CHAPTER 3 ENCOUNTER

1493 Words
SOFIA POV "Kamusta kana? Kelan kapaba magigising? Ang tagal mong natutulog aaahh". Pagkausap ko kahit tulog naman ang lalaki na nakahiga ngayon sa isang kamang gawa sa kawayan. Kinakausap ko ito araw araw kahit tulog sya baka sakaling makatulong ito sa kanya. Mag iisang linggo na ngunit hindi pa nagigising ang lalaki simula nung natagpuan ko ito sa kung san sya naaksidente, Si Itay ayaw nya sana na dumito muna ang lalaki , ang sabi pa niya .. "Dalhin na natin iyan sa Hospital, at hayaan nalang ang mga nurse at doktor ang bahalang gamutin siya". "Pero Itay hindi ho natin alam kung magiging maayo sya don lalo na na parang hindi iyan taga rito sa bayan natin Itay ." "Pero Anak..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Itay inunahan ko na sya ulit magsalita. "Sige po Itay , pagka gising na pagka gising nya po ay tutulungan ho natin syang makabalik sa kung san man ito nakatira". Pagpapaliwanag ko kay Itay. Naaawa ako sa lalaki sa kalagayan nya ngayon , habang tinitingnan ko ang katawan nya na puno ng Benda at mga halamang gamot ang katawan. Nakakaramdam ako ng parang tinutusok tusok na karayom sa bandang dibdin ko sa twing tinitingnan ko ang kaawa awang kalagayan nya. "Magising kana, Baka hinahanap kana ng mga kamag anak mo". Bago ako tumalikod sa kanya ay hinaplos ko muna ang mukha nya . Wala si Itay dito ,nagtrabaho sa kabilang bayan para sa pagbungkal ng lupang taniman. Ilang araw din sya namalagi dito na umaasa na magigising ang lalaki.Ayaw sana akong iwan ni Itay dito lalo na at may kasama ako. Pero sinabihan ko si iTay na kaya ko . Mag alas Otso ng umaga ng matapos ako kumain ay pumunta na ako sa aking mumunting gulayan para bisitahin ito , ng may bigla akong narinig na lagabog sa aking kwarto kung saan ang lalaki na namamahinga. Agad kong pinuntahan ito, sa may hamba palang ng pintuan ng marinig ko ulit ang isa pang pagka basag sa sahig ng kung ano . Ng sa loob na ako ng kwarto kung san nagmula ang ingay ay laging gulat ko ng makita ko ang lalaking gising na at nakaupo sa aming munting papag na gawa sa kawayan sa baba ng kama. At tiningnan ko ang nabasag ay ang baso na iniwan ko na may lamang tubig sa gilid ng kama at bintana. "Gising kana". Gulat na sabi ko at tumingin sya sa akin. "Who are you?". Tanong nya sakin na di ko maalis ang tingin ko dahil namamangha ako sa kulay ng mata nya na kulay abohin. "I said Who are you? And why I am here? ". Yari paktay na, English yun. "Aaah because....because....hmmmm..". Pano ba mag english ,baka di maka intindi to ng tagalog. "Amm you know wat ,im bery happy dat..". diko natapos ang sasabihin ko ng bigla syang pilit tumayo at lumabas ng bahay. Agad ko naman itong hinabol. "Ay sandali ang mga sugat mo ,dika pa masyadong magaling". Pag aalala ko sa kanya , dahil kitang kita ko naman kung gaano nahihirapang maglakad ,na paika ika ,dahil may sugat din sa bandang binti nya. "Hoy! Ano kasi ang sugat mo ". Parang di ako narinig o baka di nya ako maintindihan, "Your wound mestir, this not ammmm healing ,oo ,healing.". Haist diko alam basta bahala na ,baka maintindihan nya din ang taong bundok na gaya ko. Natigil sya sa paglakad lakad ng wala syang makitang ibang kabahayan dito . "Who am I? and Who are you? Bakit wala akong matandaan". Halos lumuwa na mata ko sa gulat dahil pinahirapan pako ng lalaking ito mag eenglish eh marunong naman pala magtagalog . "Bakit ako nandito ,Who am I? Who am I ? and ....and...grrrrrrrrr." natatarantang sabi nya na palakad lakad paroon parito at sabay hawak sa ulo nya at nagsisigaw . Agad ko itong nilapitan upang aluin at magpapaliwanag na kung bakit nandito sya. At ng hahawakan ko na sya ay bigla nya nalang akong naitulak dahilan para mapaupo ako sa lupa. "Huminahon ka po muna". pag aalo ko bago ko pinagpag ang dumi saking laylayan ng dami bandang pang upo ko. "You know who am i miss." Sabay hawak nya sa ulo nya na parang sakit na sakit sya kaya tinakbo ko ito palapit at niyakap sya para aluin. "Tama napo iyan , nasasaktan kapo kuya, sasabihin ko sayo kung bat ka nandito at bakit ganyan po ang kalagayan mo ,Huminahon kapo muna kuya parang awa muna." baka sakaling makinig . at di ko nga inaasahan na bigla nalang syang kumalma. Dinala ko sya sa munting kusina namin at pina upo ko ,at inabutan ko ng tubig sa baso, iniabot ko sa kanya. "Tubig kapo muna kuya". Tiningnan nya lang ang kamay kung may hawak ng baso . "Sige na po" . Agad nya naman kinuha ito at ininom. THIRD PERSON POV Nagising si Matthew na walang maalala , tumingin sya sa bubong, nakita nya ang bubong na yari sa pawid at tumingin din sya sa dingding na yari sa boho na pinagtagpi tagpi. Habang umiikot ang tingin nya may nakita syang mga damit at dress ng babae. Agad naman nyang nakita ang isang basong tubig sa bandang gilid nya isang Metro ang haba. Umupo sya ng dahandahan at akmang aabutin nya na ang baso ng tubig nang bigla itong nahulog ng nasundan din nya ng pagkahulog , tatayo na sana ulit sya ng bigla nalang nanlumo ang mga tuhod nya kaya't naupo ulit siya. Habang wala sa sarili ay agad syang tumingala ng may narinig syang nagsalitang babae. Isang magandang babae, napaka amo ng mukha nya. Maganda ang hugis ng mukha nito namay maliliit na labi at maliit na pointed nose, Medyo mabilog na matulis ang dulo ng mata nya namay mahahabang pilik mata , at napakahabamg bubok nito na alon alon na naabot hanggang bewang. Habang nasa labas sila ay bigla nalang niyakap ai matthew ,at kumalma ito. Iba abg hatid ng yakap sa kanya ,parang may kung anong dala para gumaan ang pakiramdam mo. MATTHEW POV "So who am i miss? why i am here?At bakit may mga sugat ako."Naguguluhan kong tanong sa kanya. Nakita ko sa mukha nya ang pag aalala sakin. "Kuya pwede po isa isa lang po ". mahinahon nyang sabi. Unti unti kong kinalma ang sarili ko. "Nandito kapo dahil sa niligtas po kita". Pagsisimula nya. "What?! ". Gulat ko. "Sandali po , huwag kapo munang magsalita at makinig kapo muna sakin." Tumango nalang ako. "Naglalakad po kami ni Pipay non, ng may narinig po ako ng pagsabog , pinuntahan po namin ni pipay at nakita po kita na duguan at walang malay, hindi ko alam ang gagawin ko non , hindi kana din namin nagawang dalhin sa Hospital non dahil wala kaming perang pambayad.Kaya ayan , tignan mo kalagayan mo. Isang linggo kapong walang malay." Pagpapaliwanag nya sakin. "Hindi ho kita kilala.Hindi ho kita nakikita sa bayan namin.At baka po siguro na di kayo taga rito". Naliwanagan ako nung sabihin nya sakin yun. Hindi ako naka imik. "Kain napo muna kayo , alam kong gutom ka,Saglit lang at ikukuha kita ng makakain". Sinundan ko nalang sya ng tingin ng tumalikod na ito sakin . Bumalik namay dala ng pag kain at ulam.Nang ilapag nya na sa mesang gawa sa kawayan ay tiningnan kolang ito ng may pagtataka. "Yan lang ang pagkain at ulam namin ,Tuyo". Sabay turo nya sa isdang tamban na matigas at kalahating dangkal ang laki. "Bagoong". Turo nya sa maliliit na hipon. Agad akong napangiwi dahil abg liliit at ng inamoy ko ay kakaibang amoy . "Gulay na talong,okra masarap yan isawsaw sa suka". sabay turo nya din sa suka. Natuon ang Atensyon ko sa isang pagkain na di sinabi sakin. "Is that a Mushroom?" . Pagtanong ko na may kasamang pag turo. Bago nya sinabi sakin. "Opo ,kabute po .Masarap din po yan, Lahat ng nasa harap mo ngayon ay puro masasarap kaya kumain kana , dahil kung hindi ka kakain ,eh hindi lang naman ako ang magugutom"Sabay tayo nya at akmang aalis na sya. "What is your name?". Agad naman syang humarap sa akin na may kunting ngiti. "Sofia ang pangalan ko , Ikaw?.Agad namang nangunot ang noo ko sa tanong nya , ni wala nga akong maalala . Sabay tawa nya na mas lalo kong ikinakunot ng noo ko. "Pasensya na pala, wala ka nga pala maalala". umupo sya bigla pabalik sa kinauupuan nya. Nag umpisa nalang din ako kumain habang sya ay parang nag iisip na diko malaman. Diko alam kung paano kainin ang lahat ng to . Pero sige try ko dahil ako lang din ang mag hihirap sa gutom. At ng matapos na ako ay bigla nya nalang kinuha ang mga ginamit kong plato sa aking harapan at inumpisahan nya ng hugasan . Habang busy sya sa paghuhugas ay lumabas ako. Tumungo ako sa malaking punong kahoy na mayroong upuan sa may katawan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD