Pagkarating ni Jay sa Club Royal ay nagwawala na nga si Sab, may dalawang bouncer na na pumipigil dito.
Lasing na lasing na ang babae.
“Hey Sab! it’s Jay! tara ihahatid na kita sa inyo, lasing kana!”, anas niya sa babae.
“Jay! my darling, my bestfriend!, bakit ngayon ka lang dumating… inom pa tayo Jay!”, at akma pang kukuha ng baso.
Pinigilan ni Jay ang babae na uminom pa. At inalalayan ng makatayo sa kinauupoan nito.
“Let’s go home, lasing na lasing kana!”, anas niya dito.
“No! hindi pa ako lasing jay! its my birthday remember? mag inuman pa tayooo!!, hiyaw pa nito at akmang kukuha pa ulit ng maiinom.
“Hindi Sab! uuwi ka na!”, at kinarga na niya ang babae. Nagwawala pa ito kaya nakakaagaw ng pansin sa mga taong nandoon.
Narinig pa niya ang iilang nadaanan niya na maswerti daw ang babae at may nobyong guapo at mabait. Hindi na lamang niya pinansin iyon dahil nag wawala pa rin si Sab sa kamay niya kahit bitbit niya ito, nag focus na lamang siya sa pagbibit nito para mapauwi na.
“Put me down Jay! gusto ko pang uminom!”, sigaw pa nito.
Pagdating sa kotse ay isinakay na niya ito doon. Napabuntong hininga si Jay, bakit ba siya nalang palagi ang mag rerescue nito.
Sumakay na rin siya sa kotse at pinaandar ito.
“Sab, ihahatid na kita sa condo mo or gusto mo ba umuwi sa bahay niyo?” tanong niya sa babae na parang natutulog na ngayon. Nakatungo lang ito.
“Sab! saan mo gustong umuwi!” tanong niya ulit dito.
“Sa condo..please..” mahinang sabi nito na itinuro pa ng labas ng kotse.
“Okay! ihahatid kita doon.”.
Hindi naman malayo ang condo unit ng babae masa Makati area lang din.
Nang makarating ay inalalayan na rin niya itong makalabas ng kotse at makaakyat sa unit nito.
She punch in her code sa lock ng pinto at bumukas ito, pumasok na sila sa silid pagkatapos, inalalayan pa rin ni Jay ang babae hanggang sa makarating ito sa kama.
Inalalayan na niyang makahiga ito sa doon.
“Thanks Jay for always there, rescuing me!”, anas pa nito.
“Don’t mention it Sab!“,
“I have one favor to ask please!” anas pa ng babae.
“What is it?”
“Buy me a cake please.. atleast I can blow a candle on my birthday!”
“That’s so childish!” natawa na sabi niya sa lalaki.
“I know! but please! and that will be enough celebration for me then, just a piece of cake!”
“Okay! para matahimik ka na at matulog ka na pagkatapos, bibili na ako! hintayin mo ako sandali!”, anas na lamang niya. Pagbigyan na lamang niya ito dahil birthday nito.
At lumabas na siya at naghanap ng Cafe shop.
Nakabili naman din siya kaagad sa di kalayuan.
At bumalik na kaagad sa unit ng dalaga.
“O, ito na ang request mo mahal na reyna!”, anas niya sa dalaga na bitbit na sa kamay ang isang buong cake na may kandila pa sa gitna.
“Sing for me Jay!” natatawa pang hiling ng babae.
“Huwag na! lilipas din naman ang Kaarawan mo mamayang hating gabi!”, biro pa niya dito.
“No, its unfair! remember, I surprised you with a Bang! sa birthday mo noong nakaraan sa states?”, anas pa nito.
“Oi..! hindi kita inutusan na isurprise
mo ako ha! kaya huwag mo akong singilin ngayon!”, natatawang sabi ni Jay dito.
Totoo naman din na maalalahanin ang babae sa kanya at sinurpresa nga siya nito sa kaarawan niya last year.
“Sige na nga!” dagdag na lamang niya dito.
Pumalakpak naman ang babae na parang bata. Parang nawala na ang kalasingan nito kanina.
At nagsimula ngang kumanta si Jay ng happy birthday para sa babae.
“Happy Birthday Sab! hopefully makahanap ka na ng lalaking papalit sa akin na gagawa ng mga ganito ka childish na gawain para sa iyo! at rerescue sa iyo sa bar!”
Natawa naman ang babae.
“Sana nga Jay! saan ba talaga ako makakahanap ng lalaking gaya mo o di kaya’y gaya ni Ced? bakit lahat kayo ay may ibang gusto?”, may hinanakit pang sabi ni Sab.
“Bakit ayaw niyo sa akin? maganda naman ako diba?”, at ayun na nga nagsisimula na itong mag self pity.
“Sab! bago kapa mag dadrama diyan! blow muna ang kandila dahil mauubos na!”, anas ni Jay sa babae.
Natawa naman si Sab. Hindi talaga ma dala sa drama niya si Jay. Para lamang itong walang maririnig sa tuwing magsisimula siyang magdadrama. Minsan pa ay mag wo-walk out lang ito sa kanya. Walang paki!
Pero atleast palagi itong nariyan kapag kailangan niya. Ayaw lang talaga ng lalaki ng kadramahan niya.
Kaya naman ay hinipan na niya ang kandila.
“Alright! at sa wakas natapos rin ang drama!”, anas ni Jay na inilapag na ang cake sa mesa.
“Wala ka talagang sense of emphty sa akin ano?”, wika ng babae
“Mmm.. meron naman kaya lang ay madrama ka lang talaga sa buhay!”
Natawa ulit si Sab.
“Teka! nag kita na ba kayo ng babaeng kinababaliwan mo?”, tanong ni Sab.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Jay at kumislap ang mga mata.
“Yep! at malapit na akong magtapat sa kanya!”, anas ng binata.
Tumango-tango si Sab.
“Beware! sasabihin ko sa babaeng iyon lahat ng mga dark secrets mo! para hindi ka sagutin noon!”, anas ni Sab na pina laki pa ang boses.
“Anong dark secrets? wala naman ah!”, anas ng binata.
“Meron! diba noong mga bata pa tayo ay tinitikman mo yung kulangot? at isa pa.. You’d peed on your pants noong grade one tayo!”, natatawang sabi ni Sab.
“Ang baboy nito! hindi naman yun dark secrets! mga bata pa tayo noon no! kaya wala tayong alam sa mga ginagawa natin!”, anas pa ng binata.
“Kahit pa, nakaka turn off yun kaya! beware!!!”, pananakot pa nito.
“Well.. I’m pretty Sure Kim, won’t mind knowing all of those! she might find it amusing instead”, proud na sabi pa ng binata.
“Aha! Kim pala ang pangalan ha! Humanda ka Kim sa mga isisiwalat kung mga kababoyan ng lalaking iibigin mo!”, wika pa ng babae.
“Bahala ka na diyan! uuwi na ako! nag -aantay na sa akin si Kim doon!”, anas ng lalaki.
“What? you’re living together?” takang tanong ng babae.
“Secrets! that’s my dark secret you don’t know!”, wika pa ng lalaki na kinindatan pa ang kaibigan.
“Jay.. pa share naman oyy.. bakit kayo nagsasama na!”, tanong pa nito.
“It’s for you to find out, Friend!” anas ni Jay.
“Ang damot talaga nito! curious lang naman itong kaibigan mo!”
“Sasabihin ko sa iyo sa tamang panahon, hindi sa ngayon dahil malalim na ang gabi, may meeting pa ako bukas ng umaga kaya I need to go already!”,’paalam ng lalaki.
“Okay, Jay! maraming salamat ulit ha!”, anas ni Sab
“No problem. Huwag ka ng maglasing ulit baka sa susunod sa dalhin ka na nila sa polis”, ani Jay.
“Happy birthday ulit Sab! matulog ka na rin diyan!”, dagdag ng lalaki at nagpaalam na sa kaibigan.
Pagkaalis ng sasakyan ng lalaki sa condo unit ng kaibigan ay isang lalaki ang paulit-ulit na kumukuha ng mga larawan sa lalaki.
Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi ng lalaking nakatago sa madilim na sulok ng lugar na iyon.