At isinara na niya ang computer. Sumaglit siya sa Rest room at nag retouch. Press powder lang naman at lipgloss. Pagkatapos ay bumaba na ng elevator, pinindot ang basement. “Hi miss Kim!” bati ng isang lalaki sa kanya. Ningitian niya ito. Hindi niya gaanong kilala ang lalaki, mukhang taga ibang department. Pero kapag nag sasalubong sila ay mag ha-Hi ito sa kanya. “Hello!”. balik bati niya dito. “Mag lulunch ka po ba?” tanong nito na parang kinakabahan pa. “Oo!” maikling sagot niya dito. Hindi na nais palawigin ang usapan nila. “Okay lang ba kung sasamahan kitang maglu-lunch? pa lunch din ako ngayon!” “Naku! Sorry talaga! may lalakarin ako ngayong tanghali eh, I will just grab a take out for lunch after!”, sagot niya dito. “ah, okay po. Baka sa susunod na lamang”. Hindi na sumagot si Kim dito. Bagkus ay nagkunyari siyang busy na sa cellphone. At naalala niyang wala pa pala siyang number ni Jay. She’ll get his number later. At sa wakas ay nakarating na sa Ground floor ang elevator at lumabas na ang karamihan. Nagtaka siya bakit hindi pa lumabas doon ang lalaking bumati sa kanya. Ikinabit balikat na lamang niya iyon, baka ay papuntang basement din ito. Pagdating ng basement ay agad lumabas si Kim at hinanap ang kotse ni Jay hindi na niya pinansin ang lalaki na parang sinusundan siya. O baka na papraning lang siya ngayon. Mabait naman ang mukha ng lalaki. Pala smile pa nga. Pero para talagang sinusundan siya nito. Mas nagmadali pa si Kim sa paglakad, habang panay rin ang tingin sa likod kung nakasunod pa rin ba ang lalaki. Hanggang nabangga siya sa matigas na pader? “Ahhg!” na sambit niya. Napaatras pa siya pagkatapos mabangga. Agad naman siyang nahawakan ni Jay. Si Jay pala. Nabangga siya sa malapad na dibdib nito. “You’re okay?” tanong ni Jay sa babae. “O-oo okay lang ako”, pero tinitingnan pa rin ni Kim kung naroon pa ang lalaking nakasunod sa kanya. Sinundan ng tingin ni Jay ang tinatanaw ni Kim. Wala namang tao. “May sumusunod ba sa iyo?”, tanong ni Jay kay Kim. “Iwan ko, hindi ko sigurado pero kanina pagbaba ko sa elevator ay bumaba rin itong lalaki at parang sinusundan ako, o baka naprapraning lang ako Jay, hindi ko alam!” “Let’s found it out!”, at bago pa makaprotesta si Kim na hindi nga siya sigurado ay tumawag na si Jay sa security at hiningi ang Kopya ng CCTV sa elevator at sa basement. “Let’s head out muna, security will send the copy of the cctv footage maya-maya!” anas ng binata. “Okay!” maikling sagot ni Kim. Hinila na siya ni Jay sa nakaparadang sasakyan nito at pinagbuksan ng pinto. Agad naman din siyang sumakay doon. Nagpalingon-lingon pa si Jay sa paligid bago sumakay na rin sa sasakyan at umalis na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD