Ang mga nagdaang araw ay laman ng mga local balita ang controversial na nangyayaring corruption sa paaralan.
Naging abala si Jay sa mga paglilitis at mga bagong pamamahala sa paaralan. Maraming empleyado ang natanggal particular sa Accounting and finance, Pati sa HR and It dept dahil nakikipagsabwatan ang mga ito para subukang pagtakpan ang mga korupsiyon doon, ang iba ay inilipat sa ibang departamento.
Sa kabila ng mga gulo sa paaralan ay patuloy parin naman ang pasok ng mga kabataan. Dahil sa internal office naman ang gulo at hindi nakakaapekto sa pagtuturo.
Ang uncle Joe niya ay umamin din naman sa nagawa dahil hindi na nakapag deny ng inilabas nila ang call recording nila ni Mrs Fernandez, ang usapin pa ng dalawa na na-capture ay patungkol sa ginawa nilang maninikil ng pera kaya walang kawala talaga.
Ang pinsan niyang si Jack ay minsan pang nagmamakaawa na patawarin na rin ang amang may edad na rin sa nagawa nito.
Ngunit hindi siya nagpatinag at dapat pa ring managot ito.
Ang lolo niya ay hindi rin makapaniwala at nalulungkot sa nangyayari.
Ang amang nasa ibang bansa ay nag desisyon ng tuluyan ng pagpapahingahin ang amang matanda na, si Jay na ang magpapatuloy sa pagpapalakad sa paaralan.
***
Sa kabilang banda ay masaya si Kim na sa wakas ay nalutas rin ang korupsiyon ng paaralan niya at sa wakas ay maisaayos na ang pamamalakad nito.
Sa maikling panahon ay ramdam nila ang pag-unlad ng paaralan. Kabila-kabila ang pagsasaayos ng mga sirang facility, kagamitan at may mga kurso pang dinagdag sa susunod na semester.
Bihira lang silang magkita ngayon ni Jay dahil sa kabila-kabila ang mga appointment ng lalaki. Busy ito dahil sa mga pag unlad na ginagawa sa paaralan. Maraming new hire ang paaralan dahil sa mga natanggal noon. Kaya naman ay may mga meeting si James halos araw-araw.
Inaamin ni Kim ay namimiss niya ito, kung noon ay pilit niyang idenideny ang saloobin dahil sa hindi pa siya sigurado dito ngunit ngayon kung sakali mang mag bibigay hint ang lalaki ay baka siya pa ang manligaw dito.
Biro niya sa sarili. Hindi na niya kailanman idedeny ng saloobin para sa binata.
Nang araw na iyon ay maagang natapos ni Kim ang pinapagawa sa kanya kaya ay balak niyang silipin si Jay sa opisina.
Ngunit hindi pa man siya nakarating sa opisina nito ay nakita na niyang may babaeng seksi na pumasok sa opisina ng lalaki.
Parang nakita na niya ang babaeng iyon. Ito yung noong sa convenient store kasama ng binata.
Awtomatikong napaatras ang dalaga.
Oo nga pala, nalimutan na naman niya ang status gap nila ni Jay. At ofcourse ay bagay ito sa kaparehong maganda at mayaman.
May kirot sa pusong naglakad palayo na lamang ang babae.
At itinanim sa puso at isip na wala talagang sila at hindi magiging kailanman.
****
Busy sa pagtipa ng laptop niya si Jay. Malapit na siyang matapos sa ginagawa , minadali na niya ito dahil balak niyang hintayin si Kim sa labas ng eskwelahan.
Hindi na niya nakikita ang dalaga, at alam niyang busy din ito sa trabaho sa eskwelahan. Hindi pa siya pormal na nakapagpasalamat sa lahat ng naitulong nito sa kanya, kaya ngayon ay iimbitahan na niya itong mag dinner sa labas.
Napatigil sa pagtipa si Jay dahil may kumatok, wala naman siyang inaasahang bisita sa ngayon.
Hindi pa siya nakasagot sa katok ay pumasok na ang kung sinoman iyon.
“Hi Kuya Jay! the always busy!” narinig niyang sambit ng pumasok at ngayoy nagkalakad na patungo sa mesa niya.
kahit hindi pa siya mag-angat ng mukha alam na niya kung sino ang hindi welcome na bisita.
“Why you’re here?” tanong pa niya dito na hindi nga nag angat ng mukha.
Malakas na inilapag ng bunsong kapatid niya ang dalang drinks at fried chicken.
Na ikinagulat pa ng lalaki dahil pati ang laptop niya ang bahagyang lumipad sa malakas na hampas sa mesa.
“To eat here! and if you would like to join me then you are welcome”, sagot pa nito.
“Okay! I’m almost done here! kailan ka pala dumating?”
“kaninang umaga lang, na bored ako sa mansiyon kaya naglibot-libot ako, and since hapon na ay sasabay na ako sa iyo pauwi!”
“You’re really good at bad timing!”
“Ha? bakit?” tanong ng dalaga. “Bakit ako bad timing?” dagdag pa nito.
“Dahil may lakad ako ngayon pagkatapos nito”, sagot ng lalaki.
“Sama nalang ako sa iyo please…” pagmamakaawa pa nito sa kanya.
“Nagdala ka ba ng kotse o nagpahatid ka lang?”
“Nagpahatid lang ako, kaya nga sasabay na akong uuwi sa iyo eh!”, nagmamaktol na ang dalaga.
“Okay fine! ihahatid nalang kita sa bahay!”
“How about your lakad?” tanong ng babae.
“I will find a way!” anas ng binata.
***
Sa kabilang dako naman ay malungkot na naglalakad si Kim patungong sakayan.
Nagmumuni sa mga bagay-bagay sa buhay!
At ipinangako niya sa buhay na magsusumikap talaga siyang maiangat ang sarili at pamumuhay.
Nasa waiting area na rin siya ng sakayan ng jeep. Nang tumunog ang cellphone niya.
Kinuha niya ito at tiningnan kong sino ang nagtext.
Para yatang lumukso ang puso niya ng makita ang pangalan ng lalaki.
Binuksan niya ang mensahi doon.
‘Where are you? Are you heading home?’
Teka na wrong sent ba ang binata? diba may kasama ito ngayong babae?
Hindi niya nireplayan iyun, baka kasi ay wrong sent lang.
Ngunit may text na naman.
‘Kim?’ pangalan lang niya ang naroon.
Siya talaga ang kinakausap ni Jay sa ngayon.
Ano bang gusto nito?
May kasunod pang text.
‘If you’re outside, please wait for me!’, ang last text na natanggap niya.
Hihintayin ba niya ito o sasakay na?
Nagdesisyon siyang hintayin ng mga 5 mins.
Kung lalampas ay sasakay na siya ng jeep.
Husto namang dumating ang isang Kevin, isa sa mga makulit at hindi pa rin sumusukong manliligaw niya. Kahit anong taboy ay pinipilit pa rin ang sarili.
“Thanks God! at naabutan kita, Kim!”
Maydala pa itong bouquet. At akma na sanang ibibigay sa kanya.
“di ba sabi ko sa iyo ay hindi ako tumatanggap ng flowers, sayang lang ang pera, sana’y hindi ka na gumastos!”
“Hindi! may extra ako! sana ay tanggapin mo na ito kahit ngayon lang, Kim. Kasi aalis na rin naman ako, next week ay mag sisimula na ang apprenticeship ko sa barko. Matagal-tagal din na hindi ako uuwi. At sana sa pagbalik ko’y may pag-asa na ako sa iyo Kim. Sana ay bukas na ang puso mo na tanggapin ako!”
Naantig naman ang puso ni Kim. Aaminin niyang Cute si Kevin, chinito at parang koreano ang beauty, nararamdaman din niyang sensero ito sa kanya, pero wala talaga siyang maramdamang espesyal dito. Naging honest naman siya sa binata para hindi na umasa, sadyang makulit lang talaga ito.
“Naku! makukunsinya pa ako nito Kevin pag diko tatanggapin. Kaya sige! akin na iyang bulaklak!”, sagot naman niya dito.
Na labis na ikinasaya ng binata. Halos lumundag pa ito sa saya kahit tinanggap lang naman niya ang regalo nitong bulaklak.
Maganda ang bouquet at siguradong mahal din ito.
“Salamat dito at mag-iingat ka sa barko”, tanging na sabi niya.
Tiningnan niya ang relong pambisig, lapas 5 minuto na. At nakita nga niya ang kotse ng binata sa di kalayuan, naka park, bukas ang bintana kaya alam niyang ang binata iyon.
Kakaway na sana siya dito ngunit ay biglang bumukas ang bintana sa likuran at doon nakita niya iyong maganda at seksing babae na nakasakay ngayon kasama ng binata.
Kaya imbis na kakaway dito ay hinigpitan niya ng hawak ang mga bulaklak at matamis ang mga ngiti na sinasagot ang mga katanungan ng binata sa harapan, kahit naiinis sa kaloob-looban ang dalaga.
‘Pwes! kung may kasama kang babae ngayon eh di ako din sasama ako kay Kevin para patas tayo! Hindi lang ikaw ang narunong makipag date, mag da-date din ako!’ , sa loob-loob niya.
Kinain na ng selos ang buong sestima niya.
“Kim?”, tawag ni Kevin sa kanya ng hindi na siya sumasagot at parang nasa malayo nakatingin.
Natauhan naman si Kim sa tawag nito.
“Ano ulit iyon, Kev?” tanong niya sa binata dahil wala siyang naalala sa tanong nito.
“Sabi ko, Pwedi ba tayong mag meryenda sa kahit sandali at sa malapit lang?”,
Nakita naman niya ang babae sa loob ng sasakyan na dumukwang mula sa backset at from her point of view at sa anggulong nakita niya ay parang She is kissing him .
Napayuko si Kim sa naiisip. At tumango sa lalaking kausap.
“Sige! maaga pa naman, tara!”
Labis labis naman ang saya ng lalaking kausap ni Kim. Halos maglulundag ito. Kasi naman ay parang may miraglong nangyayari na napapayag niya si Kim na kumain sa labas. Dati-rati ay ni hindi nakikipag-usap ito.
Kaya naman ang lalaki ay sinasagad na ang sandaling iyon.
Nagpatiuna na si Kim sa paglalakad patungo sa Malapit na karenderia. At sa sulok nga ng mga mata niya ay nakita niyang umalis na ang sasakyan ng binata, mabilis nitong pinasibad ang kotse.
Napabuntong hininga si Kim.
Pagkadating niya sa karenderia ay hinarap niya si kevin.
“Sorry Kevin, biglang sumama ang pakiramdam ko, I am sorry! uuwi nalang ako, hindi na kita masasamahan sa pagkain! Pero salamat talaga sa oras at sa magagandang bulalak na ito!”
“Ha? gusto mo bang ihatid na kita sa inyo? o baka sa hospital samahan kita!”
“Oa mo naman hospital agad. Pagod lang siguro ako. Sige ha! mauuna na akong umuwi, mag-iingat ka palagi!”, at tuluyan na nga niyang tinalikuran ang binata na nakaawang pa ang mga labi sa labis na pagtataka. Bigla-bigla nalang kasi nag shift ng mood si Kim.
Dumiritso pa ng sakay ang babae sa nakaparadang jeepney na handa ng umalis kaya hindi na ito nakahabol pa.