First Step to Her Dream Job

1402 Words
Dali-dali ng tumalikod at umalis si Kim, naiwan si Jay na hawak ang binigay niyang t-shirt. Sinaway naman niya ang sarili sa mga katangahan ngayong gabi. ‘Ano ka ba Kim! ang landi mo! hindi dapat ang babae ang unang magpapakita ng motibo, nakakahiya ka self!’, saway niya sa sarili. Nakasalubong na nga niya ang nanay niya. “Nay? hinanap mo ko?” “Oo nak, mukhang gusto ng umuwi si Don Franco, nasaan na ba si Sir Jay?” “Nasa banyo po Nay, nagbibihis kasi natapunan ko ng juice sa damit” “Naku! mag-iingat ka kasi ‘nak!, okay lang ba siya?” “Oo nay nabigyan ko na ng pamalit. Ito kasing si Mengmeng bigla na lamang sumulpot sa paanan ko, hindi ko namalayan kaya natapunan ko tuloy ng inumin si Sir Jay”, sabi pa niya sa Nanay, na sinadyang bigyan ng Title ang binata bilang pag respito sa harapan ng nanay niya. “Siya sige, sabihan mong gusto ng umuwi ang lolo niya paglabas nun”, “Opo ‘ nay!” Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin si Jay na nakabihis na. Bumakat pa sa tshirt ang maskulado nitong upper body. 'Ang hot talaga ni Jay', sa isipan ng dalaga na agad binura ng nasa harapan na ang binata. “Jay, gusto na daw umuwi ng lolo mo, baka napagod na,” bungad niya dito. Tiningnan ni Jay ang pambisig na relo nito. “Pagod na talaga iyun, and its also time for his meds” “Maraming salamat ulit sa pagparito!”, paalam na ni Kim sa binata. “Walang anuman, basta tawagan mo lang ako kapag nakapag desisyon ka na, okay?” Tumango si Kim dito at binigyan ng matamis na ngiti ang lalaki. “Tutuloy na kami Kim. Good night na rin!” “Sige mag-iingat kayo sa daan. Good night!”, sagot din niya dito. At lumabas na ng bahay ang binata. At maya-maya pa ay umalis na nga ang sasakyan ng mga Perez. Masayang nakatulog si Kim ng gabing iyon. Mukhang may pag-asa ang damdamin niya para sa lalaki. Sana nga! *** Ngunit pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na naman sila nag kita ng binata. Bakasyon ngayon at walang pasok. Possibleng nasa Maynila ang lalaki. Walang balita si Kim. Hindi rin nagparamdam ang lalaki sa kanya kahit isang text. Nalulumbay tuloy si Kim at namimiss ang lalaki. Kaya para makalimot na naman ay naging busy siya sa kanilang bukid. Araw-araw siyang sumasama sa ama niya sa kanilang bukirin. Ang nanay niya ang naiiwan na ngayon sa bahay kasama ang lola niya. Isang linggo na ang lumipas at wala pa rin siyang balita tungkol sa binata. Nangako na siya sa sarili noon na hindi na siya magtutungong mansiyon para magtatanong tungkol sa binata. She will learn to control her emotion dahil hindi naman niya talaga alam kung masusuklian itong damdamin niya. Hindi niya alam kung imahinasyon ba lamang niya ang mga titig ni Jay sa kanya. Nang araw na iyon ay kaarawan ng tatay niya kaya ay mag salo-salo sila sa bahay at imbitado ang lahat ng mga kapit-bahay nila. Sana ay naroon at dadalo ang binata ngayong gabi, ang tanging dalangin nalang niya. Papunta sila ngayon ng nanay niya sa palengke kasama si Miguel para mamili ng mga sangkap sa mga lulutuing ulam at pati ang dessert na gagawin nila mamaya. Nagpunta rin sila sa Bakery upang bumili na rin ng cake para sa tatay. Marami silang dala na mga pinambili at siksikan rin sa Jeep na sinakyan nila. Pagdating ng bahay doon pa napansin ni Kim na nawawala ang cellphone niya, hindi niya alam kung nahulog iyon at hindi napansin ng dalaga o baka sa jeepney may kumuha. “Miguel, i-dial mo nga ang number ko kung may sasagot, baka nahulog lang at nag-aantay lang silang tawagan natin. Sumunod naman ang kapatid niya. Nagri-ring ang cellphone ngunit walang sagot. Hanggang nag out of coverage, parang ini-off na ang cellphone niya. Kinutuban na si Kim, duda siya na may kumuha talaga sa cellphone niya. Kaya dali-dali niyang tiningnan ang Bag niyang dala at iyon nga ay may maliit na butas. Hindi talaga niya namalayan na nanakawan na pala siya. Sa dami kasi ng bitbit nila, at okupado rin ang pag-iisip ng dalaga kanina kaya, wala talaga siyang kamalay-malay. Hindi naman siya nanghihinayang sa monetary value ng cellphone niya, dahil mid-range lang naman ito, hindi flagship phone. Ang ikinalulungkot niya ay iyon lang din ang last option to contact Jay and Jay to contact her. Pero wala na siyang magagawa. Pati ang tadhana ay hindi pabor sa kanila. Kinuha at pinutol na ang kahuli-hulihang mag kokonekta nila ni Jay. Hudyat na rin siguro ito para tuluyan na ngang kalimutan ang lalaki. Napabuntong-hininga na lamang ang babae. “Bibili nalang tayo ng bago ‘Nak! matagal na naman din iyon sa iyo. Bili tayo ng mas bago at mas maganda”, sabi pa ng ama niya para gumaan ang kalooban niya. “Oo nga naman ‘nak! baka mas kailangan nila yung cellphone mo, hayaan mo nalang!”, dagdag pa ng ina niya. Natawa naman si kim sa Ina. “Okay lang ako ‘tay’ nay, iyong mga contacts ko lang ang nanghihinayang ako”, saad niya sa mga magulang na akala ay masama ang loob niya sa pagkawala ng cellphone niya. “Ay iyon lang, hindi na nga natin makukuha ang mga contacts doon”, anas ng tatay niya. “Hayaan na po natin ‘tay, wala na tayong magagawa doon”, sabi na lamang niya sa mga ito. At naging busy na nga sila sa paghahanda para sa handaan mamayang gabi. Makalipas ang ilang oras ay handa na ang lahat ng mga pagkain. Unti-unti na ring nagsidatingan ang mga bisita nila. Matamang nag-antay si Kim nagbabakasakaling dadalo ang mga Perez. Hanggang sa halos maghating gabi na at unti-unti ng ring umalis at nagsi-uwian ang mga bisita nila ngunit walang ni isang Perez ang dumating, kahit anino ni Jay ay wala. Malungkot si Kim na unti-unti nang nililigpit ang mga kalat sa after party. Unti-unti na ring nag sink-in sa kanya na wala na talagang pag-asa siya sa binata. Kung noong unang Linggo ay natulog siyang masaya pagkatapos ng Handaan, Ngayong gabi naman ay natulog siyang malungkot pagkatapos ng handaan. Lumipas pa ang mga araw at linggo. Naging abala si Kim sa bukirin, parang naging outlet niya para maka-move on ay ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop. Hanggang natapos sa wakas ang bakasyon at pasukan na naman. Nag enroll si Kim sa review center malapit lang din sa Unibersidad. Ang bunsong kapatid niya ay college na rin at kumukuha ngayon ng Engineering. At ngayon lang niya nalaman na bumalik pala sa Amerika ang binata dahil may emergency doon. Kung hindi pa magpasukan ay hindi pa niya malalaman ang balita ng binatang laging hinahanap ng puso niyang baliw. Lumipas pa ang mga araw, linggo at mga buwan at sa wakas ay natapos rin ni Kim ang pag rereview niya. Sa susunod na Linggo na rin ang CPALE, at handa na siya dito. Sa Maynila gaganapin ang board exam. Wala na siyang kontak ni Faith, ang bestfriend niya na nasa Maynila dahil sa nawala niyang cellphone kaya ang gagawin niya’y tutungo siya sa Maynila mag-isa at mag ta-transient na lamang sa malapit sa eskwelahan kung saan gaganapin ang exam. Isang araw bago ang board exam ay maagang bumiyahi pa Maynila si Kim. Gusto siyang samahan ng Ama niya pero siya na ang tumanggi. She knows her way around Maynila dito kaya siya lumaki. At mababagot lang din ang ama niyang maghintay sa kanya. Mahaba kasi ang Licensure exam ng accountancy may take a few days. Balak din niyang maglilibot-libot sa Maynila pagkatapos. Dadalawin din niya ang bestfriend niya doon. Mag uunwind siya kasama ni Faith. Ilang oras pa ang lumipas at nakarating na rin siya ng Maynila. Naghanap agad siya ng matitirhan doon ng ilang araw sa malapit sa eskwelahan. Nakahanap naman siya kaagad. Isang maliit na silid pero may sariling banyo, kaya kinuha na agad niya. May maraming mga kainan naman sa labas kaya hindi na siya mag-abalang magluto. Nang maisaayos na niya ang mga gamit doon ay agad niyang tinawagan ang mga magulang para ibalita na okay na siya. At handang-handa na sa unang araw ng board exam niya bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD