Self Control

1370 Words
“Jay, let stop this bago tayo makalimot please…”, pagmamakaawa ni Kim dahil kung hindi pa baka ay tuluyan siyang bumigay sa lalaki. Their kissed went deeper and wilder at hindi na alam ni Kim kung makokontrol pa niya ang sarili kung hindi sila hihinto ngayon. Tumango-tango naman din ang lalaki at niyakap na lamang siya. She can feel and sense it, Jay wants her badly. She can see in his eyes the fire and lust. But No! alam niyang nadadarang lamang sa apoy si Jay. This is not because he love her. She don’t want him to be tangled to her just because of their body heat. Baka pagkatapos ng init ng mga katawan nila ay pagsisihan ng lalaki ang nangyari. “I am sorry Kim! I almost forgot at nadala ako ng bugso ng damdamin!”, anas pa ng binata na yakap pa rin siya. Wari’y pinapakalma pa nito ang sarili. “wala kang kasalanan Jay!”, anas niya. Kumilos na ang lalaki at kumiwala sa yakap. He rolled over to his side finally freeing her. Bumangon si Kim at naupo na lamang sa kama. “You wanna grab a snacks together?”, tanong niya dito para gumaan gaan ang atmospera sa silid. “I actually bought a cake for you!”, sagot naman ng lalaki sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Kim. “Talaga? why? hindi ko naman birthday!”, anas ni Kim. “Well.. naisip ko lang since hindi ko pala alam kung anong paborito mong ulam for dinner ay babawi nalang ako sa panghimagas”, anas ng binata. Napangiti si Kim. “Tara! samahan mo ko! kain tayo sa baba!”, inilahad pa nito ang mga kamay sa binata, nag- aanyayang hawakan ang kamay niya. Napangiti na rin si Jay at kinuha ang kamay ng dalaga. Magkahawak kamay pa silang bumaba ng hagdan at nagtungo sa kusina. Tulog na ang mga kasambahay dahil pasado alas 12 na ng hatinggabi, ganoon siya katagal na tulog, isang buong hapon. “Umupo ka lang diyan Jay, ako nang kumuha ng pagkain”, utos niya sa lalaki. Sumunod naman ang lalaki sa kanya at naupo na sa mataas na upoan. Duon na sila kakain sa kusina mismo. Kumuha ng malaking plato si Kim ay doon na nilagay lahat, kanin, adobong manok, lumpia, at menudo. “Share na tayo ng plato para wala ng maraming hugasin, tawag dito budol fight!”, anas niya sa binata. Natawa naman si Jay. “Okay!” anas ni Jay. Akma ng kukuha ng kutsara si Jay pero pinigilan ni Kim. “Oopss.. bawal kutsara at tinidor. Budol fights intended to be only using hands. Kaya let’s go hugas tayo ng kamay Jay!”, utos na naman nito. Napailing-iling na lamang ang binata na sumunod sa babae. Sabay pa silang naghugas ng kamay sa lababo. “Proper handwashing Jay will last 20 seconds kaya gayahin mo ako! at kakanta tayong happy Birthday dahil ang kantang happy birthday kapag inulit ng dalawang beses ay 20 seconds iyon, okay?”, anas pa ng babae, hindi pa naubosan ng trivia. Kumuha pa sila ng handsoap at sinimulang kusutin ang mga kamay habang si Kim ay kumakanta na rin ng Happy birthday to you. Natatawa na lamang si Jay. Nang maisipan ng binata na pahiran ng bula ang pisngi ng dalaga. Napahinto tuloy si Kim sa pagkanta at gumanti ring pinahiran ng bulang nasa mga kamay ang lalaki sa mukha rin. pagkatapos ay lumayo si Kim dito para hindi na makaganti ang binata. Ngunit sinundan lang siya ni Jay at hinuli sa mga kamay. Nagtawanan na lamang sila. “Ang ingay natin Jay baka magising na sila Manang!”, anas ni Kim na marealize nagtatawanan sila sa hatinggabi. “Ang lakas mong tumawa kasi eh!”, anas pa nito. “Kasalanan ko ba, ganito ako tumawa eh!, kain nalang tayo!”, anas ni Kim. Tinapos na nila ang paghuhugas ng kamay at bumalik sa mesa. Magkatabi sila sa maliit na mesa sa Kitchen. At nagsimulang kumain. Marunong naman palang kumain na nakakamay si Jay. “Akala ko hindi ka marunong magkamay?”, anas ni Kim. “Marunong naman! sa probinsiya natin eh, madalas akong nagkakamay doon lalo na kapag doon kakain sa bukid. Minsan sinasama ako ni lolo tuwing nagpapaharvest siya ng niyog at ganito din ang kainan doon, budol fight. Kaya natuto akong kumain ng nakakamay”, wika ng binata. “Ah.I see!”, tugon ni Kim na tatango-tango. “Ah…”, sabi ni Jay sa kanya at itinaas ang hawak na lumpia malapit sa bibig ng dalaga. Sinusuboan siya nito. Tumalima naman si Kim dito at tinanggap ang ulam. Masaya silang nag kukwentohan habang sinisimot ang pagkain sa isang plato lamang. “And the finally! tantananannn…”, pa suspense pang kinuha na ni Jay ang biniling Strawberry short cake kanina sa ref. “Wow! paborito ko iyan!”, anas ng dalaga. “Akala ko ba hindi mo alam ang paborito kong pagkain?, bakit alam mo ito?”, dagdag pa ni Kim. “I have my resources!”, anas pa ng binata na kinindatan si Kim. “Iwan ko sa iyo! Pero thank you Boss sa pa Cake!”, biro pa ni Kim dito. Inilatag na ni Jay ang cake at kumuha ng dalawang tinidor at platito. Naghiwa ng isang malaking slice at inilagay sa pinggan. Una nang kumuha si Kim at dinala sa bibig ang paboritong panghimagas. “Mmm.. sarap talaga nito, and it just melt in my mouth!”, wika pa nito na nakapikit pa ang mga mata habang ninanamnam ang matamis na pagkain. Hanggang maramdaman na lamang ni Kim ang malambot na labi ni Jay sa mga labi niya. Nagmadaling nagmulat ng mata si Kim. Inilayo naman ni Jay ang mga labi agad sa kanya. “Yup! it’s so sweet and very soft!”, anas pa ng binata na may mga ngiti pa sa mga labi. Hinampas ni Kim si Jay sa balikat nito. “Ouch!” anas ng binata. “Deserve mo iyan! “, wika ng dalaga pero natatawa na lamang sa kalukuhan ng binata. *** Matapos nilang kumain ay muli na silang umakyat sa silid. “Jay, mauna ka ng matulog, hindi pa ako inaantok”, anas ni Kim sa binata at inilabas ang cellphone, manonood na muna siya ng hit korean series sa cellphone niya. Nasa kama na rin ang binata at nakahiga na. “Makikinood muna ako, hindi din ako inaantok eh”, anas ng binata at umusog pa palapit kay Kim. Bahagyang natigilan si Kim sa paglalapit muli ng kanilang katawan pero muli ding iwinaksi iyon at hindi na lamang binigyan ng malisya. Umupo ng tuwid si Kim at sumandal sa headboard ng kama para maayos silang makanood doon, kung tutuusin ay pweding-pwedi silang manood nito sa malaking TV screen sa kwarto ni Jay pero nagtitiis sila ngayon sa maliit na screen sa cellphone niya. Ganoon din ang ginawa ni Jay, umupo na ito sa kama at nakasandal ang likod sa headboard. Wala naman din trabaho si Jay bukas kaya okay lang kung magbabad sa panonood ng drama ngayon. Maganda ang pinanonood nilang korean drama, Historical na romantic-comedy tungkol sa isang sikat na babaeng Chief na nag time-travel sa Joseon Era. Naaliw ang dalawa sa panonood hanggang hindi na nila namalayan ang oras. Naramdaman na lamang ni Kim na sumasandal na sa balikat niya si Jay. Hindi na nakayanan ang antok at nakatulog na lamang ito sa panonood. Pinatay na rin niya ang telepono niya at inayos na ng higa ang binata. Humiga na din siya para matulog, mag aalas kwatro na rin ng madaling araw. Pumikit na siya ng biglang ang kamay ng binata ay dumagan sa may tiyan niya unconciously. Siya na ang ginawang unan nito at niyayakap. Hindi na siya nakagalaw pa kahit maingat niyang inattempt na ilayo ang kamay ng lalaki, mas humigpit pa ang yakap sa kanya sa bawat kaluskos niya. Kaya minabuti na lamang niyang huwag ng kumilos at matulog na lamang. Somehow she felt more secure and comfortable sa bisig ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD