Lumipas pa ang mga araw.
Nakahanda na ang lahat ng mga ebidensiya na nakalap nila ni Jay at Kim.
He also invited few Auditors from COA na legit na magko-conduct ng auditing nila.
Ngunit hindi pa man dumating ang mga Auditors sa araw ng iyon ay nakatanggap ng alerto ang binata na may kaguluhan sa Financial department, kaya dali-dali na siyang pumunta roon.
***
Pagkapasok palang ni Kim sa opisina ay agad na siyang hinarang sa pintuan ng iilang mga trabahanti sa departamento nila, ang isa ay galit na galit si Mrs Fernandez.
“Ms Dela Cruz! hindi ba ikaw ang inatasan na iretrieve lahat ng mga receipts? bakit maraming nawawalang recibo? alam mo ba kung anong mangyayari kapag inaudit tayo at wala ang mga iyun? huh?”, pagbubulyaw nito sa kanya.
“Mrs Fernandez, maingat po ako sa mga recibong na retrieve ko, walang labis at walang kulang po iyun, maingat po iyung naka file at naka encode, ano pong merong nawawala? aanhin ko ba ang mga recibong iyun kung sakali mang itinago ko ang mga iyon?”
“Wala namang ibang humawak ng mga iyun kundi ikaw lamang, baka may kasabwat ka dito na wasakin ang mga recibo? at ipahamak kami?”
“Ha? Ms Fernandez naririnig niyo ho ba ang sarili niyo?”
At bigla na lamang nag labas ng recibo si Ms Fernandez na pinagtagpi-tagpi na lamang kasi na shreded na ang mga ito.
“O ayan oh! bakit na shred na ito? meron pa dito oh!”, at inihagis pa sa kanyang harapan ang mga shredded pieces of papers.
“Ano? wala naman akong shrened na mga papel lalong-lalo na ang mga recibong alam kung napaka halaga”. pagtatanggol niya sa sarili.
“Paano mo eexplain ang mga iyan, abir?”, maanghang pa ring usig ng Mrs Fernandez.
“Wala akong dapat iexplain dahil wala akong ginawang ganyan. Kung gusto ninyo ay hingin nating ireview ang cctv dito”
“Ikaw pa ang may lakas na ipa review ang cctv, huh!? Sige, tingnan natin ang cctv!”, hamon pa ng babae.
Naalala ni Kim ang mga sideworks niya kahapon, ang pag halungkat niya sa mga folders at maging ang pag send ng email kay James, baka kita iyon sa cctv camera.
Bahala na! basta’t nais niyang ma linis ang pangalan niya. Baka magkakaproblema pa siyang grumadwit ng dahil dito.
Husto namang dumating si Jay sa departamento nila.
“What’s the problem here?” tanong ng lalaki sa mga taong nandoon.
“Sir, may problema po sa mga recibong niliquidate namin kahapon, meron kasing nawawala sa mga iyun, at ng hanapin namin ay na shredded na po ang iilan”, sumbong agad ni Mrs Fernandez.
“At wala pong ibang humawak doon kahapon kundi si Kimberly lamang po!”
“At sir, nakita po namin siya kahapon na busyng-busy sa paghahalungkat, na para bang may hinahanap talaga, iwan namin kung anong motibo niya”, dagdag pa ng isa, ginatungan talaga ang pambibintang kay Kim.
Tumingin si Jay kay Kim. Napatiimbagang.
“Wala akong alam sa mga pinagsasabi nila, Mr Perez. Kung gusto mo ay reviewhin niyo po ang cctv at ng magkaalaman na!”, Hindi pa rin nagpatinag si Kim. Nilakasan ang loob kahit pinagtutulungan na ng mga tao doon na hindi niya akalain.
Kahapon mukha ngang siya lang ang nagtatrabaho dahil puro nasa celphone ang mga ito, tapos ngayon ay pagbibintangan pa siya ng mga walang hiya!
“Well then, hindi natin alam kung sino ang nag sasabi ng totoo kaya ay ipapakuha ko ang recording ng cctv. Sa ngayon, Ms Dela Cruz sumama ka muna sa akin”, wika ng binata.
“Hihintayin natin ang resulta ng imbestigasyon at kung sino man ang may gawang sirain ang mga recibo ay dapat lamang managot!”, dagdag pa ng binata.
At tumalikod na ang binata, sumunod naman din si Kim dito.
Bumalik si Jay sa opisina niya kasama na si Kim.
Pagkasirado ng pintuan ay agad kinausap ni Jay si Kim.
“Parang natunugan nila ang gagawin kong pag au-audit sa kanila, at parang ikaw ang kanilang ginawang sacrificial lamb, hindi na rin ako magtataka kung ang video sa cctv ay edited na, it looks like they plan this ahead”, mahabang sabi ng binata.
“Kaya pala sa akin lang pinatrabaho ang lahat ng liquidation kahapon, may binabalak na pala sila”, sang-ayon ni Kim ng mapagtagpi-tagpi ang mga nangyari kanina at kahapon.
“Malamang alam na rin nilang kasabwat mo ko sa gagawin mong auditing soon kasi bakit ako ang napili nila. Baka may nakakita sa aking kasama ka!”
“Hindi natin alam, siguro nga! kaya dapat ay may gagawin tayong plano!”, saad pa ng binata.
“How about sakyan na muna natin ang drama nila, Anyway, I already contacted the audit team from COA, nasa kanila na ang original copy ng financial statements mula 2 years ago. Anytime today ay dadating na sila dito. Kukuntakin ko rin ang kaibigan kong IT kung sakaling edited ang videong makuha natin galing ng IT, okay?”
Tumango ang dalaga.
“You need to endure ha, kung sakali mang makakarinig ka ng masasakit na salita galing sa akin, sakyan mo nalang ako, para mas mahulog sila sa patibong natin, at tumaas ang confidence nila na naisahan nila tayo!”
“Okay!” at napabuntong hininga na lamang ang babae.
“Ipapatawag ko sila mamaya, tatawagan ko na muna ang IT, pero dito ka lang muna”, anas pa ng binata.
“Okay, sige!”, pagsang-ayon ng dalaga.
Para silang magka Team sa isang mission impossible na palabas. Para mahuli ang mga salarin ay kinakailangan nilang magpanggap.
“Please I need the copy of the recording sa CCTV kahapon at ngayong araw sa Financial dept, sa loob at labas ng department!”, Utos nito sa IT personnel.
“Yes, isend mo ang copy sa email ko. ASAP! Thank you!”, at binaba na ni Jay ang telepono.
Maya-maya nga ay natanggap na ni Jay ang copy ng cctv, at tama nga si Jay si Kim ang nakikita nga niya ngayon sa monitor. Bitbit ang kahon na may mga recibo at isa-isang shrened sa machine, kasama ang iba pang mga papeles.
“What the hell!”, nasambit ni Jay. Parang totoo ang videong nakikita niya.
Napatayo naman si Kim sa kinauupoan.
“Ano? edited ang video ano?”, tanong ni Kim sa binata.
Tumango si Jay sa dalaga.
Hindi na napigilan ng Kim at nagtungo na rin siya sa mesa ng binata. Tumayo talaga siya sa tabi nito at inilapit ang mukha sa monitor ng laptop.
Hindi alintana na napakalapit niya sa binata, basta’t siya’y naiinis ngayon, parang gusto niyang kumain ng tao sa inis.
Tiningnan niya ang oras ng recording 5:55 pm. Naalala niyang nagpunta siyang Banyo ng mga oras na iyun 5 mins bago mag 6pm. Nag log out siya insaktong 6:01pm.
Sa recording ay matagal natapos ang pag shred ng mga papel, umabot hanggang 6:10pm.
“James, nasa sakayan na ako ng jeep sa mga oras na iyan! Kunin mo ang cctv recording sa labas ng paaralan at makikita mo ako doon sa oras na iyan!”
Tumango naman ang binata. At tumawag na muli sa IT department para hingin ang kopya pero ang sabi ay hindi daw gumagana sa ngayon ang cctv doon.
“Damn! bakit hinahayaan niyong walang cctv doon, paano kung may mga madisgrasyang mga studyanti doon at manghingi ng cctv footage ang mga police? Ayusin niyong mga trabaho niyo, kundi tatanggalin ko kayong lahat!”, At malakas na ibinaba na ni Jay ang telepono, ngayon lang niya nakitang nagalit ang binata.
Nakakatakot pala itong magalit, sa loob-loob ni Kim.
“Pasensiya kana! maliit lang talaga ang pasensiya ko sa mga palpak na tao, lalo na ang mga sinungaling alam kong alibi lang nila iyun dahil wala silang edited video doon sa labas, nakalimutan siguro nila”, anas pa ng binata.
“Anyway, isesend ko itong video sa kakilala kong IT para masusi at para malantad ang original na tao na gumawa niyan.”
Tumango naman ang dalaga.
“Napakawalang hiya talaga nila, ng dahil lamang sa pera ay nagagawa nilang manira ng tao!”, nasambit na lamang niya.