Naging laman ng mga balita ang resulta ng CPALE at ang mga nag Top na mga estudyanti.
Naging talk of the town din si Kim.
Kauna-unahan kasi siyang estudyanti na galing sa Unibersidad nila na napasama sa Top list at Second place pa.
Tinalo pa niya ang mga estudyanting galing sa mga preshistiryoso, Sikat at malalaking unibersidad sa Maynila.
Isang malaking banner ng congratulations para kay Kim at pagkilala sa nakamit na tagumpay ang kasalukuyang nasa Harapan ng entrance gate ng unibersidad nila.
Naging sikat si Kim at naging laman pa ng balita sa National TV.
Kaya proud na proud lahat sa kanya, maging ang mga ka-barangay.
Personal din siyang pinuntahan ni Don Franco at Jenny na siya nang pansamantalang nagpapatakbo ngayon sa paaralan habang wala si Jay, nandito sa bahay nila ang dalawa para icongratulate at ipaabot ang regalo sa dalaga.
“We are so very proud of you iha! ang galing galing mo! alam mo bang pinasikat mo ang paaralan natin!”, anas ng matandang Don.
“Tama si Lolo, maswerti kaming nagkaroon kami ng estudyanting tulad mo, maganda, mabait at sobrang talino! may inspirasyon ka ba habang nag -aaral?”, out of the blue na tanong ng babae.
“Wala naman po or siguro mga magulang ko at ang pangako sa sarili kong magtapos at magtrabaho sa malaking kompanya!”, sagot niya dito.
Hindi niya pweding ishare na, naging focus siya sa pag-aaral dahil may taong gustong makalimutan kaya lahat ng attention, isip at puso ay nasa pag-aaral.
“Grabi ka talaga. At hindi nga nagkakamali ang kuya Jay, kapili-pili ka naman talaga”, mahina pero narinig pa rin ni Kim ang sinabi ni Jenny.
“Ano iyun?”, nais niyang masigurado ang sinabi ng dalaga.
Ngunit hindi na nagsalita si Jenny. Nag smile lang ito sa kanya.
Bagkus si Don Franco ang nagsalita na naman.
“Iha, bilang pasasalamat sa kontribusyon mo sa paaralan, pagbibigay magandang pangalan at kredibilidad at bilang pinakamhusay na estudyanti ay may regalo kami sa iyo!”
At inilabas na nga ni Jenny ang isang Car Key.
“Isang brand new car ang para sa iyo Kim!”, masayang sambit ni Jenny at ibinigay na kaagad sa kanya ang susi.
“Upang may masasakyan ka kapag magtatrabaho kana! at open pa rin ang offer ko na sa akin ka magtrabaho, sa kahit saang branch mo gusto, iha!”, anas pa ng matanda.
“Naku! maraming-maraming salamat po sa inyo! hindi ko po lubos maisip na magkakaroon kami ng sasakyan.”
“Well deserve mo iyan iha! and I know marami ka pang tagumpay na maachieve in the future!”
“Salamat talaga ng marami po!”, saad pa ni Kim na halos di makapaniwala.
***
Ang balita tungkol kay Kim na nag Top- Notch sa CPALE board exam recently ay nakarating sa binata sa Amerika. Ofcourse it’s Jenny who broke the news to him at firts. At nabasa rin niya sa internet.
At sikat nga ngayon si Kim maging ang paaralan nila. Pinanood niya ang mga videos ng mga balitang na feature ang dalaga.
Masaya at Proud siya sa dalaga but hanggang doon na lamang iyon.
Wala na siyang kontak sa babae at lalong wala na siyang lakas na loob ngayon, baka ay makakagulo lang siya sa babae at ng nobyo nito.
Kung masaya man si Kim sa relasyon ngayon ay hayaan na niya ito. Di baling siya ang magdusa at mangungulila.
Kung tutuusin ay pwedi na siyang bumalik sa Pilipinas ngunit mas pinili niyang manatili na muna doon.
***
Pinili ni Kim na tanggapin ang offer ni Don Franco na trabaho at sa paaralan pa rin niya gusto, parang bumalik lang siya sa dating opisina sa Accounting at Finance Dept doon ngunit hindi na OJT kundi regular employee na, at mas mataas pa ang sahod niya kaysa sa mga matagal na doon.
Ngunit sa kaibuturan ni Kim kung bakit niya pinili ang paaralan ay parang nabuhay ang pag-asa na naman niyang bumalik si Jay doon at baka this time ay maipagtapat na niya ang damdamin para dito. Pagod na siyang pilit kalimutan ito at supilin ang damdamin.
Magsisimula na siyang magtrabaho sa Lunes.
Bago sumapit ang unang araw ng trabaho ay nag-eensayo siyang magmaneho.
Ang regalo na sasakyan galing sa matandang Don ay isang Honda Civic 2025 latest model.
Siguro ay nasa 1.5 to almost 2 million din ang halaga nito kaya maingat siyang nagmamaneho ngayon sa malawak na clearing para wala siyang madidisgrasya.
Madali lang niyang nakuha ang student license niya kaya pwedi na siyang magmaneho.
Pero hindi pa confident si Kim magmaneho mga isang buwan pa siguro at baka pwedi na siya.
Kaya sa Lunes ay pahahatid siya ng ama.
***
Araw ng Lunes at lulan na sila ng sasakyan, nasa driver’s side si Kim at backseat si Miguel. Ang tatay niya ang nagmamaneho, mabuti na lamang at marunong ang tatay niya kung hindi baka ay hindi nila magamit ang sasakyan.
Alagang-alaga nga ng tatay niya ang sasakyan, halos hindi padapu-an ng langaw.
Maaga sila sa school ngayon. At dahil may sariling sasakyan na ay hindi na talaga sila mahuhuli, lalo na si Miguel na may pasok ng 7:30 am.
At mamayang hapon ay baka sundu-in din sila ng ama.
Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa Paaralan.
Nagmano na muna sila sa Tatay bago bumaba ng sasakyan.
Dumiritso na sa classroom niya si Miguel at siya naman ay naglalakad na patungong Admin building.
Pagdating niya sa opisina ay may pa surprise pa ang mga kasamahan. Mas maaga pa pala sa kanya ang mga ito para lang ma surprisa siya.
May pabulaklak at pa banner na “Welcome back!” ang mga ito.
May Cake din pala na maayos na inilagay sa mesa niya.
“Naku! salamat guys! hindi ko akalain na may pabulaklak at pa cake pala kayo! at alam kong gumising kayo ng napaka-aga para lamang dito kaya ako ng bahala sa pa kape niyo buong araw para naman manatiling dilat pa rin ang ating mga mata!”, biro pa niya sa mga kasamahan na nagtawanan na lamang.
Magaan ang working environment nila dahil walang kompetisyon o inggitan sa loob, lahat sila ay may respito sa isat’isa at lalong may team work.
Masaya si Kim sa napiling profession. Masasabi na niyang Nag Tagumpay na siya.
Wala na siyang nais makamit. Lahat nang pinangako niya sa sarili noon, halos lahat ng pinangarap ay ngayo’y natupad na.
But she still not completely Happy. May kulang pa.
‘Ah. Baka iyong magtrabaho sa Maynila?’, sa isipan niya.
Tuluyan kaya siyang magiging masaya kung sa Maynila siya magtatrabaho? o parihas lang din?
But she think she knows what is missing. It’s her heart. There’s a big hole in her heart hindi literal na may butas ito kundi ang puso niyay may hinahanap.
‘I think it’s time to fill this Gap’. She will entertain suitors now, tapos na rin naman siya ng pag-aaral, may trabaho na rin siya.
Baka tuluyan na rin niyang makalimutan ang lalaki kapag ibabaling niya ang mata sa iba, kung bubuksan niya ang puso sa ibang lalaki.
Mag 23 yrs old na rin siya sa darating na kaarawan niya at NBSB pa rin siya.
Pagod na siyang maghintay ng hindi paman nasimulang pag-ibig ay Ghosting na kaagad siya.
Natawa na lamang si Kim sa sarili at napa-iling. Succesaful siyang maituring, swerti sabi ng iba pero sa larangan ng pag-ibig ay malas ata.
Ipinikit na lamang ni Kim ang mga mata at binuhay ang computer niya sa desk pagkatapos.
“Let’s start the day right!” at nag focus na sa trabaho.
Araw-araw ay ganoon ang ginawa ni Kim. Mag focus sa trabaho. Ang planong mag intertain ng suitors ay hanggang isipan na lamang pala kasi ay wala pala siyang oras para doon, bahay at paaralan lang siya.
Wala ring masyadong naglakas loob na magpalipad hangin sa dalaga dahil para sa mga lalaki doon ay napakataas ni Kim. Superior ang ganda at talino kaya ay walang maglakas loob.
Ang nababagay sa babae ayon pa sa iba ay matatas na antas din o matayog ang status ng buhay at profession.
Mukhang magiging dalagang matanda na lang siguro siya.
Mamamatay na birhin. Ang saklap!
Masaya naman siguro maging rich Tita na lamang siya sa mga magiging pamangkin niya, natatawa na lamang sa loob-loob si Kim.
Narinig kasi niya ang mga sabi-sabi na kaya walang manligaw sa kanya ay dahil nga naiintimidate at walang maglakas loob.
‘Okay if that’s heaven’s Plan then be it!’ , anas na lamang niya sa sarili.