Klint Clemente

942 Words
Habang nasa daan ay dumating na nga sa email ni jay ang copy ng cctv footage. Pinanood nila ito. Makikita sa loob ng elevator na interesado talaga ang lalaki makipag-usap kay Kim. Nakatitig lang ito kay Kim kahit nag busi-busyhan na siya sa cellphone. At ng lumabas na ang lahat ay hindi pa rin ito gumalaw, kay Kim lang talaga nakatingin. Hanggang sa Basement ng lumabas na si Kim ng elevator ay nakasunod ito sa babae. Pero lumiko at lumihis pagkatapos at sumakay na ng kotse at umalis na. “Parehos lang talaga kami ng direksyon Jay!”, anas ni Kim. Tumango-tango si Jay ngunit sa kinaibuturan ng puso ay may kakaiba talaga doon sa lalaki. Ipapatawag niya ito ng lihim. “Nandito na ho tayo Sir!” anas ng driver ni Jay. Napatingin si Kim sa paligid sa labas. Nasa malapit sila sa dagat. “I heared this place has the best seafoods! tara na!”, imbita ng binata kay Kim. “Okay!” sagot niya dito at sumunod na kay Jay. Naglakad sila patungo sa isang two storey building resto. Marami-rami rin ang kumakain doon dahil siguro ay oras ng tanghalian. They ordered baked clams with cheese, sinigang na hipon at grilled fish. Sa ikalawang palapag sila pumuwesto dahil open space ito, malayang labas - pasok ang hangin ng dalampasigan. Tanaw din nila ang dagat mula doon. Wari’y nalimutan ni Kim ang kaninang insidente at nag enjoy sa pagkain at atmospera. Matagal na rin siyang hindi nakapag dagat. At kahit kanina pa sila tapos kumain ay nag enjoy pa silang nagkukwentohan. Nakabalik naman sila sa opisina sa tamang oras. Nang makabalik na si Kim sa opisina nito ay lihim na ipinatawag ni Jay ang lalaki sa cctv footage sa opisina niya. Hindi naman nag tagal ay naroon na ito sa harapan niya. Todo yuko lang ang lalaki na animo’y nahihiya o natatakot. “Mr. Klint Clemente! alam mo ba kung bakit kita pinatawag dito?” “H-hindi po, may nagawa po ba akong mali?”, sagot pa nito na nakayuko pa rin. Jay Played the cctv footage on his laptop. “Tingnan mo ang kuha na ito!” anas ni Jay. Tumingin naman sa computer ang lalaki. Midyo nagulat pa ito sa nakita doon. “May gusto ka ba kay Miss Dela Cruz?” “Ah. ahm.. Humahanga lang po. Napakaganda naman po talaga niya!”, sagot ng lalaki. “Sinusundan mo ba siya kanina?”, tanong na naman ni Jay dito. “Hindi po, nagkataon lang na Pareho kami ng dinaanan!”. “Pero iba ang sa tingin ko Mr Clemente! Bakit? kung papansinin mo sa video ng maayos, kung hindi pa ako dumating, ay hindi ka lilihis ng daan. Napansin mo ako sa di kalayuan kaya lumihis ka na at hinanap ang kotse mo!” “Hindi po Sir! talagang paparoon ako sa kotse ko ng oras na iyon!”, pagsisinungaling pa nito. “This is a warning Mr Clemente! Don’t ever Mess with my Fiancee or else hindi lang sisanti ang aabutin mo! Maliwanag?!”, Tiimbagang na banta niya sa lalaki. “Y-yes! maliwanag po Sir!”, sagot naman nito. “Makakaalis ka na!”, sabay muwestra niya sa Sekretary na paalisin na ang lalaki. Sinabayan na ni Kenneth ang lalaki palabas ng silid. Mabuti na iyong maliwanag sa lalaki ang kahihinatnan nito kung sakaling may masamang balak ito kay Kim. ipapa-under surveillance din niya ito sa mga security. ————— Madali lang din natapos ang araw at uwian na ni Kim. Kahit maagang natapos si Jay sa mga meeting at mga gawain niya sa araw na iyon ay maagap talaga siyang naghintay para lamang magkasabay silang umuwi. He sent a DM again at sinabihan ang babae na mag-aantay siya sa labas ng opisina. Agad naman nag reply ito na paalis na rin ito ng opisina. Maya-maya pa ay nakita na ni Jay si Kim na naglalakad na patungo sa kotse niya. Agad niya itong pinagbuksan ng pintoan. “Hi! kanina ka pa ba?” bati agad nito sa kanya. “Nope! you’re just in time!” sagot niya dito. “You wanna grab dinner sa labas? or sa bahay na lamang?” dagdag niya dito. “Sa bahay na lamang Jay, baka hihintayin tayo ni Lolo sa haponan!”, sagot nito sa kanya. “Okay! Dine-in sa Bahay!” anas pa nito! Natawa naman si Kim dito. At tumakbo na ang kanilang kotse paalis. Lingid sa kaalaman ng dalawa ang nag-aapoy na tingin ng lalaking kinakain na ng selos at galit ang puso sa di kalayuan. *** Klint’s POV May kutob na si Klint kung bakit siya pinapatawag ni James Perez. Tungkol ito sa insidente sa basement kanina. Talagang nagsumbong nga ang babae sa nobyo nito. Kaya suot ang napakabait na hitsura niya ay nagtungo siya sa Top Floor sa opisina ng Boss. Nakayuko lang siya para kunyari ay takot siya o di kaya’y nahihiya. Pero sa loob-loob niya ay ang matinding galit. Matalino at mapanuri ang lalaking boss nila. Napansin nito sa video ang kanyang agarang pag lihis ng daan pagkatapos niyang makita ang lalaki sa di kalayuan. Pero syempre todo deny siya doon. Wala itong magagawa kung hindi siya aamin. Pagkalabas niya doon sa opisina ng Boss ay nagdesisyon siyang mag lie-low na muna habang mainit pa siya sa mata ng boss. Pero hindi magtatagal ay magbabayad ang mga ito. Ang babaeng hindi man lang siya pinapansin, na nag dulot ng sakit sa puso at damdamin niya araw-araw. At ang lalaking boss na mukhang minamaliit siya. Humanda sila! Balang araw!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD