Nagising ako ng bigla akong makaramdam ng pagka-uhaw. Madilim pa sa labas at sa tansya ko, alas kwatro pa lang ng umaga. Maingat akong bumangon sa kama para hindi magising sila Kris at Emman na nasa tabi ko. Lumabas ako ng kwarto at naglakad na papunta sa kusina. Kumuha ako ng isang baso at 'yong pitcher sa ref. Nagsasalin ako sa baso ng biglang bumukas ang ilaw at dumating si Alyssa na humihikab at kinukusot ang mga mata. Nagulat pa nga siya ng makita rin ako dito sa kusina. Kinuhaan ko nalang rin siya ng baso dahil for sure, nauuhaw na rin siya. After I filled the glass with water, I handed her the glass and waited for her to take it. Kukunin na sana niya 'yong baso pero bigla siyang natigilan. Hundi ko magawang bitawan ang baso dahil hindi pa niya ito nahahawakan. Kinalabit ko siya a

