CHAPTER 1
"Sofiaaa,Sofiaa" Dinig kong tawag sakin ni Aleng Bebang galing sa baba ng aming bahay,Mag Aalas otso palang ng umaga na pumarito sya,kaya't agad kong nilabas ito at tanaw ko na may dala dala itong isang supot na plastic na may malawak na ngiti.
"Oh Aleng Bebang ,Abay ang ganda ganda nyo padin po aahh , abay hiyang po kayo sa pag aasawa"Natatawa kong pahayag sa kanya " Wala po si itay dito ,nasa kabilang bundok papo , eh mayroon po pinagawa si Mang Karlos sa taniman nya" Pagpapaliwanag ko, alam kong hahanapin nya din si itay dahil ako lang ang nakikita nya dito.
"Hay nako Sofia, oh ito sa inyo lahat to" Sabay abot sakin ng isang supot. "Abay at may ibibigay pa sana kami na pwede ipalit dyan sa dingding nyo, hindi ko kaya dalhin,ako lang mag isa eh,sayang din iyon Sofia ,kesa sa sunugin namin iyon. Pinalitan na kasi namin iyong dingding namin,alam mo na medyo naka luwag luwag". Natatawang saad Nya.
"Di napo sana kayo nag abala, Nakakahiya naman po dito". Sabay angat ng Supot na bigay nya. "Atsaka po salamat po talaga sa tulong nyo si itay po kasi hindi pa nakakahanap ng buho na pang gawa ng aming dingding eehh ,oh sya tuloy po kayo. Tubig po". Alok ko sa kanya ,bago pinapasok.
"Alam mo Sofia , kaya ako pumarito ay dahil may gusto sana akong ialok sayo na trabaho eehh".Pag sisimula nya.
"Ano ho iyon?". Pagtatanong namay kasamang pagkakunot ng noo ko.
"Ano kasi natatandaan mo paba si Manag Magda? Yung umuuwi dito kaso isang linggo lang sya ".
"Ay opo , bakit po anong meron sa kanya? ". Kinakabahan kong ani.
"Ano kaba may binilin lang sya sakin na maghanap daw ako ng pwede magtrabaho don sa kanila , at sinabi din nya na alokin daw kita, kung gusto mo daw".
"Aahh- amh ano kasi....". Pagdadalawang isip ko.
"Ano kaba Sofia ,malaki daw magpasahod ang magiging Amo mo ,tsaka madami din kayo na magkakatuwang sa bahay na iyon". Pagpapaliwanag ni Aleng Bebang.
"Kasi po si..." . Dina ako pinatapos muna magsalita, naiisip ko si Itay dahil wala syang makakasama dito.
"Tsaka libre lahat Sofia, may magiging sariling kwarto kadin daw don ". Pagkukumbinsi nya sakin.
"Pag iisipan ko papo Aleng Bebang , Wala ho kasing makakasama si Itay kung aalis po ako ". Nag aalala din kasi ako kay Itay lalo na't malayo ang aming bahay sa bayan at kapitbahay , talagang dito kami sa bundok .
"O sya sige ,kung gusto mo lang naman at magbago isip mo ito ang numero at Address ng bahay ng magiging Amo mo". Sabay abot sakin ng papel namay nakasulat na agad ko namang kinuha.
"Salamat po Aleng Bebang". Pagsasaad ko ng may kasamang ngiti sa labi.
Mahaba habang Chismisan at kwentuhan din ang nakuha ko kay Aleng Bebang,nakakatuwa lang isipin na kahit hindi kami magka ano-ano eeh andyan sila para samin ni Itay.
Mag Aalas tres na ng hapon ng makauwi si Aleng Bebang dahil sa malayo pa ang bahay nito samin, nasa bayan sila at kami naman ay nandito sa paanan ng bundok, walang kapit bahay na tanging kami lang ni Itay ang nandito. Walang kuryente dahil malayo kami sa bayan at tanging lampara lamang ang gamit namin tuwing gabi.Bumababa lang kami
ni Itay sa bayan pagka marami kaming na harvest na gulay na pwede mabenta.
Sofia Lagrada, 22 years old .Dalawa nalang kami ni Itay dahil wala na si Inay noong 15 years old palang ako.Pitong taon na ang nakalipas ngunit sariwa padin ang mga ala ala na iniwan samin ni Inay , Namatay siya dahil sa sakit sa puso.Wala kaming sapat na pera para ipagamot si Inay, dahil pagsasaka lang naman ang pinagkukuhaan namin ng pang kabuhayan.
"Oh Itay, mano po". Salubong ko kay Itay na kakauwi lang galing kila Mang Karlos.
"Buti Itay hindi ho kayo masyadong gabi ngayon umuwi ,maaga po natapos? ". Pagtatanong ko na bago sya umupo sa aming maliit na hapag kainan.
"Oo, eh ang bilis kaya ni Itay mo magtrabaho, bukod sa mabilis eehh pulido at magaan pa ang mga kamay ". Pagbibiro ni itay na totoo naman talaga na magaan ang kamay sa pagtatanim.
"Oo naman Itay ikaw paba , Abay ako din ho ,kanino paba ako magmamana , eh nananalaytay sa dugo natin". Natatawang sabi ko .
Isang malutong na halakhak na nagmula kay Itay
"Oo naman anak, o sya kumain na nga tayo, habang mainit pa ang pagkain". Habang nagpapahinga si Itay bago matulog ay may ibinigay ito sakin.
"Anak oh , yan na naipon ko na nakuha ko sa sakahan kila Garyo at Karlos , 1500 iyan. Pumunta ka ng bayan bukas at mamili ka ng bigas at kakailanganin natin dito sa bahay". Sabay abot ko ng pera na galing sa pinagpaguran ni Itay.
"Maraming salamat sa Panginoon at sa iyo Itay sa Biyaya na natanggap natin , hayaan nyo po ay maaga pa po ako". tatalikuran kona sana sya at mg may maalala ako.
"Ay teka tay Dika po ba sasama Itay?".
"Babalik ako ulit kay Karlos bukas Anak , magpapabungkal daw yun ng lupa para sa bagong taniman daw ulit ,abay malay mo ako naman ulit kunin nya mag tanim ng gulay".
Kinabukasan ay maaga pa nga ako sa bayan dahil sa malayo ang lakarin mula sa amin.Suot ang Bestedang puting bulaklakin na bago umabot sa tuhod.Nababagay din sa buhok kong hanggang baywang na maitim at kulot kulot sa bandang ibaba , at sa kulay kong medyo kayumanggi dahil sa init sa pagsasaka.
Malayo palang ako ng marinig ko na ang tawanan nila Kuya Delfin at asawa nito na Ate Rosalita.
"Kuya Delfin magkano po bagoong nyo isang takal po?".
"trentay singko, aba'y masarap iyan , mabango pa".saad pa nya.
"O sya sige ho".
Agad naman ako lilipat sa kabila.
"Hello Aleng Beth kamusta po kayo? Magkano ho isang kilong isda nyo ? kuha po ako pagka mura hehehe". Pagbibiro kong turan ,nagbabakasakaling maka discount alam nyo na.
"Syempre mura na iyan sa halagang 65 ang kilo kuha kana ,Aba'y sa iba yan 80 na yan".
"Sige na nga , isang kilo lang nga po". Sabay abot ko ng bayad
"Hala Aleng Beth parang gumaganda ho kayo ,ano ho sekreto nyo , Aba'y pabata kayo ng pabata aahh". Malakas kong turan sa kanya.
"Wala ho bang discount ,60 nalang oh. Tsaka ang fresh na fresh nyopo ,mukhang 16 years old palang po".
" Ako pinagluluko mo Sofia aahh ,O sya sige na nga, total naman ay minsan kalang maka baba dito sa bayan .Pasalamat ka malakas ka sakin".
"Salamat ho, Nawa'y marami pang biyayang matanggap nyo".
"Aysus ikaw talaga , Ingat ka sa pag uwi Sofia aaahh , ikamusta mo nalang ako kay Itay mo ah"
Dumeretso agad ako sa Grocery Store para mamili ng mga kakailanganin namin ni Itay sa bahay ,tulad nalang ng shampoo,sabon , toothpaste at iba pa.
Nasabay ko nadin ang pagbili ng Gaas na gagamitin sa aming lampara para may ilaw kami sa gabi .Lampara na de Gas.
Hindi din ako nakapag aral ng kolehiyo,tanging Elementary Graduate lang natapos ko. Huminto ako sa pag aaral dahil hindi namin kaya ang gagastusin sa pag aaral nila Inay at Itay.
Umuwi ako ng Alas kwarto na ng hapon na kasama ko si Pipay ang aming kalabaw,Hila hila nya ang Karosa na don din nakalagay ang aking mga pinamili, habang ako naman ay nasa likod nya.
Kinabukasan ay madaling araw palang nagluto na agad ako ng almusal dahil para maka kakain bago umalis si Itay at ng makaalis na si Itay ay naligo na agad ako at kumain nadin .
Mag Alas Sais emedya na ng umaga ng napagdesesyunan ko umalis para mangahoy at manguha ng kabute sa bandang basakan na pinagkuhaan ng palay.
Habang sakay ako kay Pipay na aming kalabaw ilang metro ang layo mula sa aming mumunting tahanan , ay may narinig akong pag sabog mula sa itaas ng bundok na di naman gaanong malakas, pinakiramdam ko muna ,ngunit wala naman akong narinig ulit .
"Narinig mo yun Pipay? Baka Pig bomb siguro yon , sila Mang Anton siguro gumawa non". Pagkakausap ko sa aming kalabaw sabay himas sa leeg niya.
"Alam mo Pipay , Sampong buwan pa at pagkatapos manganganak kana, galingan mo aahh, madadagdagan ka na naman". Pagpapatuloy ko kaht hindi sya sumasagot.
"At pupunta tayo sa maraming Pagkain mo Pipay, Yehey".
Natutuwang sabi ko na may kasamang pag kumpas ng kamay ko.
Marami kasing damo na pwedeng pwede kay Pipay , Carabao Grass ang tawag daw don sa pagkain nya .
"Tiyak ako na mabubusog talaga kayo ng baby mo don".
Sa di kalayuan ay may narinig ulit akong pagputok , na agad naman akong bumaba sa likod ni Pipay. Kinalas ko ang karosang nakakabit sa leeg nya, at tinali sya malapit sa puno ng Kasoy.Sinugurado ko muna na safe si Pipay para hindi mabuhol ang tali nya bago ako umalis at puntahan kung san man ang putok na iyon.
"Maiiwan mona kita dito Pipay aahh , kain kalang dyan ,maya pagdating natin don paliliguan kita don sa batis".
Agad ko namang sinukbit sa aking bewang ang Itak na may lagayan din , kahit na naka besteda ako ay di naman pangit tignan sa akin.
Habang binabaybay ko ang daan papunta sa may kung saan ang sumabog na kahit may kasukalan ang dinadaanan ko , ay dere-deretso padin ako. Hanggang sa may tumambad sakin na Pira-pirasong kulay itim na bakal na malalaki .
Dumeretso ako ulit dahil sa pagtataka ko at may nakita akong isang Helecopter daw ang tawag nila dito , Wala ng Buntot at tanging Katawan nalang ng sasakyan ang naiwan , at nagulat pako ng may nakita akong isang Lalaki na naipit ng isang bakal na katawan ng Helecopter.
Kinakabahang nilapitan ko at laking gulat ko ng tumambad sakin ang isang lalaking duguan at walang malay , agad kung tiningnan ang Palapulsuan nya at leeg kung may buhay pa ito.
Sobrang natatakot ako sa kalagayan ng lalaking ito ngayon , nahihirapan akong alisin ang bagay na nakadagan sa katawan nya , at ng naalis kona at pinaharap ko ,laking gulat ko na isang napaka gwapong lalaki, Mukhang nahulog langit , ay este nahulog pala ito talaga sa sinasakyan.
Napaka gwapo na di nakakasawang tignan ,
mayroong mahabang pilik mata , makapal na kilay, at ang tangos ng ilong , manipis na labi sa bandang itaas at di gaanong makapal sa bandang ibabang labi nya ,na nababagay sa jawline nya.
Kahit na duguan ay makikita mo padin ang napaka gandang lalaki nito na nababagay sa lapad ng katawan .
Haist ,ihinto kona nga ang pag iimahesnasyon ko .
nag aagaw buhay ang lalaking ito tapoa kung ano-ano ang naiisip ko .
Agad ko naman sinakay sa karosa ni Pipay ang lalaki ,kahit na hirap na hirap ako sa kanya para dalhin sya kung san ko iniwan si Pipay , laking pasasalamat ko at nakaya ko sya ng pa unti unti.
Napagdesesyunan konalang na nasa bahay ko nalang sya gagamutin ,dahil wala naman akong pambayad sa kanya sa Hospital sa bayan pagka ganun.