A Trip

1329 Words
Nagising si Jay, naaamoy niya ang mabangong buhok ng babae. Nakatulog na pala siya habang nanonood sila ni Kim ng Korean drama, at hindi na niya namalayan. At ngayon nga ay tulog na rin si Kim. Ngunit nasa mga bisig niya ngayon ang dalaga. Magkayakap silang nakahiga at natutulog. It’s a first time na nayakap niya si Kim sa kama habang natutulog ito, it’s like a dream coming true for him. Halos gabi-gabi niyang nais gawin ito, at ngayon nga’y nangyari na. Hinalikan niya sa buhok ang babae at hinapit pa niya ito ng mas malapit sa katawan niya at muli siyang pumikit para bumalik na sa pagtulog. *** Kinabukasan ay nagising si Kim na may mabigat sa may tiyan. Pagtingin niya ay kamay pala ni Jay. Yakap pa rin siya nito. Tulog na tulog pa rin ang binata. Pagkakita ni Kim sa orasan ay mag aalas 8 na pala ng umaga. Dahan-dahan siyang kumilos, tinanggal ang kamay ng binata na nakayakap sa kanya. Nagtagumpay naman siyang tanggalin iyon at dahan-dahan na rin siyang bumaba ng kama at nagtungo na sa banyo. Tulog pa rin si Jay ng lumabas siya galing ng banyo, hahayaan na muna niya ito dahil wala namang pasok ngayon. Bumaba na si Kim at nagpunta sa kusina. Wala naman gagawin na doon dahil nakapagluto na ng agahan ang mga katiwala sa kusina. “Maam Kim, kakain na po ba kayo? ipaghahanda na kita,” anas ni Nanay Luz “Hindi pa Nay Luz mamaya-maya na, at tawagin mo nalang akong Kimmy kung nag-aalangan kang tawagin ako sa pangalan ko”, anas niya sa babae. “Kimmy… O-okay, sige!”, tugon naman nito sa kanya. Natawa na lamang si Kim sa mabait na ginang. Kumuha siya ng Kape doon at nagpaalam na sa Ginang. “Sige ‘Nay Luz, pahangin lang ako saglit sa labas, doon na rin ako magkakape”, anas ni Kim at lumabas na ng bahay. Nagpunta siya sa pool side at doon namalagi, ineenjoy ang kapayapaan at magandang tanawin. Hindi namalayan ni Kim na nagbalik-tanaw siya sa mga nangyayari sa kanila ni Jay. Hindi nagtatapat si Jay sa kanya pero ramdam niyang espesyal siya sa lalaki. Iwan nga niya kung sila na ba o hindi? ‘Hindi pa! bastat walang aamin sa kanilang dalawa’, sa isipan ni Kim. “Ako ba ang iniisip mo?”. biglang nagsalita si Jay sa likod niya. Muntik ng mapatalon si Kim sa gulat dahil bigla-bigla nalang sumulpot at nagsalita si Jay. “Ikaw talaga Jay! Hindi No!? bakit naman kita iisipin!”, anas niya dito na naiinis. “Mmm.. hindi pa aamin ito!”, panunukso pa rin ng binata sa dalaga. “Iwan ko sa iyo! Maiwan na nga kita diyan!”, anas pa rin ni Kim na akmang papasok na sa loob. Mabilis na hinawakan ni Jay ang kamay ng babae. “Dito lang tayo, ipinahanda ko na kay Nanay Luz ang pagkain at ihahatid na nila iyon dito. Dito na tayo kakain at ituloy mo lang iyong pag-iisip mo sa akin!”, hindi pa rin matapos-tapos na tukso nito sa kanya. Akma na sanang sasagot pa si Kim pero nariyan na ang mga pagkaing pinahanda ni Jay. Hindi na lamang sumagot muli si Kim. Tama naman ang lalaki na laman ng isipan niya ito, pero hindi na niya ito aaminin sa binata. At doon na nga sila kumain ng agahan nila. “Anything you want to do this afternoon, Kim?”, tanong pa ni Jay ng tapos na silang kumain. “Mmm.. nothing in particular. Wala akong maisip”, anas ng babae. “You wanna come with me?”, tanong ng binata. “Saan?” “Somewhere you will love!”, anas ng binata. “Ang labu naman nito kausap!” “Basta maghanda ka pagkatapos natin kumain may pupuntahan tayo!”, wika ng binata. “Teka! anong isusuot ko? baka party iyon at naka shorts lang ako!”, nag-aalalang wika ni Kim. Natawa naman ang binata. “Just your normal get-up!”, wika pa ng binata “Okay then!” Wala pa ngang isang oras ay nasa kotse na sila ni Jay. “alam mo Jay! gusto ko sanang ma excite pero mas nenerbiyos ako kung saan tayo tutungo!”, anas ni Kim. “Don’t you worry! Just trust me, you’ll enjoy this trip!”, sagot naman ni Jay. “Trip? like mahabang biyahi?”, usisa na naman ni Kim. “Sort of Yes!”, natatawang sabi ni Jay. “Ang lakas ng trip mo Jay ha! pero sige, fire! let’s go on a trip!”, anas na lamang ni Kim. At pinaandar na nga ni Jay ang sasakyan. Walang ka ideya-ideya si Kim saan sila papunta pero game ito sa biyahi nilang iyon, hanggang sa mapansin na ni Kim at naka ideya na saan sila tutungo. “Are we going to Tagaytay?” Tumango-tango si Jay. “Woah! hindi pa nga ako nakakarating doon Jay!”, exciting na saad ni Kim. “Libutin natin ang Tagaytay!”, anas ng binata. At makalipas nga ang isang oras mahigit ay nasa Tagaytay na sila. Unang destinasyon nila ay sa Puzzle Mansion. Namangha at natulaa na lamang si Kim sa largest jigsaw puzzle at sa dami ng collection doon. “Sa tingin ko Jay, pupwedi rin nating gawing ganito ang mansion niyo! punuin natin ng mga jigsaw puzzle doon at tapatan natin sila dito!”, biro pa ni Kim sa binata. “Tapos may pa plot twist, kung sino ang bibisita sila ang mag sosolve ng puzzle at hindi sila makakalabas ng mansiyon hanggat hindi tapos ang puzzle!”, dagdag pa ni Jay sa ideya ni Kim. “Ginawa mo namang suspense trailer ang dapat chill lamang na pagbisita ng mga tao!”, reklamo ng dalaga. “Para may adventure din sila!”, anas pa rin ng binata. Nagkatawanan na lamang sila dahil sa mga naiisip na kalokohan. Pagkatapos doon ay nag punta sila sa isang Hotel-restaurant na overlooking sa taal lake ang tanawin para kumain. Napakaganda ng ambience ng hotel lalo na sa labas kung saan makikita ang panoramic view ng Taal Lake. Kaya naman kumuha sila ng maraming larawan doon. Masigla din silang kumakain habang ineenjoy ang tanawin. Maya-maya habang nag kukwentuhan sila ay nag ring ang telepono ni Jay. “Kim, excuse me sagutin ko lamang ito, saglit lang ako!”, anas ng lalaki. At naglakad sa di kalayuan si Jay para sagutin ang tawag. Napuna ni Kim na midyo seryoso ang mukha ni Jay habang nasa telepono ito. Matagal-tagal din ito sa telepono bago bumalik sa mesa Pagbalik nito ay seryoso nga ang binata. “May problema ba Jay?”, tanong ni Kim dito. “Mmm…May kaunting problema sa isang business namin sa Cebu, I just needed to fly there tomorrow”, anas ni Jay. “Oh, okay. Alam kong kayang-kaya mo ‘yan Jay, ikaw pa!”, pagbibigay lakas ni Kim sa binata. Natawa na lamang si Jay dito. Hindi na rin sila nagtagal pa at nag desisyon na silang umuwi. “Nag enjoy ka ba sa road trip natin?”, tanong ng binata kay Kim habang nasa biyahi sila pauwi na. “Yes! so much and thank you for this experience Jay! atleast nakapag unwind tayo kahit saglit lamang!”, anas ni Kim na masaya ang ngiti sa mga labi. “Walang anuman iyon! pwedi nating gawin ito linggo-linggo kung gusto mo!” anas pa ng lalaki. “Naku! pwedi siguro Jay pero kung malayo na ay magdala tayo ng driver, nakakapagod kaya magdrive!”, anas ng dalaga. “Pwedi! Sige ikaw mag-isip kung saan tayo sa susunod!”, anas ng binata. Masaya si Jay na kasama niya si Kim. Nawawala lahat ng pagod at problema sa tuwing nakikita niya ang babaeng nakangiti at masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD