Jay’s POV.
Dala ang baso at boti ng alak. Narito nga siya sa study room.
Alam niyang hindi siya matutulog ngayong gabi. Paano naman siya matutulog? eh ang babaeng laman ng puso at isipan ay nasa silid niya?
Halos sabunutan na niya ang sarili. Siya din ang nag bigay ng kanyang sariling ‘torture’.
Baka kasi isipin ni Kim that He is taking advantage of their current situation kung hindi siya makakapag control sa sarili.
Ang alam ni Kim ay palabas lamang ang lahat na ito para sa lolo niya.
But God! he wants this to be real!
Paano niya iwawasto ang nasimulang maling approach.
Kung sasabihin niya kay Kim ang totoong nararamdaman niya, maniniwala kaya ito?
O baka akalain din nitong for the show lamang.
Marami siyang agam-agam.
Sa ngayon ay alak na muna ang sandigan niya.
Nang makaramdam ng nahihilo na siya ay bumalik na siya sa silid. Hindi pa naman siya lasing.
Sa loob ng silid ay napansin niyang wala sa kama ang babae.
Natagpuan niya ito sa Sofa, nakahiga na, nakatulog na hawak-hawak ang cellphone nito.
Nakatulog ba ito sa kahihintay sa kanya?
God! why she has this beautiful face that always makes his heart beat faster.
Maganda rin ang hubog ng babae kahit naka maluwang na tshirt ito at short ay naiimagine niya ang magandang hugis ng katawan nito.
Kita niya ngayon ang makikinis at mahahabang legs ng babae.
Napa-iling-iling si Jay. Hindi dapat.
Dumiritso siya sa banyo dahil nagsimula na siyang makaramdam ng init sa katawan.
Naligo na siya. Mamaya na niya gisingin ang babae.
Pagkapasok sa loob ng banyo ay napansin nga niya ang mga personal na gamit ni Kim.
Napangiti siya, para lang din silang bagong kasal, living together at last.
Napailing-iling ang binata sa mga na-iimagine niya ngayon.
Hay naku! tumigil ka na Jay! walang mangyayari hanggat hindi mo aaminin kay Kim ang nararamdaman mo!
Naghubad na siya at dumiritso sa shower. He chose cold shower upang mamulat siya at bumalik ang normal na pag-iisip.
Nahimasmasan naman siya pagkatapos ng mahabang cold shower.
Nagbihis ng sweat pants at tshirt.
“Kim!” pukaw niya sa babae na tinapik pa ng mahina sa balikat.
“Mmm.. anong oras na ba..?” nahimasmasan ito.
“It’s two in the morning, nag hintay ka ba sa akin?” tanong ni Jay sa kanya.
“Sorry hindi ko namalayan nakatulog ako dito. Oo hinintay kita, para kasing Inaapropriate kung mahihiga na lamang ako doon sa kama ng walang abiso”, sagot pa ng dalaga.
“I told you earlier that you can use all the utilities here kasama na doon ang kama”. wika naman ni Jay.
“Still I don’t feel its appropriate”, wika pa din ng babae.
Hinawakan siya ni Jay sa kamay ay wari’y inaalalayan na makabangon at makatayo sa sofa.
“Let’s go na sa kama. Matulog ka ng maayos doon baka magka stiff neck ka pa diyan!”
Hindi na umalma si Kim.
Kinuha pa ni Jay ang comforter at sininyasan si Kim na sumampa na sa kama at mahiga. Sumunod naman siya dito.
Nang nakahiga na siya ay maingat na inilapag ni Jay ang comforter sa kanya. Para hindi siya lamigin sa aircon.
At pagkatapos ay umikot ito sa kabilang gilid ng kama at pumasok na rin sa comforter.
He placed a big pillow between them.
“Baka hindi ka magiging komportable kaya may boundary!” anas niya sa babae pero more for himself.
Natawa naman si Kim.
“Sure! thank you!”, wika ni Kim.
“Goodnight Kim! sweet dreams!”
“Goodnight Jay! sweetdreams too!”
At pinatay na ni Jay ang ilaw.
***
Kinabukasan.
Nagmulat ng mata si Kim. Muntik pa siyang magtaka bakit nasa ibang kwarto siya. At naalala niyang nasa bahay pala siya ni Jay.
Tiningnan niya ang lalaki sa tabi. Mahimbing pa itong natutulog.
Mas gumuapo yata ito sa tingin niya with his magulong buhok, it’s giving the image of a bad boy look.
Minasdan niya ang mukha ng lalaki. He has this beautiful face pero masculine. Makapal na eyebrows, magandang mata, matangos na ilong at maninipis na mga labi. At alam niyang malambot iyon dahil nadama niya iyon noon ng minsan pang halikan siya ng lalaki sa gilid ng labi niya
Napabuntong hininga ang babae. How she wished, tutuhanin na lamang nila ang pagpapanggap na ito.
Pero hindi niya pa rin alam kung gusto siya ng lalaki. Ayaw nitong maikasal sa hindi mahal kaya nga they pulled this show up to stop the arranged marriage.
Baka komportable lang si Jay sa kanya kaya siya ang napili nitong gumanap as fiancee.
At napansin niyang ang malaking unan na inilagay sa gitna ay nawala na. Yakap na ito ng lalaking naglagay noon.
Napangiti na lamang si Kim.
Sa ngayon ay komportable naman din siya.
Masaya siyang kasama na sa wakas ang lalaking gusto takasan at kalimutan ng mahabang panahon ngunit sa huli ay babalik din naman pala siya sa buhay nito.
Bumaba na siya ng kama at dumiritso sa banyo upang mag toothbrush at maglinis ng katawan bago bumaba.
Nagpalit na rin siya ng damit.
Paglabas niya ng banyo ay tulog pa rin ang binata.
Alas 7 na ng umaga. Anyway, may-ari naman ito ng kompanya kaya hawak nito ang oras.
Kaya hinayaan na niya itong matulog pa.
Pagbaba niya ay nakita niya ang matandang Don sa Living Room, nagbabasa ng newspaper habang nag kakape.
“Magandang umaga po, lolo!” bati niya dito.
“Magandang umaga, iha! kumustang tulog mo?”, tanong pa nito.
“Maayos naman po, komportable po ako!”, sagot niya sa matanda.
“Mabuti naman iha! Tulog pa ba si Jay?”, tanong na naman nito.
“Opo tulog pa po!” sagot niya.
Tumango ang matandang lalaki sa sagot niya.
“Samahan mo akong mag kape iha!”, pag-imbita ng matandang lalaki.
Akmang tatawag na ito ng kasambahay para ikuha ng kape si Kim pero pinigilan niya ang Don.
“Huwag na po ‘lo! ako ng magtimpla ng kape ko! sandali lang ako!” at naglakad na siya patungo ng kusina.
Sa kusina ay busy ang lahat sa paghahanda ng agahan.
“Magandang umaga po sa inyo!” bati niya sa mga kasambahay na busing-busy.
Dumiritso na siya sa coffee maker. Kumuha ng Cup at nagsalin.
“Magandang umaga po maam!” halos magkasabay na bati ng mga ito sa kanya.
“Naku! huwag niyo na akong tawaging maam, Kim nalang ho!”, anas niya sa mga ito.
Nagtinginan ang mga ito, “Naku! maam, baka pagalitan kami kung sakali!”, anas pa ng isa.
“Hindi no! basta hindi niyo kailangan na tawagin akong maam, okay?”, sagot na lamang niya sa mga ito.
Tumango nalang din ang mga ito sa kanya.
“Ang dami niyo namang niluluto, may bisita ba silang dadating?”
“Wala naman siguro, iwan namin basta utos lang ni Don Franco na lutuin lahat ng paborito ni Sir Jay!”, sagot ng isang kasambahay na nasa middle age na.
“Ah! sige po, tutuloy na ako, kukuha lang ako ng kape!”, paalam niya sa mga kasambahay.
Tumango naman ang mga ito sa kanya.
Bumalik na siya sa sala dala ang tasa ng kape sa kamay.
At naupo sa katapat na upoan. She grabbed a magazine at tinitingnan ang mga larawan doon habang nagkakape.
“Iha! uuwi na ako ng probinsiya sa susunod na linggo, baka gusto niyo ring magbakasyon kahit saglit doon, makalanghap man lang kayo ng preskong hangin doon!”
“Sasabihan ko si Jay, lolo!” anas niya sa matanda.
Maya-maya pa ay bumaba na rin si Jay. Gising na pala ito.
Naka-sando na ito ng kulay itim , the same sweat pants at may bitbit na maliit na tuwalya sa kamay.
“Kim, would you like to join me sa Gym?”, tawag nito sa kanya habang papalapit.
Napatingin naman si Kim sa lalaking papalapit.
Na-patulala yata si Kim sa nakita. Hindi siya nakasagot kaagad.
Kasi naman, ang macho-macho ni Jay nakasando lamang ito na bakat na bakat ang mga muscles at kitang-kita ang mapuputing balikat.
“Ahm.. Sige! pero hindi pang Gym ang suot ko Jay!” sa wakas ay nasagot niya dito.
Nasa harapan na niya ang binata ngayon.
“Its okay, narito lang naman sa bahay ang Gym, tayo- tayo lang!”, anas pa nito.
“Ah, okay! sige tara!” excited na wika ni Kim.
“Lolo, excuse ko muna si Kim ha!” paalam ni Jay sa lolo niya.
“Walang problema. Tawagin ko nalang kayo mamaya sa agahan!” sagot ng matanda.
“Thank you ‘Lo! at magandang umaga!” Bati niya sa matanda at nauna na siyang naglakad patungo sa Gym.
Sumunod na si Kim kay Jay.
Pumasok si Jay sa isang silid na nasa bandang kanan ng mansiyon.
At iyon na nga ang personal Gym ng binata at komplito ito sa mga Gym equipments.
“Wow! Komplito talaga ah! kulang ka nalang ng instructor at pwedi ka ng magbukas ng Fitness Gym!”
Natawa naman ang binata.
“You can use this gym as you like, okay?” anas pa ng binata.
“Thank you!”, sagot niya sa binata habang nagsisimula siyang icheck ang treadmill.
Habang si Jay ay nagpunta din sa weight lift bar at pumuwesto na doon.
Humiga na ito sa bench press, he lift the heavy bar and started pumping upward.
Nanood lamang si Kim sa ngayon ay busy na na binata.
Halos siguro tumulo na ang laway niya sa nakikitang kakisigan ng binata habang nag eehersisyo.
Pero of course she hid it as much as she can.
She decided to try the treadmill para madivert ang attention niya.
Kaya binuhay na niya ang makina at nagsimula sa slow pace, normal na lakad lang.
Nag focus na siya sa paglalakad sa treadmill, hindi na niya inattempt na tingnan ang lalaki na nakita niya kanina na tapos na sa barbel.
Dilikado.
Pinindot pa ni Kim ang isang button ng treadmill at patakbo na ito ngayon.
Nang midyo hiningal na ay binalik niya ito sa slow pace palakad na naman.
Nakita niya sa gilid ng mata niya na ang binata na nag pu-push up na ngayon.
Maya-maya pa ay midyo napagod na si Kim kaya she decided to turn off the treadmill.
Hindi na siya gumalaw, She let the last slide bring her to the edge, at doon na siya tumalon pababa, ngunit muntik na siyang matumba ng pagkalundag niya ay naroon na pala sa likuran niya si Jay.
Nayapos naman siya ni Jay mula sa likuran , para hindi siya tuluyang matumba.
“Ahhg..!”, nagulat si Kim.
“Be careful!” bulong nito sa kanya sa may bandang tainga niya.
Naramdaman niya ang mainit na hininga ni Jay sa bandang leeg.
Hindi alam ni Kim bakit libo-libong boltahi ang dumaan ata sa katawan niya ng dahil lamang sa simpleng paglapit ng katawan nila.
Hindi siya binitawan ni Jay kahit ilang segundo na sila sa ganoong posisyon.
Hanggang narinig nila ang tawag mula sa labas ng gym na breakfast is ready.
Si Kim ang unang kumiwala sa bisig ni Jay.
“Sorry hindi ko namalayan na nariyan ka pala sa likuran ko!”, dispensa niya dito.
“It’s alright. Parang focus ka kasi masyado sa ginagawa mo at hindi ka sumasagot sa akin, kaya nilapitan na kita”, wika ng binata.
“Lumipad lang siguro ang isip ko habang naglalakad sa TreadMill”, anas niya.
“Tayo nang mag breakfast?” imbitasyon ng binata sa dalaga.
“Tara! at gutom na rin ako!”, sang-ayon niya dito.