Organic Encounter

1358 Words
“Kim? what happen to you?”, tanong nito. “Obvious ba? nahulog ako dito oh!” inis na sagot niya. Of all people ito pa ang nakakita sa kanya, ang lalaking kaaway niya at hindi siya sigurado kung tutulungan siya nito o tatawanan lang. “Alam kong nahulog ka diyan, pero papaano?” “Mahabang kwento po, Tito boy!”, naiinis na talaga siya, marami pang tanong parang si Tito Boy abunda, hindi muna siya tulungan na kanina pa siya babad sa tubig doon. “Tulungan mo muna ako please.. promised! sasabihin ko sa iyo lahat-lahat!” dagdag pa niya. At doon na nga parang natarantang muli ang lalaki na kumuha ng maaring magamit para tulungang makaalis ang babae sa loob. “Hawakan mo ang dulo ng kahoy at hihilahin kita ha!”, sabi pa nito. Sinunod naman niya ang instruction nito pero ayaw pa rin siyang makaakyat doon. “Teka! hahanap ako ng lubid o kaya’y mas mataas na kahoy, diyan ka lang “ ‘of course dito lang ako, saan pa ako pupunta?’ sa isipan ng babae. Pero ngumiti na lamang siya dito at tumango sa binata, hindi na siya nag salita at baka kung ano pang lumabas sa bibig niya. Maya-maya pa ay may dala na naman itong mahaba-habang kahoy. “Wala akong makitang lubid pero ito baka gumana ito!”, anas pa ng lalaki. At ibinaba ulit niya ang kahoy at iniabot kay Kim. “Sige! pag bilang ko ng tatlo, hihilahin kita, gamitin mo rin ang papa mo sa wall para makaakyat ka, okay?” “Sige! okay!” malakas pa na tugon ni Kim. Kumapit na ng mabuti si Kim sa dulo ng kahoy. “One two three!” at buong lakas na hinatak siya ng lalaki. Mukhang gumana naman kasi ay naramdaman ni Kim na umaangat na siya. Ginamit niya ang mga paa na parang naglakad sa wall upang mas madaling mahila siya ng lalaki. Ngunit parang nahakot na yata ni Kim ang lahat ng kamalasan sa araw na iyun. Nawalan ng balanse si Jay, na dulas kasi ang isang paa nito. At dahil mabigat si Kim ay ang lalaki tuloy ang nahatak niya paloob, sa hindi inaasahang pangyayari ay nahulog din ito doon sa loob ng patubigan. Parang nag dive pa ito sa tubigan. “s**t!” napamura na lamang ang binata sa inis at nasuntok pa ang tubig. Midyo natakot naman si Kim sa nakitang galit sa mukha ng lalaki. Baka sa kanya ito galit at lunurin na lamang siya nito sa tubig. Kaya naman ay midyo lumayo siya ng kaunti dito. Napansin naman ito ni Jay. “I am sorry! I am not Mad at you! sa sarili ko, nagagalit ako sa sarili ko! I am so useless!”, anas ng binata. “Sorry din, nadamay ka tuloy sa kamalasan ko ngayong araw! wala kang kasalanan, ginawa mong lahat ngunit lang ay your best is not enough?”, pabirong sabi pa ng babae. Kung hindi lang siya naunahan ni Jay na magalit sa sitwasyon nila ay siguradong bugbog sa sermon niya itong lalaking ito ngayon. Imbis ba naman tulungan siyang iahon doon eh, sinamahan ba naman siya dito sa ibaba. Ito na nga lang ang pag-asa niya, ngayon dalawa na tuloy sila. Pero syempre hindi na niya isinatinig iyun. Tahimik lang ang dalawa. Tanging tinig ng kuliglig ang maririnig sa paligid at ang mahinang iyak ng aso na nasa itaas nila na panay ang silip sa kanila, paikot-ikot na para ring gustong tumalon para makasama ang amo. 'hmp! parehos walang silbi!' sa isip niya. Naiinis siya na walang magawa, nag aalala siya sa kanyang lola at mga magulang sigurado siyang hinahanap na siya ng mga ito. Nang biglang maalala ni Kim. "Selpon! may dala kang selpon?" tanong niya sa lalaki, nakatayo na ito sa di kalayuan niya. Umiling ang binata. "Sorry, hindi ko dala. Usually kasi hindi ako nag dadala ng selpon kapag pinapalabas si Piper! He usually do his thing immediately, only today that he run fast at malayo pa, wala akong nagawa kundi sundan nalang ito. Mukhang narinig ka ni Piper mula sa bahay", mahabang salaysay nito. 'Sorry Piper! mali pala ako! may silbi ka pala hindi nga lang paki-pakinabang sa ngayon!’, sa isip ng babae. Tumango-tango na lamang si Kim dito. At talagang nawalan na talaga siya ng pag-asa. Naiiyak na siya sa sobrang pag-aalala sa mga magulang. Nakita naman ni Jay ang pag iba ng Mood ni Kim. "Huwag kang mag-alala, hahanapin nila tayo. Makakalabas din tayo dito!" Umiyak na nga ng tuluyan si Kim. "Kasalanan ito ng sasakyang iyun na sobrang lakas magpatakbo, muntik akong masagasaan kaya naman nahulog ako sa pangpang , and worst nahulog dito!", pag kukwento niya sa gitna ng pag iyak. Naramdaman na lamang ni Kim ang kamay ng binata sa likod niya na mahinang tinapik-tapik, wari'y pinapatahan siya. Hindi niya pala namalayan na lumapit na ito sa kanya. Hindi umimik ang binata, pero nakikinig ito at dinadamayan siya. Maya-maya ay bumuti naman ang pakiramdam niya siguro dahil nailabas niya ang saloobin, kaya tumahan na siya. "Paano kaya kung sabay tayong sumigaw baka may makarinig sa atin!", anas ng babae. "May kalayuan itong lugar na ito sa kabahayan pero subukan natin!", pag sang-ayon ng binata. "Sige, bibilang ako ng tatlo tapos sigaw agad ha!", pagbibigay instruction nito sa lalaki. "One two three... " "Tulonggggg!!!" , sigaw ni Kim "Ahhhhhhhhhh!!!", sigaw ni Jay. "Teka! ano bang isisigaw natin?" tanong ni Jay na naguguluhan. "Tulong ang isisigaw natin, para ma alarma ang makakarinig, hindi tili!" sabi pa ng babae. "Ah, okay! sige ready!" sagot ng binata. "TULONGGG!!! " Napakalakas na sigaw ng dalawa na magkasabay. Si Piper naman sa itaas ay tumahol rin at umalolong, nakikiisa sa kanila. Makailang sigaw sila ay wala pa ring dumadating na tulong. Nagsimula ng manghina si Kim sa pagod, ngayon ay gutom naman at uhaw. Nasa mga dalawang oras na siya doon sa loob mula ng mahulog siya kanina. "Pahinga muna tayo, huwag na muna nating pilitin", anas ng binata. Napapikit na lamang si Kim. Sumandal sa pader. Matagal siyang nakaganoon. Akala ni Jay ay nakatulog na siya. "Hey! are you sleeping while standing?" Natawa naman si Kim. Napakagandang talent siguro noon, at sana nga ay may ganoon siyang talento para matulog na lamang siya habang nag aantay ng tulong. "Alam kong, nag aalala ka sa lola at mga parents mo! huwag kang mag-alala at parating na siguro sa ngayon ang tulong!" Tahimik lang si Kim. Unang nag salita ang lalaki, wari'y hindi kinaya ang katahimikan. "By the way, sorry nga pala nung unang kita natin, alam kong nasaktan ka ng tamaan ng bola, pero hindi ako ang bumato sa iyo noon, yung pinsan kong loko-loko!" Tumango-tango lang ang dalaga. "At iyung binasa mo ako sa tubig kanal? pinsan mo rin ba iyun?" "Ah...iyun ba.." nahihiyang sabi ng binata. "Sorry din doon, ng dahil kasi sa baka mo kaya nagalit ako sa'yu!" dagdag pa ng binata. Pinagmasdan ni Kim ang lalaki, kahit ang buwan lang ang liwanag nila ngayon ngunit nakikita pa rin niyang sensiro ang lalaki sa paghihingi ng despensa. "Sorry din sa mga pang-aasar ko sa iyo!" anas ng dalaga. “Oo nga pala hindi pa tayo pormal na magkakilala” anas ng binata. “Ako pala si James Paul Perez, pero Jay nalang for short!” naglahad pa ng kamay si Jay sa babae, nakangiti na ang lalaki. Natawa naman si Kim sa binata dahil sa ganitong sitwasyon pa talaga sila pormal magpapakilala sa isat’-isa. “Ako naman si Kimberly Ann Dela Cruz”. at tinanggap na niya ang kamay ng binata para makipagkamay dito. Habang hawak pa ng lalaki ang kanyang kanang kamay ay pasekreto siyang kumuha ng tubig sa kabilang kamay at sa hindi inaasahan ng binata ay isinaboy niya ito habang tawa ng tawa. “O iyan! ang pormal-pormal mo kasi hindi bagay!” sabi pa ng babae na tuwang-tuwa pa sa ginawa. Patakbong lumayo pa si Kim mula sa lalaki baka ay balikan siya nito at saboyan din ng tubig. Natawa na lamang din si Jay sa ginawa ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD