[Midnight Chick] Maagang gumising si Kiel dahil sa isang okasyon. Kaarawan kasi ngayon ni Niel na siyang malapit na pinsan niya. Napag-alamang nasa mabuting kamay pala si Niel noong panahong tumawag ito sa kaniya para humingi ng tulong. Mabuti at naroon ang mga kaibigan nito na siyang rumesbak para sa naganap na insidente sa academy. Nakasablay sa kaniyang balikat ang towel habang tanging boxer shorts lamang niya ang kaniyang suot. Pasimple pa siyang pumunta sa kaniyang mini-kitchen at doo'y kumuha ng kape at nagtimpla gamit ang coffee maker. Nagtungo rin si Kiel sa kaniyang mini fridge at sinipat ang kung anong bagay na gusto niyang kainin. Fresh lettuce at cucumber. He is a plain vegetarian and also a coffeeholic. Nang mahiwa na niya ang mga nasabing gulay ay kaagad din niyang nila

