Elixia "Pakiusap bitiwan niyo ako, pakawalan niyo ako. Ibalik niyo ako kay Kaifier!" Matinis na sigaw ng dalagang hinihila ko. Kanina pa siya sigaw nang sigaw at mukhang walang balak na tumigil. Naririndin na ako at gano'n na rin ang aking mga kasamahan. Sensitibo ang aming pandinig at batid kong nasasaktan na sila. Naiinis na binalingan ko ito ng tingin. Siya ang dahilan kaya muntik na akong mamatay at hindi ako titigil lang sa isang tabi kapag hindi ako makapaghiganti. Ngayon tingnan natin ang lakas at tapang mong babae ka. Hinila ko siyang muli dahilan upang muntikan na siyang matisod at masubsob, subali't hindi pa rin siya matigil sa pagsigaw para humingi ng tulong. "Pakawalan niyo ako!" Nagsisigaw ito pero walang bakas ng pagmamakaawa sa boses nito. Mukhang nais niya lamang kaming

