Fiera Tatlong araw na akong nandito kasama si Davian. Ang bata na dinala ni Athera sa mansyon dati. Hindi ko akalain na itinatago pala siya ni Athera sa lugar na ito. Gamit ang natitirang lakas ay napagpasyahan namin na maglakbay at hanapin ang daan pabalik sa Valzuela. Ngunit patuloy kaming bumabalik dito sapagkat napakadaming balakid. Sa tuwing lalabas kami ay susugurin kami ng mga lobo at ang nagagawa namin ay protektahan ang isa't-isa. Hindi namin kaya ang lakas ng nakakasagupa naming kalaban kaya hindi na kami nagtatangkang umalis pa. "Tita?" Magalang na tawag niya sa akin. Hinayaan ko siyang tawagin akong Tita dahil iyon ang kagustuhan niya. Nais ko ngang tawagin niya akong Ina ngunit hindi siya sumang ayon. "Ubos na ang inimbak nating pagkain. Kailangan uli nating maghanap dahil p
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


